Chapter 25

82 9 1
                                    


"Namimis ko lang pero hindi ko babalikan"

Nawala ang ngiti ko dahil doon. Nakatingin parin siya sa akin nang kinalas niya ang kamay niya kay Cassandra. Tumalikod siya at naglakad papalayo.

Pinagmasdan ko lang siya. Bakit pakiramdam ko nagyeyelo ako sa tingin niya? May kung ano sa loob ko na ayaw tanggapin ang sinabi niya. Ang mahalaga naman ay namimis niya ako? Atleast, that would mean something, of course. Pero bakit parang kinain iyon lahat ng huling pahayag niya? Bakit sa mga salitang iyon, nanalo parin yung huli?

"Oh Cassi! Hi!" Nalipat ang tingin ko sa hindi namalayang nasa harap na si Cassandra. Nakangiti ito sa akin ngayon, animo'y tuwang tuwa na ako'y makita.

Bigla bigla ay nagsisi ako at nilipat ko sa kanya ang paningin ko. Sana ay sinundan ko nalang si Angelo. Binigyan ko lang siya ng malamig na tingin at parang wala lang ito sa kanya.

"How are you?" Hindi ako sumagot. Ngumiti siya at nagpatuloy. "I heard what happened to you few days before. And now... How's Art?"

"Fine." Sagot ko matapos ang ilang sandali. Tumaas ang kilay niya at tumango.

"Great! Ahm... By the way, I was here since the day of your absence. I am taking care of the investment of your school."

Tumango ako sa sagot niya. Tiningnan ko ang likuran niya upang magbaka sakaling matanaw ang lalaking kausap niya kanina.

"Thank you hah." Naputol ang tingin ko sa likod niya at muli ay binalingan siya. Kumunot ang noo ko. "Thank you for approving our resort. It's a big help for our family. If hindi ko nakuha ang badge, my parents won't give me that resort as my property." Tumaas ang kilay ko sa tinuran niya. Ngumiti siya sa akin.

"You deserve it." Sagot ko. Muli ay hinanap ko si Angelo sa likod. Dalawang liko ang meron at iniisip ko kung saan siya pumunta.

"I really admire your maturity. How professional you act, how proper your manner despite of your so off attitude."

Hinarap ko siya at tinanguan. Wala akong oras para makipag usap sa kanya kung alam ko naman kung saan na ito pupunta. Inayos ko ang bag sa aking balikat at nilampasan siya.

Naglakad ako limang hakbang pa lamang nang magsalita siya.

"Cassi!" pagtawag niya. Napabuntong hininga ako at kunot noong nilingon siya. Ang ngiti niya ngayon ay mas lalong naging malambot. Mas lalo nitong pinaganda ang mukha niya. Mistulang inosente na kung sino man ang makakakita siguradong mabibihag niya. Nag tiim bagang ako sa naisip. Hindi kahit sino... Hindi lahat.

"Gustong gusto kong maging katulad mo. Noong naroon ka sa resort, humanga na ako. Lalo na nang nasa iyo lahat ng atensyon nila. I got curious. The way you act and speak, ikaw yung gusto kong maging ako. Yung lalapitan ng lahat dahil gusto nilang malaman ang pagkatao mo. You got the charisma I've been aching for. At nang mapadpad ako dito sa school, mas lalo lamang tumindi ang kagustuhan ko. Walang hindi nakakakilala sa iyo dito."

Talaga? Napapangiti ako sa mga sinasabi niya. Hindi ko alam kung bakit hinahayaan ko ang sarili ko ngayon na mag aksaya ng panahon.

"Alam mo bang nagmamadali ako?" Nawala ang ngiti niya. "Kung babanat ka tungkol sa kalandian mo, bumanat ka na nang makaalis ako." Natigilan siya sa sinabi ko at nanghahamong itinuon ko pa sa kanya ang atensyon ko.

Ngumiti siya at unti unti ay mahinhin na tumawa. "So smart!" Kinalma niya ang sarili niya. Hinawi niya ang umaalong buhok niya. Humalukipkip siya at matamis muli akong nginitian. "Okay. But so I realized, ginugusto ko naman pala iyon dahil sa isang rason. But that reason, shows me now how rediculous I am. That attitude may be unique but when someone get used to it? I wonder if they'll remain considering it. Kaya siguro nga dapat maging proud ako sa sarili ko? I shouldn't be aiming for others’ personality. Ayoko ng may expiration date sa paningin ng iba."

He's A Ghost (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon