Chapter 19

83 15 0
                                    


"Here. You got the badge. Congratulations!" Pumalakpak ang lahat nang tanggapin ni Cassandra ang badge galing kay Ashley. Buong ngiti niya kaming hinarap at yumuko at nagpasalamat.

"Thank you so much!" Mangiyak ngiyak pa ito habang tinitingnan ang hawak na badge. "Mom and Dad's flight is on the next day. They send a regards for all of you and your school. Thank you so much for giving us hope again." She hugged Ashley and then the rest of us.

Every year, our school send us in various resorts, companies outside the countries and other business properties. Those are bankrupt and destituted. They choose and give them funds to recover within a year, if they survive... Then the badge will be theirs, and having it will forever boost their business because except for a continual fund support, the school's name will attract a lot of investments. And they got it.

Malaki ang ngiti niya nang umabot na siya sa akin. "Bye Cassi! Until we meet again!" Lumapit siya sa akin matapos sabihin iyon at nakipag beso. Pero bago pa man matapos iyon ay mabilis itong bumulong. "Good luck for the both of you... Remember, I'm always here to support you to grow...and when you fall out of.. You know" She winked at me and smiled inosently. I just stare her with boredom. I heaved a sigh as I'm so tired of her stupidity.

That kind of desperation surely won't last here. Yeah right.

Akma niyang lalapitan ang katabi kong si Angelo nang yakapin ako nito mula sa likod at ipatong nito ang baba sa tuktok ng ulo ko habang ang kamay ay hawak ang akin na nagkrus dahil sa yakap niya sa bandang braso ko.

"Bye and congrats!" I bet he's smiling now very big and inosently. Hhmmm, good boy. I stop myself from smiling of what he did. Cassandra's face are now red and ashamed. That's what you get. She nodded and faced all of us. Nginitian siya ng lahat bilang ganti.

Nauna si Art sa pagpasok sa sariling sasakyan. We got a big Van. The bus is no longer available so Art insisted his. Nasa pinakalikod kami pumwesto ni Angelo. Katabi ko sa gilid si Fae habang sa dulong gilid niya ay si Toni. Nasa harap namin pumwesto sina Zin, Marga at Ashley. Nasa front naman si Von nakaupo.

Nagulat ako nang biglang lagyan ni Angelo ng unan ang leeg ko. Nang lingunin ko siya ay nanibago ako nang makita ang dating matamis na ngiti niya. Kaunti ay napangiti ako.

"Pst, huwag masyadong matamis at baka makalimutan kong barkada ko 'tong katabi ko't patulan ko sa inggit sa inyo." Umingay ang lahat nang sabihin iyon sa amin ni Toni.

Natawa ako nang makitang diring diri ang itsura ni Fae habang tawang tawa ang ibang naroon.

"Marga palit tayo! Eww!"

"Arte mo, eh ang papangit naman ng mga Ex mo kumpara sa akin! Tss, feeling mo ring totohanin ko. Asa!"

"Wow! Just wow Toni!" Inalalayan ako ni Angelo nang masiksik ako sa kanya dahil sa usog ng usog si Fae habang sinasabi 'yon.

"Kadiri kayo. Alis nga kayo dito yuck!" Sigaw ni Marga at nagkagulo na naman sila. Napailing nalang ako at nilingon si Angelo nang inilagay niya bigla sa tenga ko ang headphone. Sumandal ako sa headrest ng upuan at siya naman ay tumingin sa labas habang nilalaro laro ang kamay ko sa lap niya.

Unti unting tumahimik ang van nang lumayo layo na. Nadako ang tingin ko sa harap at namataan ang matang pasulyap sulya sa akin. Art was viewing me on the rear mirror. Agad kong inilihis ang tingin ko. Ilang sandali pa ay isinandal ko ulit ang ulo sa upuan at ipinikit mata.

Naramdaman ko ang malaking kamay sa pisngi ko. Nang dumilat ako ay naramdaman kong inihiga ni Angelo ang ulo ko sa balikat niya. "Para mas komportable..." Sinilip niya ako at maaliwalas na nginitian.

He's A Ghost (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon