"Oh? Bakit na naman lumalaki yang butas ng ilong mo?" Sinilip ko ang mukha niya subalit tinagilid niya ito upang iiwas. Napangiti ako nang makita ang busangot na mukha niya. Akmang hahawakan ko ang pisngi niya nang agad na naman niya itong iiwas. "Hoy grabeh ka! Ano ba ang ginawa ko?""Tss." Natawa ako nang mas lalo lang bumusangot ang mukha niya. Halos tumubo ang nguso niya at malupit na tinitingnan ang kapaligiran.
"Hindi naman ako ang lumapit ah?"
"Pero hinayaan mo parin siya." Napanganga ako sa sinabi niya. Natawa ulit ako at hinayaan ang nga insektong naglalaro sa tiyan ko. Pumunta ako sa harap niya at pinilit na tapatan ang mukha niya. Kahit anong gawin ko'y iniiwas niya ito. Nang mapagod at dumaan ang ilang sandaling hindi parin nawawala ang busangot sa mukha niya ay nagbuntong hiningang napaatras ako.
"Jelo..." Malumanay kong tawag sa kanya. Hindi niya ako tiningnan. "Jelo naman eh..." Hinawakan ko ang braso niya subalit parang wala parin siyang narinig. "Wala ka bang tiwala sa akin?" Malungkot kong tanong sa kanya. Ngayong nagmamatigas siya ay parang hindi lang basta basta selos ang alam kong nararamdaman niya. "Wala ka atang tiwala eh." Huminga siya ng malalim at sumandal sa barandilya ng roof top. Nasa gilid ako dahil napausog sa bigla niyang pag abante. Ngayon ay nagiging mahinahon na ang reaksyon sa mukha niya.
"Jelo..." Pagtawag ko. Hindi niya ako binalingan. Nanghina ang mga mata ko nang mapagtantong galit siya sa akin ngayon.
"May tiwala ako sa 'yo." Ang unti unting pag yuko ko ay hindi natuloy. Napatingin ako sa kanya at nabuhayan ng mag salita siya. Nakatingin siya sa paligid. Ang likuran ng eskwelahang ito'y isang dagat ng berdeng puno. Ang hanging maingat na umaataki sa buhok niya ay lalo lamang ginagawang sariwa ang itsura niya. "Hindi ko kasi hawak ang pagkakataon." Dugtong niya pa. Humarap siya sakin ng may malumanay na tingin. Tipid akong ngumiti sa kanya at pinagmasdan niya lang ito ng may pagsusumamo sa mata. Nang makalapit siya ay agad niyang hinaplos ang aking pisngi. Kung paanong hagurin ng tingin niya ang kabuuan ng mukha ko... Pakiramdam ko nakatingin siya sa mundo. "Hindi ko hawak ang tadhana Cassi..." Ngayon ay nanatili ang mga mata niya sa akin. Nanghina ako sa napakasarap na emosyong inilalabas nito. Na para bang sa akin lang... Para lang sa akin. "Pero hawak kita. Hindi ko man hawak ang panahon, ang tadhana o pagkakataon... Pero hawak ko ang mundo ko. At hindi ko hahayaang kunin nila ito. Ang mundo ko ay akin lang. Walang ibang pweding manirahan..."
Masaya tayo noon. Namulat ako na ikaw na ang kaharap ko, at nang makita ko ang mga mata mong puno ng pagmamahal na tinitingnan ako, nawala lahat ng tanong sa utak ko. Ipinaramdam mo sa akin na walang kahit na anong panghuhusga ang kayang tumbasan ang pagmamahalan nating dalawa. Na kahit ang nararamdaman mo lang ay sapat na, kaya na nating lumaban sa kanila... Sa sakit. Sa sekreto. Sa mga kasinungalingan. Sa katotohanan. Sinagot lahat ng pagmamahal mo ang aking pag aalinlangan. Binuhay ako nito...
"Wala na bang balak si Jelo na bumalik sa states? I mean, kung nagtatago ang organisasyon natin sa eskwelahang ito sa bansa, mas mapoprotektahan kayo sa labas. Kaya wala namang problema diba? Don't you miss your family?" Tanong ni Ashley sa akin. Ngumiti ako sa kanya at nagkibit balikat.
"Wala na kaming pamilya doon. At hindi rin naman maibabalik daw ng States ang mga ala ala ko. Ano pa ba? Si Jelo lang naman ang laman ng ala ala ko boong buhay ko kaya bakit pa ako mag aaksaya diba? We are staying here for good. Ayaw ko namang ilayo si Jelo sa mga pinsan niya. Tapos na kaming magpaka independent sa states." Uminom ako ng juice matapos ang mahabang paliwanag. Ashley doesn't look so satisfied.
"Nawala lahat ng ala ala mo diba? permanent. Paano ka nakakasigurado Cassi?" Mapanuring tanong niya. Halos matawa pa ako nang parang gusto na niyang pag isahin ang mukha sa mesa para lang maingat na maibulong sa akin ito. Tinapik ko siya sa noo at natawa naman ako nang malakas siyang mapadaing dito.
BINABASA MO ANG
He's A Ghost (COMPLETED)
FantasyNasanay si Cassi na mabuhay ng mag isa. Ang malamig nitong mata ay simbolo ng matibay na harang na itinayo niya sa sarili niya laban sa lahat ng taong nakapaligid sa kanya. Takot itong makaramdam ng kahit na ano sapagkat iniisip niyang ito ay magdad...