Malakas ang pagkakatulak ko sa kanya dahilan ng pagkaka tapilok ko sa bato sa ilalim. Kung hindi niya agad ako nahawakan ay lumubog na ako. Kunot noo ang pagtitig ko sa kanya. Nang mabalanse ng maayos ay kinalas ko ang kamay niya sa braso ko. Malamig ang tingin niya sa akin ngunit hindi mapigilan ng utak kong isipin ang sakit at lungkot sa likod niyon na nagtitiis na huwag lumabas. Alam ko iyon, dahil ganoon ako. Palagi....
"Art. Tama na."
Hindi siya sumagot roon. Magkaharap na lamang kami ngayon.
Nagtiim bagang siya at bumuntong hininga.
"I will do what you want."
Natigilan ako roon. Kinabahan ako sa malamig niyang pag usal. Hindi man lang siya naiilang sa pagtitig sa akin. He's so manly that it suits his attitude.
"Lalayo ka--"
"Lalayo ako."
Napakurap ako ng ilang beses. My lips draw a thin line and nod. Good, then.
"Lalayo ako sa kanya. I will set her free like you always wanted." Hindi pa man natatapos ang pag aanalisa ko sa una niyang sinabi ay ginulantang na naman niya ako.
Kumunot ang noo ko. Parang inasahan niya na ang magiging reaksyon ko. Akmang magsasalita ulit ako nang tawagin ako ng magkakaibigan. Lumingon ako sa kanila at nakita silang nakatingin sa akin. Naroon na rin sina Angelo kasama si Cassandra ngunit hindi man lang tumuon ang tingin nila sa amin. Magkaharap ang dalawa habang nag uusap.
"Cass! Hereeee!" Nalipat kina Margarette ang paningin ko. Kinakaway nila ang kamay nila upang lumapit ako. Tumango ako roon.
Bago pa man ako makalangoy ay may sinabi na siya. Natigil ako.
"Mali ako sa paraang ginawa ko. Kung hindi ito tatalab ay susubok ako ng iba. Susugal at susugal ako hanggang makuha kita."
Lumusong ako sa tubig. Mabilis ang pag langoy ko kasabay ng kaba sa dibdib ko. Ayokong marinig ang kahit na ano pa. Ayokong may mabitawan siya na magiging dahilan ng pag alab muli ng aking konsensya.
Ang akmang pag buhay ng pag asa sa akin kanina na lalayo na siya sa akin ay pumanaw. Masasaktan na naman si Ash.
Balak kong bilisan pa lalo ang pag langoy pero hindi pa man nakakabwelo'y may humatak sa paa ko. Napabalikwas ako sa takot na malunod. Masamang tingin ang ipinukol ko sa nakangiting si Fae. Lumingon siya sa banda nina Zin at tinawag si Margarette. Kumindat siya sa akin ng may ngiting kakaiba.
Huminga ako ng malalim at inirapan siya, natawa lang siya rito. Now what?
"Oh bakit?" Hindi ako nakaharap sa kanila nang tuluyan nang makalapit sa amin si Marga at habang nag uusap sila.
Nagawi ang tingin ko kina Angelo sa harapan. Matamis na tawa ang pinapakawalan ng dalawa sa pagitan nila. Nakaharap man si Angelo sa kanya ngunit ang pagturo ng daliri nito sa banda namin ay hudyat na gusto nitong lumapit ngunit ang pag nguso ni Cassandra at pag iling ay pinipigilan siya. Hanggang bewang lamang ang tubig sa banda nila kaya ay iniabot nito ang isang plastic na bote kay Angelo at tumalikod.
Umirap ako nang simulan niya ang pag hagod nito sa likuran ng babae upang maikalat ang lotion. Nawala ang gana kong maligo at naiinis na tiningnan ang nakangiting si Toni sa harap ko. Inirapan ko siya.
"Luh, anong kasalanan ko?"
"Ang pangit mo raw pre!" Tumawa si Von.
Nadako ang paningin ko kay Art na kahit nahuli kong tumititig na sa akin ay nagpapatuloy parin. Nanliliit ang mga mata nito. Pero wala talaga akong pakealam sa kahit na ano na sa hindi ko malamang dahilan. Iniwas ko nalang ang tingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
He's A Ghost (COMPLETED)
FantasyNasanay si Cassi na mabuhay ng mag isa. Ang malamig nitong mata ay simbolo ng matibay na harang na itinayo niya sa sarili niya laban sa lahat ng taong nakapaligid sa kanya. Takot itong makaramdam ng kahit na ano sapagkat iniisip niyang ito ay magdad...