Chapter 22

45 12 0
                                    

Umuwi ako sa sariling bahay. Pagkatapos magpahinga ng isang araw ay napagpasyahan ko nang pumasok sa ekswelahan.

"Alam mo bang sobra kaming nag alala sa 'yo?"

Marga keep on talking. Malayo ang tingin ko habang nakaupo sa gilid ng field kasama sina Margarette.

"Galit na galit si Art. Kung hindi lang siya inawat ng mga boys ay baka kung ano nang nangyari sa mga lalaking--"

Nakita ko sa gilid ng mga mata ang pagsaway ng mga lalaki kay Marga. 

"Cassi... sigurado ka bang ayos ka na?" 

"Hindi mo ba dadalawin yung batang niligtas mo? Balita namin ay na trauma daw iyon kaya hanggang ngayon ay naroon pa sa ospital" 

Pinabayaan ko silang kausapin ako nang hindi sinasagot.

"Cassi.." 

"Asan siya?" Seryosong tanong ko at nilingon ko si Fae na nakahawak sa braso ko.  Nagkatinginan sila. 

"Cassi..."

"Pumapasok siya. Bakit hindi ko siya makita?" Simula ng dumating ako, siya lang ang pinagkaabalhan ng mga mata ko. Ngunit ni anino niya ay hindi ko mamataan.

"Pumasok siya kahapon. Pero tulad mo ay hindi din namin siya mahagilap ngayon. Sinubukan namin siyang kausapin pero..."

Tumango ako at huminga ng malalim. Kinuha ko ang mga gamit ko at pinasok sa bag ito. Tumayo ako at pinagpagan ang sarili. Tiningnan ko sila na nakatingala sa akin. Tiningnan ko ang mga lalaki.

 "Uuwi na ako." 

"Ihahatid ka na namin." 

"Kaya ko na. Salamat." natigil sila sa pag tayo matapos kong sabihin iyon. Tumalikod ako at naglakad papalayo roon. Pumasok ako sa school at dumiretso sa lockers upang ilagay ang sariling gamit. Nang marating ko iyon at walang tao ay bumuntong hininga ako. Binuksan ko ang akin. Kinuha ko ang mga libro sa bag at itinira ang kinakailangan ko pauwi. 

"Cassi..." Natigil ako nang basagin ng boses na iyon ang katahimikan. Hindi ko ito nilingon sa gilid ko. Pinanatili kong bingi ang sarili at huwag bigyan ng atensyon ito dahil alam kong wala akong kontrol sa emosyon ko ngayon. "Cassi... I'm worried when I heard the news. Are you okay?" 

Hindi ko nilingon sin Jean. Isinara ko ang sariling locker at itinuon ang sarili sa pagsasara ng sariling bag. Isasara ko na sana iyon nang makitang may kuminang sa loob. Akma kong bubuksan ulit ngunit nang maisip kung ano ang bagay na iyon ay agad ko itong sinara. 

"Nakakapag taray ka na." Bahagya siyang tumawa. "So that means you're okay." Tinalikuran ko siya sapagkat wala akong oras makipag plastikan. Humakbang na ako ng ilang beses upang iwan siya roon nang mahinto ako sa sinabi niya. 

"I remember when you came back here from our vacation trips, I was extremely mad seeing you and Angelo holding each other's hand. So I approached him." Bahagyang lumingon ang ulo ko upang pakinggan pa ang sasabihihin nito. "Did you know that he got mad at me when I try to touch him?" Muli ay tumawa siya. Kumuyom ang kamao ko sa sinabi niya. Isang maling salita pa at lilingunin na kita. "Sabi niya, huwag ko siyang hahawakan dahil ikaw lang daw ang pwede. Nagalit ako but he's so cute saying that. Ganoon mo ba siya binaliw? I had a crush on him and I got more attracted when he did that. What an ideal." 

"Sabi niya pa ayaw niya na lumapit pa ako dahil hindi ka naman daw nagseselos. How charming. Kapag hindi nakakatulong para makita niya ang pagkagusto mo sa kanya  ay gusto niyang itapon dahil walang pakinabang. It's like your reactions precious to him Cassi, the only important. And then I saw him in the Café staring intensely to those guys who's been staring you like here in school. And did you know? He kills every guy here with his dark stare when they try to come near you, kahit minsan napapatingin lang. But he then smile widely when you look at him." Hindi ko na kailangan pang lingunin siya. Pumunta siya sa harap ko at sinsero akong nginitian. Hindi ko maiwasang maalala ang mga panahong iyon. Humigpit ang hawak ko sa bag ko nang biglang may bumara sa lalamunan ko dahil sa pag pasok niyang muli sa isip ko. 

He's A Ghost (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon