People come into your life in the most unexpected way. Or maybe, they come on those day you expected someone will be. But the sad part was, they will be also the reason of another day where you find another person because they didn't stay.
It's a cycle. Like one day, you'll be thankful for them pulling you out of your misery, then the next day putting you back with a greater agony.
“Kumain muna tayo.” Tumango ako kay Art. Dideretso na sana ako sa taas, sa kwarto nang yayain ako nito. Hinawakan niya ako sa bewang at pinagsabay ang paglakad namin. Dumaan muli kami sa malaking sala hanggang sa marating namin ang malaki ring dining.
"Asan si Mama?" Nilingon kami nang abalang mga katulong. Nagulat sila nang makita kaming nandito.
Balisa silang nagkatinginan. Sumenyas ang isa na mag handa sa mesa.
"W-wala po sir. Hindi pa ho nakakauwi." Tumango si Art. Mula sa bewang ay dumulas ang kamay niya sa braso patungo sa kamay ko. Hinila niya ako patungo sa mesa.
Nanuot ang amoy sa ilong ko. Nang tingnan ko ito'y nagkalat ang maraming ulam. Kumunot ang noo ko. Tumingin ako kay Art at magtatanong sana nang makita ang nagtataka din nitong ekspresyon habang nakatingin sa mga naghahaing kasambahay.
"May bisita ba?"
Nagkatinginan muli ang mga ito. Tumango sila at yumuko. Tumalikod agad ito at nagpatuloy sa pag aasikaso. Bahagyang tumaas ang kilay ko.
"Kain na tayo." Inusog ni Art ang upuan sa tapat ko. Umupo ako rito at hinintay siyang maupo sa gilid ko. Nang lingunin ko siya ay ngumiti siya sa akin. "Anong gusto mo?"
Blangko ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya ngunit nanatili parin ang ngiti niya.
I know what's your doing...
"Art." Tumaas ang kilay niya nang hindi naaalis ang ngiti. Pinagmasdan ko siya at hindi ko maiwasang mamangha sa nakikita. "You don't have to do this."
Nawala ang ngiti niya but then the humor didn't leave. "What?"
"Art."
His lips slightly smile again.
"I can make you happy Cassi."
"You can make me happy without forcing yourself to be someone you're not." Tumaas ang kilay niya. Natahimik kaming dalawa at mistula bang ang sinabi kong iyon ay naging pagkain sa pandinig niya.
"I can make you happy?" Ngumiti siya sa akin. Doon ko lamang napansin kung gaanong kalapit kami sa isa't isa. Nakaharap na siya sa akin. Ang isang kamay niya ay nakatukod sa likod ng upuan ko.
Tumingin ako sa harap at hinayaan ang pagtuon niya sa gilid ko. Tumikhim ako at tiningnan ang mga pagkain.
"Cassi." May sigla ang tawag niya at kinakabahan ako dito. Ito ang dahilan kung bakit ayaw ko siya na tulungan ako, I'll give him false hope kahit na alam kong walang ibig sabihin ang mga ginagawa ko. "Cassi."
"Stop now Art. I'm telling you."
Hindi siya sumagot. Ilang sandali pa ay randam ko paring hindi man lang siya gumagalaw sa pwesto niya. Nakatitig siya sa akin at konti nalang ay magmumura na talaga ako sa pinagagawa niya.
Pero bago iyon ay nag salita siya.
"Are you thinking that I'm copying him just to make you happy?" Hindi ako sumagot. Hinawakan ko ang kutsara para ipakita sa kanyang kakain na ako at ayaw ko nang makipag usap pa. Ngunit nang abutin ko sana ang tinidor ay inunahan niya ako. Inusog niya ito sa banda niya at nakakunot ang noo kong binalingan siya. Nakangisi siya sa akin.
BINABASA MO ANG
He's A Ghost (COMPLETED)
FantasyNasanay si Cassi na mabuhay ng mag isa. Ang malamig nitong mata ay simbolo ng matibay na harang na itinayo niya sa sarili niya laban sa lahat ng taong nakapaligid sa kanya. Takot itong makaramdam ng kahit na ano sapagkat iniisip niyang ito ay magdad...