Mulat ang mata ko habang narardaman ang mainit na pagalaw ng labi niya sa akin. Ang kamay niya ay nanatili sa parehong pisngi ko galing sa pagpunas ng mga tumulo kong luha kanina.His kiss is very sweet and gentle. It could've stole my sanity but there's something in me... that won't let that happen.
Tinulak ko siya sapat lang para maputol ang marahang halik niya. Agaran ang pag tingin niya sa mga mata ko. Tumitig ako. Gusto kong sampalin ang sarili nang parang ibang mata ang inaasahan nitong makita.
"Art.."
"You let me kiss you that time thinking it's him" Bulong niya. Ang sakit sa mga mata niya ay hinayaan niyang makita ko. Tila ba sinasabi sa aking alam niya. Guilt crept into my system. "Will you let me kiss you this time without thinking anything?" Sapat na ang lapit ng mga mata niya para makita ko ang pagsusumamo rito. Hindi ko kayang ibigay ang hinihingi niya... "Don't think of him..." pagmamakaawa niya.
"Art..." Gusto kong bawiin ang sinabi dahil sa uri ng tinig na ginamit ng aking labi...
"Just... Don't think of him. He don't own you anymore Cassi... I won't let that happen again." Hindi ako nakapagsalita. His stare is too much to handle. Parang may kung ano sa loob ko na gustong maniwala sa kanya. Gustong sundin ang sinasabi niya.
Bakit hindi? Hindi naman siguro masama kung hayaan ko ang sarili ko ngayon. Gawin ang gusto nito, ng hindi iniisip ang kung ano, ang kung sino.
Nagtagal ang titig niya sa akin. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay may biglang umataki sa loob ko. Habang pinapako niya ang mata sa mga mata ko ay ganoon din ang akin sa kanya. Napalunok ako habang hindi naiwasang suklian ang pagmamasid niya sa aking mukha. Sa mapupungay na mata, sa matayog na ilong hanggang sa basa at pulang labi. Kumalabog ang dibdib ko nang makitang pinagmamasdan niya ang ginagawa ko. Nahigit ko ang hininga ko nang maramdaman ang hinalalaki niyang maingat na hinahaplos ang labi ko, ang mga mata niya'y nanatili roon ng ilang sandali at nang bumalik ang tingin sa mga mata ko ay punong puno na ng alab ito.
"Hindi kita mahal..." Halos pabulong na usal ko. Ayokong umasa siya. Bakit hindi niya maintindihan iyon?
Pumungay ang mga mata niya. Para akong naparalisa nang unti unting kainin ng kanyang mukha ang distansya. Humigpit ang hawak ko sa damit niya sa dibdib, hindi na ito hinaharang... At alam kong isa na itong kasalanan. Napasinghap ako, umaasang may lalabas na pagpigil sa bibig ngunit wala. Nang hindi na kayanin ng paningin ko ang sobrang lapit niyang imahe ay mariin nalang akong napapikit at hinanda na ang sariling magpaubaya.
Ang init ng hininga niya ay muling dumampi sa mukha ko. May kung anong nagagalit sa akin. Ayoko... Pero gusto kong pilitin ang sarili ko. Baka sakali...
Nang maramdaman ko na ang mariing pagdampi ng kanyang labi ay may nahulog na luha sa mga mata ko. Hinaplos niya ito at ipinaglatuloy ang paglapat ng labi sa akin. Pakiramdam ko ay naging ligtas ako. Pakiramdam ko ay kinuha nito lahat ng sakit sa loob ko. Binalot ako ng saya, konsensya at awa sa kanya. Tinapos niya ang halik sa aking noo at unti unting inilayo ang mukha. Dahan dahan ay nagmulat ako. Tumakas ang hikbi sa labi ko nang makita ang ngiti niya sa akin. Masakit itong pagmasdan.
"I'm sorry.... I'm sorry Art... Sorry..." Paulit ulit na usal ko. Pumakawala ang mahinang tawa sa kanya.
"Shhh... Tama na..." Hinalikan niya ulit ako sa noo at patuloy na pinunasan ang mga luha ko. "Patawarin mo ako kung siya ang pumunas nito noon. Patawarin mo ako kung iniwan kita... Patawarin mo ako... Please, kahit huwag mo nalang akong mahalin. Just... Don't hurt yourself from loving him. It's killing me Cassi. Please." Humagulgol ako at niyakap siya. Dama ko ang maririing halik niya sa ulo ko.
BINABASA MO ANG
He's A Ghost (COMPLETED)
FantasyNasanay si Cassi na mabuhay ng mag isa. Ang malamig nitong mata ay simbolo ng matibay na harang na itinayo niya sa sarili niya laban sa lahat ng taong nakapaligid sa kanya. Takot itong makaramdam ng kahit na ano sapagkat iniisip niyang ito ay magdad...