Chapter 17

64 14 1
                                    


"kung mahal mo ako ay ako lang ang importante sa 'yo!" Tinalukaran niya ako. Dumeretso siya sa kusina at mabilis naman ang pagsunod ko. Ang pagtaas baba ng likod nito dahil sa mabilis na paghinga ay natunghayan ko.

"Jelo gusto ko lang namang lumabas. Ano bang mali kung gusto kong maranasan man lang ang buhay nang..."

"Nang ano? Bakit? Pagod ka na ba sa akin? Sawa ka na ba? " Uminit ang gilid ng mata ko. Ang boses niya ay napuno ng kawalan ng pag asa at pagod. Malamig itong iniusal habang tinatalikuran ako.

"Hindi Jelo..." Dahil hawak mo ang leeg ko. Gustohin ko man ay hindi ko magagawa ito.

"Nasasakal ka na ba?" Humarap siya sa akin. Ang takot sa mga mata niya ay naging dahilan ng tuluyang pagbagsak ng mga luha ko. Pumungay ang tingin niya at dali daling nilapitan ako. Ang sunod sunod na pagtulo ng likido mula sa mga mata ko ay pinag iigihan niya sa pagpunas.

"shhh...sorry..I'm sorry..." Paulit ulit ito. Ngunit mas lalo lamang akong umiyak. Sinakop niya ang magkabilang pisngi ko at pinalis ang bawat luha sa pamamagitan ng mumunting halik nito. "stop crying please... I will do whatever you want just stop crying. I can't take it Cassi...I can't"

Isinandal niya ang noo sa akin. Nakapikit lamang ako habang humihikbi. Ito ang unang pagkakataong pinagtaasan niya ako ng boses. Ang unang pagkakataong nagalit siya ng ganoon sa akin.

"Gusto mo ba talagang palayain kita---" Humagulgol ako at niyakap siya ng mahigpit. Ang daya daya niya. Alam niyang gustuhin ko mang harapin ang mundo pero hindi ko ito kaya ng wala siya. Ayoko nang nasasakal ako pero titiisin ko ito kung kapalit din ng pag luwang nito ay ang pagkakalaya ko mula sa kanya.

"Don't leave me please..."

Mahigpit niya rin akong niyakap at hinalikan sa ulo.

"I will never do that to you. Magiging malaya ka lang kapag naputol ang hininga ko. Pero gagawin ko ang lahat... Maging sa hukay ay dadalhin ko ang pagmamahal na ito."

At doon nagwala ang puso ko. Parang marka ang inilagay ko sa tibok na ito, na kapag sumibol muli sa ay makikilala ko. Pamilyar... Sobrang pamilyar...

"Cassi! Hoy! Gising!" Dahang dahan kong idinilat ang mata ko. Ang nakangiting si Margarette ang nasa harapan ko ngayon. Kumunot ang noo ko.

"Great! God! Ang hirap mong gisingin! What if hindi ako dumating?!"

Mas lalong kumunot ang noo ko. Umupo ako at umatras siya. Natulala ako at hinawakan niya naman ako sa braso.

"Are you okay Cassi? Why are you crying?" Natigilan ako at nilingon siya. Nakita ko ang pag aalalang kumikislap sa mata niya. Mas lalo lamang akong naguluhan at inalala kung anong nangyari.

"Bakit?" Umiling siya.

"I think you're dreaming..."

Kinapa ko ang pisngi ko at nagulat rin ng maramdamang basa ito. Napakurap kurap ako. Mabilis ang tibok ng dibdib ko kahit pa kalmado akong nagising kanina. Kumuyom ang kamo ko at pumikit ako ng madiin. May kumukurot sa bandang dibdib ko subalit ininda ko ito.

Bakit....

"A-ayos ka lang?" Tumango ako at hinarap siya.

"Bakit ka nandito?"

"Ahmm. Kakain na."

"Susunod ako." Hindi siya kumontra at dahan dahang bumaba sa kama ko. Nakatulala lang ako subalit dama kong ang titig niya. Narinig ko ang pag sara ng pinto at muli ay idiniin ko ang mata sa pagpikit.

He's A Ghost (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon