I really can't understand how that school manage its own policies. Alam kong hindi ito malapit sa mga ugong at usok ng syudad subalit imposible namang maging iba ito sa ibang private schools. I used to live with this school. And all those years, kahit ano pang pamamalakad roon ay ayos lang sa akin. Subalit ngayon, parang bigla nalang naging iba.
I feel like I've been studying my whole life in a school I didn't even know in the first place. Or it's just different this time? Kasi...
"May kulang!"
Napatingin ako kay Lanie. Kinunutan ko siya ng noo nang makita ang pinipigil niyang ngiti.
"Joke!" She chuckled and I just rolled my eyes at her.
Binibilang niya ngayon ang kita ng Café. It is now 10 at the morning. Kakasara lamang ng Cloud's café and now we're counting our profits.
"Hmm! Maldita mo kahit kelan. Nakatulala ka diyan?"
Huminga ako ng malalim. Hindi ko siya nilingon at nagpatuloy na lamang sa paglalaro sa ballpen na hawak hawak ko.
"Cassi, kaano ano mo ba yung kasama mong lalaki rito?"
Napahinto ako. Nanatili ang ang tingin ko sa ballpen, naghihintay sa sunod nitong tanong.
"Boyfriend mo ba 'yon?"
Inalis ko ang tingin sa ballpen papuntang harap.
"Lalandi ba iyon ng ganoon kung boyfriend ko iyon?" Nilingon ko siya matapos sabihin ito. Tila naman ay napapahiya itong ngumisi. Nagkamot pa ito sa batok.
"Akala ko lang naman..."
Umirap na lamang ako at itinoon ang tingin sa labas. Gilid lamang ito ng highway. Kaya tahimik ang lugar.
"Kasi naman, mukha talaga eh."
Tumaas ang kilay ko, walang reaksyon sa sinabi niya. Hindi maputol ang pagkatulala sa mga dumadaang sasakyan sa labas.
"Hindi ba talaga? Hah Cassi?" kumunot ang noo ko sa kakulitan nito. Hinarap ko siya ng may iritadong tingin. "Hehe" she pose a peace sign. Huminga na lamang ako.
"Halos tunawin ka noon kakatitig. Malamang may gusto sa iyo 'yon. Hindi mo na kailangan pang magpaalam sa akin kung gusto mo yung nilalang na 'yon."
"Hah--"
"Mauna ka na. Ako nang bahalang mag ligpit ng mga hindi pa nalinis." I cut her off.
Mula sa pagkakaupo sa high chair sa loob ng counter ay bumaba ako. Tinanggal ko ang apron na soot soot mula sa paghahanda ng mga baked cakes.
"Ano?! Papatayin mo ba ang sarili mo? Wala ka pa ngang tulog eh."
Yumuko ako at hinanap ang mga gamit panglinis.
"Linggo bukas."
"Kahit na! Cassi ako nalang dito--"
Tiningnan ko siya ng matalim.
You go and flirt with Angelo. Tss.
"O-okay.. Hehe."
Dali dali ay pumasok siya sa quarter namin na para bang natataranta mula sa ipinakita kong awtoridad.
I was sweeping the tables when she came out from our quarter. Tinignan ko lang siya ng hindi lumagpas sa tatlong segundo at itinuon na muli ang atensyon sa trabaho.
"C-cassi, si Joel nalang kaya.." Tumigil ang kamay ko sa pagpupunas. It's like her signal to shut up at umalis nalang at baka may hindi maganda mangyari sa kanya pag nainis ako.
BINABASA MO ANG
He's A Ghost (COMPLETED)
FantasyNasanay si Cassi na mabuhay ng mag isa. Ang malamig nitong mata ay simbolo ng matibay na harang na itinayo niya sa sarili niya laban sa lahat ng taong nakapaligid sa kanya. Takot itong makaramdam ng kahit na ano sapagkat iniisip niyang ito ay magdad...