Chapter 30

57 8 0
                                    


"Tita mauna na po kami."

"Okay. Take care hah? And manong Donor will drive you home okay? Kayo boys, iwan niyo nalang ang mga sasakyan niyo at ipapadala namin bukas sa inyo. Okay?"

"Are you sure tita?"

"Of course. I wanna make sure you'll be safe."

Tanging ingay lang ang naririnig ko. Mga tinig na nagsasalita pero hindi ko maintintdihan ang mga sinasabi nila. Katulad ng hindi ko pagkakaintindi sa kanya. Katulad ng kung paanong gusto kong lumuhod sa kanya para lang ibigay niya yung tanong ko ngayon sa isip ko.

"Cassi baby." Walang emosyon kong idinerekta sa kanila ang naliligaw kong tingin. Nakatingin silang lahat sa akin.

"Cassi... See you tomorrow. Sana ayos ka lang." Hinalikan ako sa pisngi ni Margarette. Ibinaba kong muli ang tingin nang hindi ko mahanap ang interes na harapin sila. Naramdaman ko ang paghawak ni Art sa kamay ko ngunit wala na akong lakas na lingunin siya at alisin o suklian man ito.

"A-ah sige po tita. Salamat po."

"Okay. Take care!"

Nakaupo na ako sa sofa nang marinig ko ang pag andar ng sasakyan. Manong Donor refused to drive them at sinubukan akong kausapin, leaving his job to other driver. Ngunit hindi ko magawang harapin o kausapin ang kahit na sino. Siya lang. Siya lang ang gusto kong kausapin ngunit napagod na akong maghabol pa ng muli ay umalis siya. Wala akong ibang maalala kanina kung hindi ang sakit na lubos akong pinanghihina para muli ay habulin siya.

Pagod na pagod na akong maghabol. Pagod na pagod na ako...

"Cassi?" Naramdaman ko ang mainit na palad sa mga pisngi ko. Itinaas niya ang mukha ko nang maharap sa kanya. Her eyes are full of pity. Gusto kong mangisi.

Atleast hindi na katulad ng awa nila noon sa akin. As if looking at me is looking at a poor hopeless case. Yung kahit gusto nilang tulungan pero kahit sila hindi nila alam kung papaano. Kasi walang solusyon. Kasi hindi lahat ng problema may anggulo ng positibo. Hindi lahat pwedeng idaan sa tawa. And the worst part is, pitying yourself for having the pain you really deserve. Wala kang takas kapag alam mo sa sarili mo na nararapat lang sa 'yo ang sakit na nararamdaman mo. Kailangan mong tiisin. Kailangan mong pagbayaran.

"Baby please stop crying..." Hindi ko alam na may tumutulo pala mula sa mga mata ko. I just face her without trying to give any reactions. I am tired. And she knows that.

"Mama pabayaan mo na siya. Ako na ang bahala-"

"No Art. Simula ngayon ay hindi ko na siya dapat makitang kasama ang Angelo na y-"

"Mom stop. You know this is not the right time to talk about that. Just... Just let her be. Please."

Hindi ko na alam pa kung anong sunod na pinag usapan nila. Yun lang ang naintindihan ko. Nilukob ako ng pamilyar na pakiramdam. Pumikit ako at pinilit na hanapin ang emosyong nararapat kong maramdaman... Pero mahirap.

"Shit. Cassi..." Napamulat ako nang hawakan ni Art ang mukha ko. Matiim niya akong tiningnan. Puno ng pag iingat ang tinging iyon. Puno ng pag aalala. "Let's go upstairs."

Hindi na ako tumango nang itayo niya ako. Nagpaanod ako sa lakad niya. Umakyat kami at nang marating ang taas ay tinungo ang kwarto niyang tinutuluyan ko. Nang buksan niya ay inalalayan niya ako patungo sa kama. Huminto ako at ganoon rin siya nang malapit na kami sa kama. Tumalikod siya upang tingnan ako.

"Kaya ko." Walang emosyon kong wika. Napakurap kurap siya bago tumango. Binitawan niya ang kamay ko at hinayaan akong maglakad patungo sa kama. Umupo ako roon at muling hinayaan ang sariling matulala. Dinig ko ang ingay sa hindi ko alam na sulok. Mula sa kinauupuan ko ay nakita ko ang sarili sa salaming kaharap malayo sa kama. Ang noo ko ay namumula pa galing sa pagkatumba ko kanina. Hindi maayos ang itsura ko dahil sa dumi sa iilang parte nito.

He's A Ghost (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon