Chapter 27

44 7 0
                                    


"Angelo." Huminto siya. Napakurap kurap ako sa kabang naramdaman. Sa wakas ay pinakinggan niya ang pagtawag ko. Pero bago pa man humakbang palapit sa kanya ang paa ko ay mabilis ulit ang paglakad niya pababa ng hagdan.

Binilisan ko ang pagbaba upang maabutan siya. Nang makababa ay dumiretso siya sa dinning at ganoon rin ako.

Natigil ang pag-uusap nina mama nang dumating kami.

"Cassi Anak!"

Tumayo siya at lumapit sa akin.

"Kayo na sana ang maghatid sa kanila? I'm feeling so bad. Please?"

Tumango ako. Pumalakpak siya at niyakap ako. Nagpaalam siya sa bisita at hinalikan ako pagkatapos ay umalis na. Dinig ko ang bati niya sa siguro'y pagkakita sa paparating na si Art.

"Tara." Malamig kong usal nang makitang pumalupot ang kamay ni Cassandra sa braso ni Angelo. Akmang bubulong na naman ito nang magsalita ako.

Leche.

Kung magbubulungan lang kayo buong magdamag huwag sa harap ko. Kapag ako hindi nakapagtimpi...

"Kung ayaw mong may makarinig ng sasabihin mo mamaya na kayo mag usap sa labas. Wala na bang kasing bastos yang pag uugali mo?"

"Cassi." Bigla ay naramdaman ko si Art sa likod na hinawakan ang braso ko. Kinalas ko ito at lumayo sa kanya. Tumingin ako sa walang emosyong si Angelo, ipinakita ang ginawa ko. Ipapakita ko sayong hindi tulad mo, kaya kong tumupad ng pangako. Ikaw lang ang papayagan kong hawakan ako.

Nilihis niya ang tingin.

"Oh? Did I offend you Cassi? I'm sorry. It's just I'm so excited to tell--"

"I just want you to leave. I don't want your explaination"

"Cassi!" Hindi ko pinansin ang pagsaway ni Art. "I'm sorry Cassandra." Tumawa si Cassandra na parang wala lang ito sa kanya.

"It's okay Art. I understand." Ngumiti siya na parang anghel. Tumingala siya upang tingnan si Angelo at senyasang aalis na sila. Mas lalong humigpit ang panga ko nang makita kung gaanong kalumanay ang mata nito.

Really? You like angels huh?

Tumango si Angelo. Lumapit si Cassandra kay Art upang makipag beso at hinayaan ko siya nang sa akin na. “I understand Cassi. That's how it feels when something you owned was being stole infront of you. So yeah... I understand.” Pagkatapos ng bulong na iyon ay tinapos niya narin ang pakikipagbeso. Malamig ang tingin ko. At ang kanya'y nanunuya kasabay ng ngisi at pagkindat. "By the way, sa labas niyo nalang kami ihatid. Angelo will drive me home anyway." Nilingon niya sa likod si Angelo. "Let's go?" tumingin ako kay Angelo at nahuli ang pagtitig niya, naputol lamang ang tinginang iyon nang sumapaw sa harap si Cassandra at muli ay kinabit ang kamay sa braso nito at sa pagkakataong iyo'y pinagsalikop ang daliri nila. Napalingon si Angelo sa kanya sa ginawa niya, nginitian siya ito at nagbuntung hininga siya.

"Aalis na kami. Art. Cassi." Pagpapaalam niya. Halos manlamig ako sa tinig niya. Hindi ko makilala. Ibang iba.

Tumango si Art at nilampasan na nila kami.

Walang ano ano'y umakyat narin ako nang marinig ang tunog ng umandar na sasakyan.

Saan niya yan nakuha?

Everytime I picture out Cassandra's face, I can't help but to get nervous. Posible. Bakit naman hindi? Lahat posible. Posibleng lahat ng sinabi niya sa akin noon ay sasabihin niya rin sa kanya ngayon. Posibleng makalimutan niya na ako ang misyon niya at posibleng ginawa niya lang yun para pasayahin ako at maging matagumpay ang misyon niya. At siguro dahil nagawa niya na, matatapos na ito at gusto niya nang gawin ang totoong nais niya.

He's A Ghost (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon