Kanina pa ako naglalakad sa madilim na kalsada. Ang ilaw sa mga poste ang nagsisilbing gabay ko sa hindi malamang direksyon. Ang alam ko ay dito siya tumungo.Paulit ulit na nagpapakita sa utak ko ang malamig na mata nito. Kung paanong ang pag asa rito ay napalitan ng pagkadismaya. Pumikit ako at pinilig ang ulo ko. Kailangan ko siyang mahanap.
Tumunog ang cellphone ko. Umupo ako sa gilid ng kalsada sa sakit ng paa ko. Pinunasan ko ang basang pisngi at pinindot ang sariling cellphone.
"Asan ka?!" Pumikit ako at pinatay ito.
Siya.... Asan na siya?
Muling tumunog ang cellphone ko. Tinitigan ko ang pangalan ni Art. Huminga ako ng malalim bago sagutin ito.
"Where the hell are you now Cassi?!"
Kahit hindi iyon naka loud speaker ay dinig ko parin sa lakas ng boses niya. Nahulog ang isang butil ng tubig mula sa mata ko.
Ang sakit na noon ko pa iniiwasan ay muli na namang inaatake ang sistema ko.
"Fuck! This is your fault kuya! Cassi? Cass sumagot ka!"
"Art..."
"Cassi! Where are you?! Damn it! Dalawang oras ka nang nawawal--"
"I can't find him.... I'm scared..."
"Shit."
"I'm scared that if I can't, I might forever... I can't loose him."
Not again.
Dinig ko ang buntong hininga ni Art. "Let me know where you are. Let's find him."
Mapait akong napangiti ako roon. Dahan dahan ay napapikit ako at pinindot ang pagpatay ng tawag na iyon. Pinatay ko ang cellphone ko at tumayo.
Hindi iyon magpapakita kung ayaw niya. Kanina ko pa alam yan sapagkat hindi siya katulad ng kahit na sino. Pero hinanap ko parin.
Inilibot ko ang tingin sa paligid. Wala nang bahay sa kahit na saan. Ang meron na lamang ay isang lumang gusali sa aking gilid. Ang akala kong high way ay hindi umakma sa pinagmamasdan kong kinaroroonan ko ngayon.
Tumalikod ako at humakbang pabalik sa kaninang pinag pasukan ko patungo sa kantong ito. Kung wala pa ang mumunting ilaw sa gilid ay siguradong mabubulag ako ng dilim ngayon. Binilisan ko ang lakad nang may maramdaman sa paligid.
Gusto ko sanang huminto upang pakinggan ang sa tingin kong ingay subalit ang kaba sa dibdib ko ay pinabibilis ang lakad ko. Makakalabas na ako sa pasilyong iyon. Subalit ang impit ng iyak ay nahuli ng tainga ko. Huminto ako at pinakiramdaman ang paligid. Mas lalong tumahimik.
Ilang sandali pa ay naglakad na ako paabante. Nang makalabas ako sa kantong iyon ay idinikit ko agad ang sarili sa isang poste. Naghintay ako. At nang lumipas ang limang minuto nakumpirma ko ang kutob kanina. Malakas ang halakhak ng kung sinong tao na hinaluan ng nagmamakaawang iyak ng kung sino.
"Akala mo makakatakas ka ano?"
"Maawa ho kayo. Pakawalan niyo ho ako!"Namayani ang halakhak. Humigpit ang hawak ko sa poste nang marinig ang sigaw ng babae. Lumabas ako roon at muling pumasok sa pasilyo.
Mas lalo ko pang binilisan nang makita ang senaryo ng isang nagpupumiglas na babae sa kamay ng malaking nilalang. Ang kaninang nakitang tabla ay mahigpit kong hinawakan.
"Tulong! Pakiusap! Tama na! Tulong!" Humahagulgol ito habang patuloy naman sa pagtawa ang lalaki. Narinig ko ang pag punit ng isang bagay kaya naman ay nang maabot ko na ang kinaroroonan nila ay malakas kong hinampas ito sa leeg.
BINABASA MO ANG
He's A Ghost (COMPLETED)
FantasyNasanay si Cassi na mabuhay ng mag isa. Ang malamig nitong mata ay simbolo ng matibay na harang na itinayo niya sa sarili niya laban sa lahat ng taong nakapaligid sa kanya. Takot itong makaramdam ng kahit na ano sapagkat iniisip niyang ito ay magdad...