Chapter 36

67 7 0
                                    


Hindi ko alam kung paanong nagawang bumalik lahat ng ala alang iyon sa sandaling panahon. Kasabay ng silaw ng paparting na sasakyan ay binalot din ako ng silaw ng nakaraan.

Hindi ko na ulit hahayaang maulit iyon. Hinding hindi na. Gusto ko naring mawala... Pagod na pagod na ako. At napakasakit isiping hanggang sa huling hantungan ng buhay ko ay ipapaalala parin sa akin ng mundo ang sakit. Ang mga kasalanan ko. Siya....

Hindi ko paman nararamdaman ang katapusan ko ay parang mamatay na ako sa mga bumalik na ala ala. Muli ay parang bumalik ako sa reyalidad. Sa mabilis na pangyayari ay naging malinaw sa akin ang ilusyon ko. Ang inaakala ng mga mata kong si Jelo kanina ngayon ay si Art na nagugulat na tinulak ko na. Pumikit ako nang balutin ng busina ang pandinig ko at maramdamang malapit ko nang maranasan ang naranasan noon ng taong mahal ko.

Subalit ang inaasahan kong pagbangga sa katawan ko ay napalitan ng isang malakas na tunog ng pag bangga ng hangin. Wala akong naramdaman na kahit ano. Walang sumalubong na sasakyan sa akin. Walang maramdamang pag bangga sa katawan... Wala akong ibang naramdaman kung hindi ang sakit, ang hirap...at isang mahigpit na yakap.

"Patawarin mo ako kung hindi ko na kaya... Andito na ako. Andito na ulit ako." Nagmulat ako at unti unting nakita ang nakatitig na abong mga mata. Puno ng pagsusumamo ito. Pakiramdam ko ay dinukot nito ang puso ko. Nanginginig na pinilit ko ang kamay na abutin ang kanyang mukha.

"A-angelo..." Binalot ng palad niya ang kamay ko sa kanyang pisngi. Ang init ng halik niya rito ay itinatakas ang katinuan ko.

"Patawarin mo ako Cassi..." Umiling ako nang marinig iyon. Nanghina ako at nahulog ang mga luha sa mata ko. Napakasarap marinig ang tinig niya.

"Akala ko... Iniwan mo na ako." Napakasakit maalala ang eksena noong pinapalaya ko siya na kahit alam ko naman sa sarili kong hindi ko kailanman gugustuhin iyon. "Ayoko na dito Angelo... Hindi ko na kaya." Nanghihina ang bulong ko. Pumikit siya at hinalikan ang mga luha ko. Ramdam ko ang paghigpit ng yakap niya. "Huwag mo na akong iiwan please.." kumawala ang hikbi ko habang nakikiusap. Ngayon ay isiniksik niya ang aking mukha sa kabyang dibdib. Hinalikan niya ako sa tuktok ng ulo at muli ay hinarap ako.

"Andito na ako ulit... Itatakas na kita sa mundo... Hindi ko na hahayaang saktan ka pa nito." Sinalubong ako ng kanyang mainit na labi. Iyon ang huling naramdaman ko bago binalot ng dilim ang paningin ko. Sa pagkakataong iyon pakiramdam ko ay ligtas na ulit ako. Pakiramdam ko ay bumalik na ulit ang pusong pinatay ng nakaraan ko. At hindi ko na alam kung bakit sa kabila ng lahat ng sakit na dinulot niya... Isang yakap at halik lang ay babalik at babalik parin ako sa kanya.

Isang masarap na hangin ang napakasarap na dumadampi sa mukha ko. Kasabay nito ay ang nakakasilaw na liwanag na gingising ang diwa ko. Dahan dahan ay iminulat ko ang mga mata at dahil sa agad na sumalubong na liwanag ay naningkit ako't nasilaw. Isinangga ko ang kamay nang maayos na makita ang kinaroroonan ko at nang maging tuluyang gising ang sarili ay ay niluwa ng paligid ang tumatakbong kalsada at berdeng kalikasan na hinahalikan ng kakataas pa lamang na araw.

"Good morning." Napalingon ako sa gilid nang marinig ang mahinang tinig na iyon. Nakangiting tumitig si Angelo sa akin. Natulala ako at natigilan. Kumunot ang noo ko habang hindi makapagsalitang tinitingnan siyang pinagmamasdan ako.

Hinahagip ng hangin ang buhok niya kaya sobrang gulo nito ngunit naging dahilan kung bakit napakaaliwalas ng itsura niya. Ang kulay abong mata niya ay nangungusap at pinag dedepina ng mataas na pilik mata. Mas lalo lamang akong napapamaang habang hinahagod ang itsura niya mula sa nagmamalaking ilong at nakakatunaw na ngiti. He look so handsome but adorable. Napakasariwa niya sa paningin ko na hindi ko na maisip pa kung ano ang nangyayari ngayon.

Kung hindi ko pa naramdamang huminto kami ay hindi ko mapapansing nakasakay ako ngayon sa isang kotse. Napasinghap ako nang bumalik sa ulirat ang utak at binalingan ko ang paligid. Nasa gilid na kami ng kalsada.

He's A Ghost (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon