Chapter 29

55 7 1
                                    


Mabilis na tinungo ng paa ko ang daan papunta sa kinatatayuan niya kanina. Kumakalabog ang dibdib ko. Pakiramdam ko namumutla ako sa kaba. Para akong natauhan.

Ngunit napahinto ako nang may humigit sa kamay ko at muli ay mapatalikod ako.

Ang pag mamakaawa sa mga mata ni Art ay nilalakumos ang dibdib ko. How his eyes filled with hopes and pain guilts me.

"Art." Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa akin. Gusto ko itong alisin. Mas lalong bumabakas ang paghihirap sa itsura niya dahil dito.

"Kailan mo ba ako pipiliin?" Bulong iyon. Pero para akong nabingi. Natigilan ako at alam kong ganoon din ang mga tao sa paligid namin. Ang mga bulong at tingin ay pinapalibutan na kami.

Tumingin ako sa kanya ng may pagpapahiwatig. Hinigpitan ko ang kapit sa kamay niya nang magkaroon ng pwersa para maialis ito ng tuluyan sa kamay ko. Naramdaman niya iyon at nawalan ng buhay ang mga mata niya. Napakagat ako sa labi. Bago ko pa man ialis ito ay bumitaw na siya.

Blangko na ang mukha niya. Umatras siya sa akin habang tinititigan ako ng maigi.

"Art..." Tawag ko sa kanya. Ayaw ko siyang paasahin pero mahirap sa akin sa tuwing nakikita siyang nasasaktan. Ang tanga tanga ko at hinayaan ko siya kanina. Ang tanga tanga ko higit sa lahat dahil habang siya ang nararamdaman kong presensya ay iba ang iniisip ng utak ko.

"Sundan mo na siya." Malamig niyang usal. Marami ang sumalungat. Ang mga ingay ng pagka disgusto ay umire sa buong lugar. Gusto kong mahiya. Marahil ay iniisip nila na ang sama sama ko't kawawa lamang ang lalaking nasa harap ko. Pero hindi ko na iyon inisip pa. Mahirap man ay tumalikod ako.

Mabilis akong humakbang sunod sunod hanggang sa naging lakad takbo ang ginawa ko. Nakumpirma ko na lamang na ginagawa ngang palabas ang eksena namin nang lahat ng mga matang nasasagi ko ay mapanghusgang nakatingin sa akin.

Lumabas ako at sinalubong ako ng blangkong lugar.

"Angelo?" Pagtawag ko pa. Luminga linga ako upang tingnan siya. Naaalala kong muli ang nagyari kanina. Napapapikit ako at gustong gusto kong sakalin ang sarili ko.

"Angelo!" Naglalakad ako sa hindi ko na alam na dapit ng lugar. Medyo madilim na. Saan nga ba siya pumunta? Huminto ako. Naalala ko kung ano siya at siguro'y hindi siya umalis kung hindi nawala lamang. "Angelo!"

Ilang ulit ko siyang tinawag.

Lumipas ang ilang sandali at hindi parin siya nagpapakita. Nasa likod ako ng isang building malapit siguro sa bar.

"Angelo?" Ang pares ng mata sa madilim na sulok sa harapan ko ay binuhay ang diwa ko. Nawala ang pagod ko at napatayo ng maayos. Nilapitan ko siya. Ilang hakbang lang at naging malinaw sa akin ang mukha niya. Nakatitig siya sa akin ng malamig. Isang metro ang layo namin sa isa't isa. Natatakot akong tuluyang lumapit.

"Angelo..." Hindi siya nagsalita. Patuloy lang siya sa pagtitig sa akin. "Angelo it's not what you think—"

"Masaya ka ba sa kanya?" Walang reaksyon ang mukha niya pero ramdam ko ang pait sa tinig niya. Nanlamig ako at napakagat sa labi. Hindi ako nakasagot. "Anong pakiramdam kapag siya ang kasama mo?"

"Mas masaya ako sa 'yo." Sagot ko. Napakurap siya. Naging malumanay ng kaunti ang tingin niya. Tumaas ang gilid ng labi niya epekto marahil ng narinig niya.

"Masaya ka parin sa kanya. Sapat na yun." Kumunot ang noo ko.

"Ano?" Hindi ko maintindihan. Pakiramdam ko'y hindi ko magugustuhan ang mga sagot niya kapag nagpatuloy ang pag uusap na 'to. Bahagya akong natigilan nang humakbang siya palapit sa akin. Dahan dahan ay pinanood ko siyang lumapit. Napakasarap panoorin ng mga mata niya. Palagi naman.

He's A Ghost (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon