Chapter 24

62 11 2
                                    


The orange light reflecting through the windows makes my eyes slight shut but seduced. The plain and wide rice field is gracefully dancing with the wind. I heaved a sigh and let my head lay comfortably in the backrest of my seat indside the car.

"Kamusta na po kayo ma'am?"

I slowly open my eyes and look at the center to see manong Donor's eyes in the rear mirror looking at me.

"Maayos po." I answered.

Habang papalapit ay mas lalong bumibigat ang pakiramdam sa loob ko. Babalik ako... Bakit nga ba ako pumayag? Dalawang taon akong umiwas, dalawang taon akong mag isa. Kapag ba bumalik ako sa tahanan kung saan ko binuo at winasak ang pagkatao ko, magiging maayos ba ang lahat? Kailan nga ba magiging maayos ang lahat?

Sabi niya, nandito siya para tulungan akong maging masaya. I kept on refusing that I need help, kahit lahat ng tao sa paligid ko nakikita ang pagkakalugmok ko. Ayaw ko siyang lumapit, ayaw kong magpatulong. Hindi ko alam kung bakit sa pagkakataong iyon pa lang ay naramdaman ko nang pag hinyaan ko siya ay mauuwi sa ganito. Bakit siya? Bakit noong bago siya hindi ko magawang tumanggap ng iba?

Kasi multo? Kasi iba? Gago. Wierd. Ni hindi ko alam baka hindi totoo ang lahat ng ito. Baka panaginip lang at pag nagising ako, malaman ko nalang na nahulog ako sa hindi totoo.

"Mabuti naman po at bumalik na kayo ma'am. Nag aalala po kami sa inyo ng sobra lalo na si ma'am Gallery."

"Kamusta sila?" Nakita ko kung paanong natuwa siya sa tanong ko.

"Maayos naman po. Pero iba parin yung nandoon kayo kasama nila." Huminga ako ng malalim at tumango. Inilihis ko ang tingin pabalik sa labas, muling pinagmasdan ang pamamaalam ng araw. Alam kong kabaliktaran iyon ng totoo. Gusto kong sabihing hindi ako bulag upang paniwalaan siya subalit alam kong hahaba lang usapan kapag sumalungat pa ako.

"Sana hindi ka na umalis pa." Dinig kong usal niya.

Kahit pa bumalik ang nangyari noon, hindi nito mababago ang desisyon ko. Bukod sa ayaw ko nang lumala pa ang sitwasyon ay alam kong kailangan kong lumayo para sa sarili ko. Minsan sa sobrang gulo ay tanging pagtakas nalang ang naiiisip natin. Kahit alam pa nating kaduwagan ito. Because when we are broke, we don't think on how to make things right, we think on how to make ourselves heal, or at least how to escape from pain.

"Wala na tuloy akong kabiruan kada byahe. Ang seryoso palagi ng mga sakay ko. Namiss ko yung radyo kong basag dito." Nakataas ang parehong kilay ko nang tiningnan siya ulit. Nakangiti na siya at pasulyap sulyap upang tingnan ang magiging reaksyon ko.

"I wonder who's that you're talking about Manong." I rolled my eyes that makes him laugh.

"Marunong ka na niyan hah. Aba noon pag nguso lang ang alam mo ah?"

"And you now Ma'am me, really?" Umirap ako at muli ay nailing na tumawa siya.

"Ma'am naman talaga-"

"Oh cut the crap Manong Donor! So disgusting, just because I'm out of the mood lately then I can't figure that out." Napahalukipkip ako at masamang tiningnan ang labas. I'll only feel awkward seeing him teasing me.

"Oh edi Casseng, aba kay tagal ko ata hindi nabigkas iyon ah." Nakangiti siya ng sandaling sulyapan ko.

Hindi ako kumibo. Nakakunot ang noo kong nakatingin sa labas na dinadaanan namin. Nagbabago ang mga anyo ng kalikasan pwera sa lumulubog na araw na mas lalo pang naging kahel.

"Na miss ko yung radyo ko." Pagbasag niya ng katahimikan. Tumingin ako sa kanya at nakita ang sinserong mata niya mula sa munting salamin. Naramdaman ko ang paghinto ng sasakyan.

He's A Ghost (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon