I thought I already escaped from delusion, well I should've think again. It's slapping me now. Really hard.
He smiled at Jean, still holding her hand. I don't know what to react but I felt shocked already. Again!
"Alam mo miss? Maganda ka. Mukha ka pa namang anghel kaya hindi bagay sa 'yo ang manakit" Ngumiti na naman siya. Binitawan niya ang kamay ni Jean at bumaling sa akin.
"Hi Cass!" I just stare. That's all.But then he gained my full attention. Why is he wearing our school uniform? Hindi ko na napansin na nakatayo na pala ako. Siguro sa gulat nang makita siya. Naguguluhan ako. Kahit may ideya na sa isip ko ay nanatili ang diwa ko sa pagkalito.
"Who are you?" Aning tinig ni Jean. Tiningnan ko siya. I saw familiar reaction in her face. The smirk. The desire in her eyes. Pero hindi ako ganoon kababaw para magkaroon ng pakealam. Tiningnan ko ang lalaki sa harap ko. At ngayon ko lang rin naalalang ni pangalan niya ay hindi ko alam. Kung ganoon ay nakipagkilala ako sa isang multo without even knowing his identity? Ni hindi nga ako nakikipag usap sa tao na hindi ko kilala. At pinatira ko pa siya sa apartment ko. Ni hindi pa rin buo ang paniniwala ko sa presensya niya, pero.... nakikita siya ni Jean. Nakikita siya ng iba. Ng mga tao sa paligid ko. Mas lalong lumabo ang tsansa kong magising sa bagungot na 'to.
"Cass" Napakurap ako.
"H-hah?" Umayos ako ng tayo at hinarap siya. Nawala na naman ako sa mga iniisip ko at hindi ko man lang namalayang umalis na si Jean at kung ano man yung pinag usapan nila.
"Bakit tulala ka?" Tanong niya. Kinunutan ko siya ng noo. Hindi ko lubos maisip kung paanong nagagawa niyang umakto na parang wala lang. Samantalang ako ay halos mamatay na sa gulat. Anong ginagawa niya dito? Sana naman ay mali ang iniisip ko. Pero.....
"W-wag mo sabihing....."
"Good morning class!" Mariin akong napapikit. Umalis siya sa harap ko at umupo sa kung saan na hindi ko alam dahil ayaw kong malaman, ayaw kong makitang umupo siya sa upuan ng katulad sakin.
Pumasok na si ma'am Quinto na siyang adviser namin at ang may hawak ng first subject namin. Tumayo kami at binati siya kagaya ng nakagawian. And as expected... "You have a new classmate!" Tinawag niya ang hindi ko maintindihang apelido. Tanging Mr. lamang ang pumasok sa kokote ko.
Seryoso ba 'to? Pati ba naman dito? Mariin akong napapikit. Bakit parang pinaglalaruan ako ng mundo? Is this really happening? Dahil kahit kinausap at nakipag halubilo ako kanina sa kanya sa bahay ay hindi ko parin lubosang pinaniniwalaan ito. Hinayaan ko nalang ang kahibangan ng isip ko kahit na ang ibig sabihin nito ay nababaliw na ako. Dahil kung hahayaan kong mag wala ang halo halong reaksyon sa loob ko ay mas mababaliw ako. Jusko, hindi naman ako gumagamit ng ipinagbabawal na gamot! Bakit ganito?
"Good morning. I am Angelo Sky Welkin." Nakatingin lamang ako sa kanya. Iyon lang ang sinabi niya pero matapos niyang ngumiti ng malapad ay medyo naging maingay sa likod ko. Nasa pangalawang hanay ako ng upuan.
Angelo.....
-----
"Hi angelo! Sabay na tayong mag lunch?" Dinig na dinig ko ang boses ni Jean. Kakatapos lang ng morning class namin at oras na para sa lunch. Mabilis kong niligpit ang mga gamit ko. Hanggat maaari ay hindi dapat ako lumapit sa kanya.
"Cass!" Bahagya akong napatalon. Ang lakas ng pintig ng puso ko dahil sa gulat. Huminga ako ng malalim para makabawi at matalim siyang tinitigan. "Sorry" Tumawa siya.
BINABASA MO ANG
He's A Ghost (COMPLETED)
FantasyNasanay si Cassi na mabuhay ng mag isa. Ang malamig nitong mata ay simbolo ng matibay na harang na itinayo niya sa sarili niya laban sa lahat ng taong nakapaligid sa kanya. Takot itong makaramdam ng kahit na ano sapagkat iniisip niyang ito ay magdad...