Chapter 39

76 5 0
                                    

"Anong gusto mo sa future?" Nasa lumang play ground ulit kami.

"Ang masuot mo apilyedo ko." natawa ako at binato siya ng hawak na lapis. Nakaupo ako sa kinakalawang na duyan habang siya naman ay sa isang malaking bato sa harap ko.

"Seryoso!"

"Who told you I'm not serious with you?" Pinagtaasan ko siya ng kilay at tiningnan upang makuha nitong hindi nakakatawa ang mga hirit niya. Ngumisi siya at umiling. Tumingin sa kawalan si Angelo habang pinaglalaruan sa daliri ang hawak na lapis ko.

"Engineer." Puno ng sinseridad ang mga mata niya nang iusal ito.

"And why Mr. Lorenzo?"

"Well, I would love to build some theme parks." Tumaas ang dalawang kilay ko sa narinig.

"Ahh..."

"And marry an architect." Nagpipigil ang ngiti kong nakipagtinginan sa nakangisi niyang mukha. "Why do you want to be an Architect, soon to be Mrs. Lorenzo?"

"Oh shut up!" Pulang pula na ako habang sumod sunod na umiilag siya sa pag bato ko ng maliliit na bato sa kanya. "Masyado ka hah."

"Tell me." May kislap at handang makinig ang mga mata niya sa akin.

"Yung theme park... Gusto kong matupad yung pangako na palagi kong hindi natutupad sa kapatid ko. Kapag nakapag tapos ako, nagka pera. Pipilitin kong yumaman para maibigay ito sa kanya. Isang napaka laking play ground. Babawi ako sa kanya. Lahat ng pagkukulang ko, ibubuhos ko dito. Kapag nakapag patayo na ako? Pakiramdam ko kompleto na yung buhay ko."

"Paano ako?"

"Kailangan pa ba kitang banggitin? Baka nga di pa ako nakapag tapos ng pag aaral napikot mo na ako." Humalakhak si Angelo at nilapitan ako.

"Matutupad mo ang pangako mo sa kapatid mo. I'll make sure of that."

Maraming ala ala ang natunghayan ko sa liwanag. At doon ko nakumpirmang ang sinasabi ni Angelong babalikan niya noon ay ako. Ako ang dahilan kung bakit niya gustong bumalik. Ako ang babaeng pinagseselosan ko. At ngayon na sinabi niyang pinili niya ako, ang kasalukuyang ako, parang may kung anong takot na sumasaksak sa puso ko.

Nangilid ang luha ko habang nakangiti lang sa mga ala ala namin. Napaka gaan ng loob ko sa kanya noon. Sobrang bilis kung mahulog ako sa kanya at ngayon alam ko na rin kung bakit sa kabila ng lahat ng sakit, hindi ko siya magawang sukuan. Dito ko napatunayan kung gaano ko siya kamahal. Na kahit hindi ko alam kung bakit, paulit ulit ko parin siyang pipiliin, kahit pa wala nang matirang rason para piliin ko siya, babalik at babalik pa rin ako sa kanya.

Nangunot ang noo ko sa sumunod na eksena. Sa mga ala alang nakita ko ay naging mapayapa na kami ni Angelo. Inilaban niya ako sa mama niya kahit pa kapalit nito ay ang pag takwil sa kanya. Ngunit kalaunan ay unti unti na rin akong natatanggap ni tita Grace. Pero nawala si Jelo. Hindi niya ito natanggap.

Ngayon ay nasa café ulit ako. Ang kapatid ko ay nasa isang mesa kasama si Angelo. Nakikita ko kung paanong hindi maalis ang mga mata sa akin ni Angelo. Wala akong ka muwang muwang rito noon. At ngayon ay parang umaalon ang puso ko sa tuwing nakikita ko siyang gumagawa ng magagandang bagay sa likod ko.

"Kuya Angelo, okay na po ba ito?" Tiningnan niya ang sinusulat ni Sky at ginulo ang buhok. Nakipag apir siya dito.

"Ang galing mo. Basta bukas kapag nawala si kuya Angelo mo dapat strong ka hah? Maging matalas ang mga mata for villains. Dapat walang makalapit sa ate mo hah?"

He's A Ghost (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon