Chapter 8

125 12 8
                                    

I was tired. Natapos ang trabaho ko nang marami akong iniisip. Hanggang alas sais ng umaga lang ako at ala sais y medya na ako nakauwi sa bahay.

Huminga lang ako ng malalim at mariing ipinikit ang mata. I am now lying on my bed. Sabado bukas, gusto kong magtrabaho nang sana ay may maidagdag sa pangangailangan ko subalit ang nangyari kanina ay nagiging dahilan ng pagdadalawang isip ko.

Nakagat ko ang labi ko habang inaalala ang ang nangyari pag uwi ko.

"C-cassi." Nagulat ako nang makita si Ashley na nasa labas nga bahay.

Wala si Angelo at tanging sarili ko lamang ang dala ko pauwi. At ngayon...

"D-did... Did Art approach you? O-o nakita mo ba siya?" Her face were all red. Basa pa ang pisngi nito at maga ang mga mata. My jaw clenched.

"No." Naglakad ako papunta sa kanya upang buksan ang hinaharangan niyang pinto.

"Cassi..."

Hindi ko siya pinansin. Hinanap ko ang susi subalit ang naginginig niyang boses ay winawala ako sa konsentrasyon.

"Cassi please. B-baka naman nakita mo oh." Nairita lamang ako sa kanya. How could this girl be this damn crazy for that fucking asshole? He really don't deserve her. Well, they don't deserve each other.

"Cass--"

"Pag sinabi kong wala, wala. Akala mo ba babaguhin ng paulit ulit mong tanong ang sagot ko? Umalis ka na." Malamig ang tono ng pagsasalita ko subalit alam kong sapat na iyon upang matakot siya at huwag na akong kulitin pa.

Tumalikod akong muli sapagkat hinarap ko siya para lamang sabihin iyon. Ilang sandali lang ay nahanap ko na ang susi. Nang maipasok ko na ito sa door knob ay napahinto ako sa pagpihit.

Her sobs rejected every rudeness in me. Tila ba nilulunod ako ng bawat hikbi niya. Bawat singhot niya ay parang may dumadaang sakit at inis sa akin.

Hinarap ko siya bigla. Natigil naman siya sa pag iyak at gulat na tumingin sa akin.

"Pwede ba? Kung iiyak iyak ka lang diyan. Mabuti pa at itigil niyo nalang." Ngumisi ako at sarkastikong tiningnan siya.

"Nag aalala lang naman ako "

Mahina akong tumawa.

"Funny how you care for someone who doesn't even think of you."

Alam kong masakit ang sinabi ko, at sobrang naiinis ako nang hindi ito lumalaban. Gusto kong lumaban siya. Gusto kong magalit siya.

"I.. I can't take it if I loose him."

Ngumisi nalang ako sa sinabi niya.

You never own him. He own you but you don't do the same on him, and how ridiculous it is na alam mo ito subalit pinapaniwala mo parin yung sarili mo sa gusto mong paniwalaan para lang maiwasan ang sakit ng katotohanan. Pero mas lalo ka lang masasaktan dahil mas masakit yung pinipilit mong lokohin ang sarili mo. Yung alam mong niloloko mo lang yung sarili mo.

"A-alam ko ang nangyari Cass."

Natigilan ako at bahagyang nanlaki ang mga mata. Kung sana ay pumasok na ako kanina, hindi ko na maririnig ito.

"Nakikiusap ako, kahit anong gawin niya, huwag mo siyang kunin. Maawa ka." Basag ang boses nito, at hindi ko na rin maikakaila sa sarili kong mistulang nababasag narin ang puso ko sa naririnig.

"Hindi ko kaya..."

Iniba ko ang posisyon ko nang matapos ang iniisip.

Natatawa nalang talaga ako sa pinagagawa ng mundo. Siguro ay aliw na aliw na ito sa paglalaro. Kung paanong mistulang pagpapatentero ang ginagawa ng mundo sa puso ng mga tao.

He's A Ghost (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon