Chapter 13

78 13 0
                                    


The first day ended with that scene. Nang lumabas ako sa kwarto ay tahimik ang bahay. Tinungo ko ang kusina at doon may nakita akong pagkain. Tiningnan ko ang orasan at nakitang alas diyes na ng umaga. Napahaba ang tulog ko.

Umupo ako at hinarap ang mga pagkain na nakahain. Ilang sandaling paninitig ang ginawa ko. Hindi ko mahanap ang gana sa aking dila at tiyan.

"Naroon sila sa labas." Napatalon ako sa gulat. Nanlalaking mata ko siyang nilingon. Papasok ito sa kusina at nakangiti sa akin.

"What the hell is your problem?" Hindi na siya nakatingin sapagkat kumukuha siya ng pitsel ng tubig sa ref. Nagkibit balikat ito nang nakatalikod sa akin.

Kumunot ang noo ko. I really find her very wierd.

Hinarap niya ako at tinungo ang mesa kung saan naroon ako at doon nilapag ang basong ininuman nito. Umupo ito sa harap ko. Excitement is evident in her eyes.

"They are waiting for you outside. If I were you, gagalawin ko na yang pagkain ko at baka maubusan ako ng lakas mamaya" She laughed at her own statement. I just raise my eyebrow to her. After her laughter she's with her hopeful eyes and smile. Para bang sinasabihan akong tanongin siya kung bakit. Ngunit hindi ko siya binigyan ng interes.

Tumayo ako at kinuha ang pitsel na may lamang tubig na kinuha niya kanina mula sa ref. Umismid siya sa ginawa ko.

"Now I'm wondering why they like you." Napahinto ako sa pagsalin ng tubig sa baso at matalim siyang tiningnan.

What does she mean by that?

Nag aalangan siyang tumawa sa akin "Kidding! 'to naman! You know what? I really find you so beautiful but your aura is a bit too much."

Is a bit tapos too much? Tss.

Ipinagpatuloy ko ang pag salin ng tubig. Hindi ako gutom kaya iinom nalang ako ng tubig.

"Ahmmm... So... Hindi kayo ni Art?"

Hindi ko siya sinagot at nanatili lamang akong tahimik matapos uminom ng tubig. Pumunta ako sa ref dala ang pitsel nang maibalik ito.

"I'm sorry for being nosy. And for last night..." I couldn't find any sincerity in her voice. "I really just thought since he seems to very fond of you."

Hinarap ko siya. Nginitian ng sarkastiko at tinaasan ng dalawang kilay na para bang naniniwala ako. "Really?"

"Yes!" She smile at me. I notice how define her cheeck bones. Her eyes were smiling too and her red lips stretch just to form a very good image. So much for efforts huh?

I smile at her too and she seems shock about it. "I don't really expect you turns to be a blind woman too. Kailan pa?"

"Huh?" nagtaka siya rito kaya umakto akong nagtataka talaga.

"Lantaran naman ang paghahawakan ng kamay nila sa harap mo noong una, you must've known it from the start but I guess from how you acted last night, you didn't see it. Patingin ka ng mata mo miss, sayang ganda mo."

Isang ngisi ang ibinigay ko sa kanya matapos kong pakawalan ang mga katagang ito. Napaawang ang labi niya, siguro ay hindi inaasahan ang mga sinabi ko. Nilagpasan ko lamang siyang parang yelo sa kinauupuan niya at tinungo ang daan palabas ng bahay na iyon.

Pinapakilala mo palang ang sarili mo, nasisid ko na ang pagkatao mo. 

umangat ang gilid ng aking labi sa naisip. Nagpatuloy ako sa paglalakad mula sa kusina patungo sa pinto na maghahatid sa akin palabas. Nang buksan ko ito ay bumungad sa akin ang tatlong taong nakatayo sa gilid ng umaagos na batis. Napabuntong hininga ako ng habang papalapit ay salubungin ako ng preskong hangin at ang tunog ng batis ay humahaplos sa pandinig ko. 

He's A Ghost (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon