Epilogue

148 6 0
                                    


"Subalit dahil baliw na baliw siya sa 'yo, ayan tuloy.... Ako ang nanalo."

Napalingon akong muli sa liwanag nang makarinig ako ng busina.

At parang tumigil ang lahat nang kasabay ng pagsagip niya sa akin ay ang katotohanang hindi niya pag sagip sa sarili.

Napasinghap ako. Pinagmasdan ko kaming magkayakap. Ang mga bisig niyang handa akong protektahan. Ang labi niyang walang ibang iniusal kung hindi patawad.

Unti unti ay parang sumabog ako. Lahat ng sakit at hinagpis kanina ay walang wala sa ngayon. Nanlabo ang mga mata ko at paulit ulit na umiling.

"Angelo...." umalingawngaw ang tawa sa paligid. Nawala ang liwanag at natutulalang naiwan ang mga mata ko roon.

"Tapos na Cassi! Tapos na!"

"Hindi...." Napaluhod ako at pinilit na huminga. Nahihirapan na ako dahil sa sakit. "Angelo...hindi!" Nilingon ko ang matanda at nagsusumamong tiningnan ito. Tumayo ako at nang makalapit sa kanya ay agad na lumuhod. Mas lalo siyang tumawa. Niyakap ko ang mga binti niya at binalewala ang kilabot na naramdaman.

"Huwag. Pakiusap huwag mo siyang kunin. Ako nalang... Ako nalang oh. Huwag si Angelo nakikiusap ako sa 'yo!" Paulit ulit kong usal. Hindi na ako makapagsalita ng maayos. Hindi na makahinga ng maayos ngunit dapat kayanin ko ito.

Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kapag tuluyang nawala si Angelo. Hindi ko kaya.

"Maawa ka. Kaluluwa ko nalang. Akin nalang. Pakiusap huwag mo siyang kunin." Tumawa siya at biglang nawala sa harap ko. Tumalikod ako at nagpalinga linga.

"Hindi maaari Cassi... Mas gusto ko yung sa kanya." agad akong lumingon sa bandang kanan. Humagulgol ako at umiling. Ayoko... Hindi pwede!

"I-isama mo nalang ako! Isama mo nalang ako pakiusap! Nasaan na si Angelo?!" Wala nang sumagot. Mas lalo akong nabahala.

Naaalala ko lahat ng mga panahong magkasama kami. Akala ko noon, sinasaktan niya ako ng walang dahilan. Lahat naging malinaw. At mas naging malinaw ngayon na ikamamatay ko kapag nawala siya.

"You're the only one who could make me feel this way. Risking for something dangerous. Risking my soul. Risking the game I fucking work hard to win but if it means loosing you then it means nothing. You're worth the risk. You're worth my failure. You're more than the worth of the prize I've been seeking for. I will risk everything if you're the trophy. I will do everything to make you my property."

"Sa susunod na may magtatangkang tikman ito ay hindi ko maipapangakong mananatili lamang akong multo. Dahil pagdating sa 'yo Cass kaya kong maging demonyo..."

"At pinapangako ko. Isusugal ko ang puso ko at makikipaglaro sa mundo para sayo, at sa pagkakataong ito... Sisiguraduhin kong ako ang mananalo. Wag kang mag-alala... Sasagipin kita. Kukunin ko ang puso mo sa kamay ng mundo, at itataya ko ang buhay ko maprotektahan ka lang sa muling pakikipag laro nito. "

"Sabihin mong ako ang mahal mo, pangako hindi ko na ulit papayagang makatakas pa ang mga luhang ito."

"Because I want to replace those bad memories with a magical one. I want you to feel happy like you never know pain. I want you to feel love like you have never been broken."

"I know. But I tell you baby... Your eyes are making me crazy. It hypnotized me that I don't even want to wake up from slavery. You controlled me without you knowing it and I want my whole life stay like it. It's not your fault that I want you... It's not a fault to want you. And I'll prove that to them."

"I love you is not enough to say what I feel for you Cassi.... It's not enough... It's more than love."

"I love you Cassi...And God knows how it kills me to walk away still madly in love with you."

He's A Ghost (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon