Chapter 33

43 5 0
                                    


"Mauna na ako. Papasok ka pa ba sa Cafè?" Tanong ni Ashley bago pumasok sa kakaparada lamang na itim na kotse sa harap.

Nagkibit balikat ako sa kanya bilang sagot. Tinaasan niya ako ng kilay.

"Takot ka ata sa may ari eh." She smirked. Tiningnan ko siya ng masama kaya tinikom niya ang bibig upang mawala ang ngisi. Itinuro niya ang kotse upang mag paalam na papasok na at aalis. Tinanguan ko siya. "Resign na tayo."

"Unahan mo." Sagot ko ng may ngisi na rin. Ngumiti siya sa akin bago sinara ang pinto ng kotse. Agad naman itong umandar paalis.

Huminga ako ng malalim ng maiwan nang mag isa. Nilingon ko ang waiting shed sa gilid at nag desisyong tunguhin ito. Nang maabot iyon ay agad akong umupo.

Nang sandaling maglapat ang paningin ko sa blangkong kalsada sa harap, agad na nalagyan ng laman ang utak ko. Napalunok ako nang maalala ang pag iwas kanina. Ang malamang tinanggal na siya sa eskwelahan ay naging mahapdi sa pakiramdam ngunit naging panatag rin sa utak ko. Mas mapapabilis ang pag limot ko. Unti unti narin ay tinatanggap ko sa sarili ko na baka kasabay ng pag alis niya sa eskwelahan ay ang paghanap niya sa totoong katawan niya at tuluyan ng mawala sa buhay ko.

Kaya ang makita siya kanina ay halos kunin ang katinuan ko. Ang makita siyang makita akong ganoon kasama si Art ay hindi pinatatahimik ang utak ko.

"Cassi." Agad akong napatingala nang marinig ang boses na iyon. Tumambad sa akin ang nakangising mukha ni Cassandra. Walang ekspresyon ang mukha ko nang suklian ang tingin niya. "Can we talk?"

Hindi ako sumagot. Pinanatili ko ang tingin sa kanya at tumayo. Ilang sandali pang nagkatinginan kami ay humakbang ako para lampasan siya ngunit bago paman pumangalawa ang hakbang ay mahigpit na hawak ang naramdaman ko sa braso. Napaatras ako ulit at sa hindi inaasahang sandali ay nahanap ko ang sarili na nakatagilid ang mukha mula sa pagtanggap ng isang malutong na sampal.

Nagtiim bagang ako nang maramdaman ang kirot lalo na't pinadudulasan ito ng hangin. Muli sana akong babaling sa kanya nang salubungin pa ako ng isa pang malakas na sampal. Napaatras ako at nagulat nang sinalo ako ng tig dadalawang kamay sa gilid. Nakarinig ako ng singhap sa paligid. Nanlalaki ang mga mata kong tiningnan si Cassandra matapos makabawi.

Hawak ako ng dalawang lalaking tauhan niya. Malaki ang ngiti niya ngayon na para bang gustong gusto ang nakikita. Hindi ko mabawi ang kamay sa higpit ng pagkakahawak kaya tanging talim lang ng tingin ang naipanglalaban ko sa kaharap.

"Matapang ka lang sa loob ng eskwelahan." Humalakhak siya matapos sabihin ito. Bumilis ang hininga ko sa galit. Pakiramdam ko ay sasabog ako sa poot nang walang magawa kapag hindi nagagawang kalasin ang sarili sa dalawang lalaki sa gilid.

Lalo lamang tumindi ang inis ko nang masyado na siyang malapit at harapin ako. Nilapit niya ang mukha sa akin at sinakal ang bibig ko. Napangiti siya nang akmang iiwas ko ang mukha subalit hindi nagawa dahil sa sakit ng kuko niya. "Balita ko raw ay ginawa mo ito sa isang estudyante rito? I was amazed Cassi. Ang tapang mo kasi sa paningin ng lahat dito." Nanunuya ang ngiti niya sa akin at lalo lamang diniinan ang kamay sa panga ko, dahilan ng unti unting pagbaon ng mga kuko niya. "Ops! Sorry!" She sweetly chuckled. Saying sorry for doing something she's not sorry for.

Mahirap man ay pinilit kong iangat ang gilid ng labi. Tumaas ang kilay niya at hindi nagustuhan ang ngising nailabas ko. "Gusto mong sumunod sa kanya?" Mapanuyang wika ko.

Nagtiim bagang siya at pinigilan ko ang pagdaing sa sakit nang maramdaman ang kuko niya na tuluyan nang bumaon sa mga pisngi ko. Mula sa galit na ekspresyon ay napalitan ng ngiti ang kanyang mukha. Naramdaman ko ang likidong lumalabas sa pisngi ko.

He's A Ghost (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon