Nakatulala ako ngayon sa sa gilid na pader ng kwarto. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mga pinta ng bawat parte ng pareho naming mukha. Naalala ko tuloy kung bakit gustong gusto niya ito. Ang magpinta, ang mga larawan.
Dahil kahit anong mangyari, kumupas man ito, hindi naman ang mga ngiti natin at pagmamahal. Mananatili ang ala ala, kumupas man ang larawan o panahon.
Nadinig ko na naman ang mga katok na maya maya lamang ay babalik na naman kapag hindi ako sumagot. Hindi ko inalis ang paningin sa pader. Gusto kong ipaalala muli sa sarili ko kung ano ang nararamdaman ko, ang dapat na maramdaman ko.
I belong to him, sa kanya lang. And the reason why me and Angelo keep on hurting each other is because we are not supposed to go off the limit. Alam ko noong una pa, ang alam ko ay hindi ko na magagawang lumingon pa sa iba dahil nakakulong na ako sa ala ala namin ni Jelo. Nagising nalang ako isang araw, na may iba nang inaalala ang utak ko... But I know, I did not unlove Jelo, it's still here. Now I'm thinking that maybe it's the way of the world to show me that crossing my boundaries won't make my life better.
At kahit na nakumpirma kong hindi totoo ang bintang ni Sic sa nararamdaman ko, kailangan isipin kong iyon ang totoo. Na minahal ko lang siya dahil nakikita ko si kanya si Jelo. Mula sa itsura, ugali at pangalan. Kailangan.
Nabulabog ang iniisip ko nang lumakas ang katok sa pinto, ngunit ang mga mata'y nanatili parin sa kung nasaan ito.
"Cassi..."
Napakurap ako ng ilang beses ng tila'y nakuha ng boses na iyon ang atensyon ko. Napatulala ako nang mulat na mulat na ang mata, hindi katulad kaninang kaunti nalang ay pipikit na ito sa panghihina. Hindi ko parin sinagot ang pagtawag na iyon. Mula sa posisyong pagilid ay tumihaya ako at ang tinitigan naman ay ang kisame.
Bumuntong hininga ako nang marinig ang kamakalinsing na matinis na tunog ng susi. Ilang saglit pa ay nabuksan ang pinto nang hindi ko ito nililingon.
"C-cassi..." Mahinang usal nito. Napaangat ang gilid ng labi ko nang marinig ang kaba sa pagitan ng boses niya.
"Bakit ka nandito?" Tanong ko nang nananatiling nakatulala sa kisame. Hindi siya sumagot ng ilang sandali. Narinig ko ang pagsara ng pinto pagkatapos ay ang dahan dahan at nag iingat na hakbang. Tumaas ang kilay ko sa inakto niya.
Ano ba sa tingin niya ang gagawin ko sa kanya? Tss.
"Hindi ka daw lumalabas ng kwarto. Ni hindi ka kumakain." Mahinang usal nito. Nasa gilid ko na siya ngayon ngunit hindi masyadong malapit marahil siguro sa takot nito.
Napangisi ako at tiningnan siya.
"Ikaw nalang kaya kainin ko?" Napamaang siya at bahagyang nanlaki ang mata. Napangiti ako at napailing. Bumangon ako at sinuklay paitaas ang nahuhulog na hibla ng buhok. "Bobo talaga."
"H-hoy narinig ko yun ah!" Malakas ngunit natatakot namang usal niya. Taas kilay ko naman siyang binalingan muli.
"Oh eh ano ngayon? Kung makagalaw ka parang kriminal nasa harap mo ah? Aanuhin ba kita?"
All my sudden reactions suddenly fade when Ashley smiled. Tumaas ang kilay ko at binalik sa pagiging blangko ang mukha.
"Leave."
Napawi ang ngiti niya. Huminga siya ng malalim at inalis sa akin ang tingin. Sa ganoong paraan ay nakita ko kung gaanong sanay na siyang ganito ako at pagod nang katakutan ito. Luminga linga siya sa paligid at pinanuod ko siya. She's wandering like seeing the place that she haven't seen for a long time.
Pumunta siya sa pader kung saan puno ng pinta. Ang kamay niyay minsa'y dumadampi rito. Nakikita ko rin kung paanong balutin ng lungkot at panghihinayang ang mata niya. She stopped when she reached the center image. The framed painting of me and him.
BINABASA MO ANG
He's A Ghost (COMPLETED)
FantasyNasanay si Cassi na mabuhay ng mag isa. Ang malamig nitong mata ay simbolo ng matibay na harang na itinayo niya sa sarili niya laban sa lahat ng taong nakapaligid sa kanya. Takot itong makaramdam ng kahit na ano sapagkat iniisip niyang ito ay magdad...