Chapter 37

57 4 0
                                    


"Ayoko na!" Natatawa ko siyang pinapanood. Nakaupo siya sa isa sa mga poste, nakasandal na tinitingala ang ulo habang hirap na hirap na nakapikit.

"Anong ayaw mo na? Ikaw nagdala sa akin dito tapos ayaw mo na?"

"Eh wag kasi sa mga matataas! Bakit ba gustong gusto mo doon sa mga hinahagis hagis ka."

"Aba't. Pinilit ba kita?" Paninisi ko sa kanya. Ngayon ay parang nasusuka na naman ito. Umupo ako para mag lebel sa kanya. Nagbuntong hininga ako nang makitang hirap na hirap nga talaga siya. Mariin ang pagkakapikit niya at para bang nagdadalawang isip kung sasagutin pa ako dahil wala na siyang lakas maging ang magsalita. Nakagat ko ang labi nang makaramdam ng konsensya.

Binuksan ko ang palad sa harap niya at kinalabit siya dahilan para imulat niya ang mga matang nanghihina. Tumingin siya sa palad ko sa harap niya at nagtatanong na bumaling sa akin.

"Madyikin mo nga. Lagyan mo ng panyo." Kumunot ang noo niya pero mukhang alam niya nang pag nag tanong pa siya ay hahaba lang ang usapan kaya sinunod niya ako't sa isang iglap ay may lumitaw na panyo sa palad ko. Nahigit ko ang hininga sa pagkabigla, inaasahan man ito'y hindi parin sanay. Para talagang nanaginip ako palagi kapag siya ang kasama ko.

Hinawakan kong mabuti ito at nang muli ay balingan siya, nakapikit na naman ito. Nag buntong hininga ako at dahan dahan ay pinunasan ang malalamig niyang pawis sa noo. "Tsk. Dadalhin mo ako dito tapos hindi mo rin kaya. Hindi mo naman sinabi sa aking pati multo ngayon mahihiluhin na. Eh diba sanay kayong lumipad?"

Nagmulat siya at matalim akong tiningnan. Nagtatanong ko rin siyang tiningnan. "Tss." Pumikit ulit siya na para bang walang patutunguhan kung papatulan niya ako.

Sinuklay ko ang buhok niya. Basa rin ito kahit mahangin naman kanina. "H-hoy... Ano ba ang nangyayari sa 'yo?" Hindi niya ako sinagot. Kinuha ko ang braso niya at pinilit na tumayo. Doon ko talaga napagtanto kung gaano siya ka hilo. Iginaya ko siya sa bench na inuupuan namin kanina at isinandal doon. "K-kukuha ako ang maiinom—"

"Tss." Hindi na natuloy ang sasabihin ko nang bigla ay yakapin niya ako. Isiniksik niya ang mukha sa gitna ng leeg at balikat ko at doon komportableng nagpahinga. Hindi siya nagsalita at mas lalo lang hinigpitan ang yakap sa akin. Napalunok ako nang maramdaman siya, ang katawan niya ay may katamtamang init.

Isinandal ko na lamang ang likod sa upuan at niyakap siya pabalik. Napangiti ako at isinandal din ang ulo ko sa kanya. Ang isang kamay ay sinusuklay ang malambot na buhok niya. "Ikaw kasi. Di naman kita pinilit eh."

"Hindi nga." Mahinang sagot niya, lubog ang boses sa akin. Tuloy ay naninindig ang balahibo ko dahil sa pagdampi ng mainit na hininga niya. "Tigas ng ulo mo."

Tumaas ang parehong kilay ko sa narinig. "Ano? Anong matigas? Inaano ka ba?" Mahina ko siyang pinalo sa likod. Bumangon siya roon at kunot noong tiningnan ako. Napalunok ako nang makita kung gaanong ka inosente ngunit ka guwapo ang mukha niya.

"Kung sasabihin kong ayoko, sasabihin mong ikaw nalang. You know I can't leave you. You're being tricky." Napanganga ako sa sinabi niya. Bago paman makasagot ay ibinaon niya nang muli sa akin ang mukha niya. Pinalo ko siya sa likod.

"Kasalanan ko?! Gag—"

"Don't. I'm weak. I can't kiss you properly." Natatawang napanganga ako. Gusto kong ipagpatuloy ang pagmumura pero baka sisipin nitong gusto ko lang magpahalik sa kanya. Magsasalita sana ako nang maramdaman kong hinigpitan niya pa ang yakap sa akin. "I can't leave you... I wish I won't."

Natahimik ako roon. Hindi ko na narinig ang huling sinabi niya subalit ang mga naunang salita ay sapat na. Isinandal kong muli ang ulo sa kanya at nakangiting pinagmasdan ang paligid.

He's A Ghost (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon