"Umalis ka nga at maghahanda na ako.""Bakit pa kasi magtatrabaho eh."
"Gago-" Naputol ang pagmumura ko nang bigyan niya ako ng isang patak ng halik.
"Gustong gusto mo talagang mag mura hah. Hmmm.. Baka- aww!" Binatukan ko siya at tinulak.
Pagkatapos naming mamasyal sa mundong iyon ay nauwi kami rito sa bahay. Naka upo ako sa sofa sa sala habang siya ay kanina pa natutulog sa mga hita ko't ginagawang unan ito. Kanina ko pa ito tinutulak upang bumangon pero parang mabigat na bato itong hindi ko man lang magalaw.
Pero tangina pag halik babangon. Gago talaga.
"Bangon na Angelo hah."
"Anong gagawin mo sa akin kapag hindi ako bumangon?" Nakapikit lang ito habang nagsasalita. Nakangiti at sumasabay din ang mata nito kahit sarado. Napaka aliwalas talagang tingnan ng mukha ng lalaking ito.
Hindi ko siya sinagot. Maya maya ay dahan dahan niyang iminulat ang mata niya at kahit alam kong alam niyang nakatitig ako sa kanya ay hindi ko parin kinayang mahuli niya ito. Napakurap ako at binawi ang tingin mula sa kanya. Luminga linga ako. Ang tingin niya naman ngayon ang nararamdaman ko.
Naramdaman ko ang kamay niya sa baba ko. Ibinalik niya ang tingin ko sa kanya at nakita ko ang ngiti niya.
"Noon bang wala ako. bukod kay Art, may iba bang lumalapit sa 'yo?"
Nagulat ako sa tanong niya. Napaisip ako at dahan dahang tumango. Tinaasan niya ako ng kilay.
"Mas gwapo naman ako 'don." Nanunuya ko siyang tiningnan at binigyan siya ng reaksyon na parang hindi ganoon sinasang ayunan ang iniisip niya. Nagkabit balikat ako at kumunot ang noo niya. "Bakit?"
"Wala."
"May mas gwapo ba?"
"Mas gwapo kaya si Art sa 'yo" Mas lalong kumunot ang noo niya.
"Hindi ka aalis ah. Dito ka lang." Tumawa ako nang bumusangot siya at pumikit ulit siya. Niyakap niya ang bewang ko at isiniksik ang mukha sa tiyan ko at umarteng matutulog.
"Hoy. Alis kasi, late na nga ako." Hindi man lang siya gumalaw. Nakikiliti ako sa paghinga niya kaya natatawa ako.
Napangiti ako nang hindi talaga nito sinunusod ang gusto ko. Naisip ko ang sarili. Ang tawa ko kanina. Ang ngiti ko ngayon.
Dumating ka ba para dito Gelo?
Hindi ko aakalaing makakangiti pa ako ng ganito. Hindi ko na naisip na tatawa pa ako pagkatapos ng lahat. Inisip kong lahat ng tawa at ngiti ko noon ay babayaran ng sakit at paghihirap ko ngayon. Hindi na maaaring tumawa, naubos ko na noon. Hindi na maaaring ngumiti, nagamit ko na noon. Hindi na maaaring sumaya, dahil para lang sa nakaraan ko iyon. At tapos na ang nakaraan, hindi na pwede sa kasalukuyan.
Palagi nalang kinukuha ng noon ang karapatan nating sumaya ngayon. Hindi pwede kasi masakit pa, hindi pwede kasi naka tali ka pa. Dumating ka ba para kalasin ang taling ito mula sa akin Angelo? Sana nga. Pero...
"Wuy multo..."
"Hmm.."
"Napapasaya mo ako." Naramdaman kong natigilan siya. Ni ang hininga nito ay huminto sa pag lapat sa tiyan ko. Bahagya itong gumalaw. "Natatakot ako..."
Lumuwang ang yakap niya sa akin at tiningala ako. Tumingin ako sa kanya at binigyan siya ng tipid na ngiti. Kahit na may nakita akong gulo sa mga kislap ng mata niya, pinanatili ko ito. Kahit may nakita akong takot, hindi ko hinayaang mawala ang kahit konting ngiti ko. Gusto kong makita niyang may tiwala ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
He's A Ghost (COMPLETED)
FantasyNasanay si Cassi na mabuhay ng mag isa. Ang malamig nitong mata ay simbolo ng matibay na harang na itinayo niya sa sarili niya laban sa lahat ng taong nakapaligid sa kanya. Takot itong makaramdam ng kahit na ano sapagkat iniisip niyang ito ay magdad...