"Nag uusap lang po sila kanina sa cafeteria.Nagulat nalang kami nang biglang kwelyuhan ni Art si Angelo.""Sinuntok niya si Angelo at hinahayaan lang siya nito."
"What do you think is the cause of their fight?"
Natahimik ang lahat sa silid. I was staring coldly to nothingness but my ears clearly hear them. In my peripheral vision, I saw all of them looking at me.
"Art always shout about Cassi's name."
"Gusto nitong kausapin ni Angelo si Cassi but Angelo kept on refusing. Kaya nagalit si Art..."
"And why did it end with that incident?" The Presedent's voice are just so relax that you can't figure this conversation as what it really talks about. Parang wala lang sa kanya ang tinatanong at mga nakukuhang sagot... Yet it's her son.
"Nang makita po kasi naming duguan na ang mukha ni Angelo ay inawat na po si Art. Natulak po siya ng isang estudyante at sa hindi po inaaasahan ay nabunggo ito sa corner ng simento." Tumango tango ang presedente matapos marinig ito. Alam kong sa haba ng pag uusap ay hindi ako nilulubayan ng mata niya.
"You all can go now." Nagsitayuan sila Marga at ilan pang estudyante naroon. Huminga ako ng malalim at tumayo na rin. Mabilis akong humakbang upang makaalis sa silid na iyon subalit pinigilan ako ng isang maawtoridad na boses.
"Miss Sci. Please stay." Napahinto lang ako sandali at itinuloy na ang pagpihit ng pinto upang sana ay umalis.
"Bitch."
"Stop it Music."
Natahimik ang lahat dahil doon, pero ilang sandali pa ay walang pakialam kong itinuloy ang gustong pag alis. Lalabas na sana ako nang hawakan ako sa kamay ni Zin. Tumingin siya sa akin nang may nangungusap na mata. Siguro dahil sa pagod ay pumayag ako sa gusto nila. Umatras ako at hinayaan silang lumabas lahat. Tiningnan pa ako nila Fae ng may nag aaalalang tingin habang ang iba man ay naiilang bagamat nagawa parin akong silipin.
Natahimik ang silid nang sumarado ang pinto. Nanuot sa balat ko ang lamig ng aircon. Bago pa ako humarap ay nagsalita na siya.
"Maupo ka muna Cassi." Nagbuntong hininga ako at walang ganang nilingon siya. Lumapit ako sa mesa niya habang hindi pinag aaabalahang suklian ang mga tinging ipinupukol niya. Umupo ako sa harap niya.
"Kamusta ka na?" Nakita ko ang pag ismid ng lalaki na naka upo sa sofa. Huminga ulit ako ng malalim upang baliwalain ang mga reaksyon niya. "Cassi..."
"Maayos lang po ako."
"Sa bahay ka na lang tumul--"
"Nahihibang na talaga kayo ma." Tumungo ako at kunot noong tinitigan ang mga binti ko. "Hanggang kailan ba kayo matatauhan sa pag mamalasakit sa babaeng iyan?"
"Watch your words Music."
"She watch her self! Alamin niya kung saan siya nararapat. Bakit ba ipinagpipilitan mong ipasok ang buhay mo sa amin hah?"
"Music!"
Nanatili akong tahimik at hindi na ginatungan pa ang sinabing iyon ni Music sa akin.
"What?! Simula ng dumating siya ay nagkanda letche leche na tayo! At ano? Baka nga kahit ngayong mamamatay na yung anak niyo ay hindi parin yun uuwi sa bahay at pipiliin parin ang lintek na babaeng ito!"
"Stop it! Kung hinayaan mo na lang sila ay walang mangyayaring ganito! I told you how many times to stop Music! Let her live her life--"
"And let her destroy ours?! What did that fucking woman did for you all to care her like saint huh?!"
BINABASA MO ANG
He's A Ghost (COMPLETED)
FantasyNasanay si Cassi na mabuhay ng mag isa. Ang malamig nitong mata ay simbolo ng matibay na harang na itinayo niya sa sarili niya laban sa lahat ng taong nakapaligid sa kanya. Takot itong makaramdam ng kahit na ano sapagkat iniisip niyang ito ay magdad...