Chapter 28

57 8 0
                                    


Sa labas pa lang ay dinig ko na ang tugtog. Alas nuebe na ng gabi at nakataas na ang buwan sa gitna ng madilim na kalangitan pati ang mga bituin. Parang gusto ko tuloy manatili rito kesa pumasok.

"Hihintayin ko ang tawag ninyo iho. Huwag mong pababayaan si Cassing."

"Opo" Lumabas si Art at sumunod din ako. Ganoon rin si manong Donor.

"Huwag kayong magpapaumaga hah." Tumango ako at sumang ayon si Art. Inabot ni Manong ang kamay niya sa akin at tinanggap ko ito. Niyakap ko siya at hinalikan niya ako sa tuktok ng ulo. "Ang dalaga ko Art..."

"Opo." Muli ay sagot niya sa pagpapa alala nito.

Nang makaalis na si Mang Donor ay nagkatinginan kami.

"Dito pa talaga huh?"

"Bakit ayaw mo siyang makita?" Napangisi ako sa sagot niya.

"Mas malala ang relasyon ninyo sa amin. Baka pag nakita mo siya ay makalimutan mong may hinahabol ka." Tinaliman niya ang tingin sa akin at mas lalong lumapad ang ngiti ko. "Wala ba talaga kahit konti?"

"Baka gusto mong pakasalan kita ngayon nang itigil mo yan? Kapag may gusto ako, isa lang at lahat sa paligid ko ay hindi na ako intresado. Alam mo ang rason kung bakit at palaging ikaw iyon." Nawala ang ngiti ko at pumalit ay ang kanya. Tumaas ang kilay niya at nang akmang hahawakan niya ang braso ko ay umatras ako at inirapan siya. Naglakad ako patungo na sa loob habang naririnig ang halakhak niya. "Oh? Saan ka? Nag uusap pa tayo ah?" Hindi ko siya pinansin. Itinaas ko ang kamay at nakatalikod na ipinakita ang gitnang daliri sa kanya. Mas lalo siyang tumawa.

Nagulat ako nang may humawak sa nakataas kong kamay. Mabilis kong nilingon si Art. Akmang babawiin ko ito sa kanya nang higpitan niya ang hawak dito at halikan. Isang kindat at gusto ko na talaga siyang sapakin. Lumapit siya at putanganingang katawan, hindi ko man lang nakokontrol at umaatras lang ng kusa. Mas lalong lumapad ang ngisi niya. Lumapit siya sa akin at itinungo ang mukha niya.

Dama ko ang hininga niya sa tenga ko kaya nagsitaasan ang mga balahibo sa buong katawan ko lalo na ng magsalita na siya.

"Huwag mong ipapakitang apektado ka sa mga ginagawa ko. Baka makalimutan kong pumayag akong hanggang magkaibigan lang tayo."

"Fuck off Art" Humalakhak siya sa diin ng pagkakasabi ko. Binitawan niya ang kamay ko at nakangising tiningnan ako't nauna nang pumasok sa loob.

Sana ay pumasok nalang ako sa trabaho ngayon. Nag aaksaya lang ako ng oras dito.

Sumunod ako sa kanya. Sinalubong ako ng malamyang ilaw. Nang makapasok ako ay nakita ko agad ang mga sikat na mga mukha. Nagtatawanan. Ang iba'y mapupungay na ang mata at ang ilan ay nangingibabaw parin ang inerhiya sa mga pinag didiskusyuhan at aliwan.

Nakita ko si Art na dumiretso si sulok na table. Sumunod ako sa kanya at nakita sila Marga na nag aabang. Napangiti sila nang makita ako. Sinalubong ako ng dalawa at masaya akong iginaya sa mesa naming puno na ng pagkain at inumin.

"Ayos. Nakahanda na?" Nang aasar kong sabi.

"Hoy sinerve nalang yan ah. Si Art may gawa niyan kala mo naman."

Umangat lang ang gilid ng labi ko at umiling.

Nang makalapit ay tinapik ni Art ang katabi niyang espasyo nang makaupo ako roon. Hindi ko siya pinansin. Nang makaupo sila Marga ay nagulat sila nang sumunod ako at tumabi sa kanila. Nilingon nila si Art .

"Hoy doon ka. Baka magalit si Art." Hindi ko pinansin si Marga.

Nasa gitnang banda kami sa gilid. Ang katabi ko ay si Zin at katabi niya si Von sa pinakahuli. Si marga naman sa gilid ko at si Fae. Kaharap ko si Art at sa gilid niya ay si Toni.

He's A Ghost (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon