Chapter 40

102 6 0
                                    


Doon nagtapos ang eksena. Pakiramdam ko ay humiwalay ako sa kaluluwa ko. Hindi ko na maintindihan kung ano pa ang mararamdaman.

Lumingon ako sa gilid at nakita ang matandang demonyo.

"Napaka hayop mo." Namumuyos sa galit na usal ko. Tumingin lang siya sa akin ng may ngisi sa labi. "Anong ginawa mo sa kanya? Alam kong nilinlang mo siya demonyo ka!" Tumawa ang matanda. Sa isang iglap ay nahanap ko nalang ang sarili na gitil ang bibig at matalim siyang tinitingnan habang sakal sakal niya ang bibig ko.

"Hindi ko gawaing mandaya. Manood ka muna at baka makita mong maging hayop ay mahihiya sa 'yo. Baka kung anong maitawag mo sa sarili mo sa matutunghayan mo." Binitawan niya ako at humalakhak siyang muli ng malakas. Kumuyom ang kamao ko dahil sa galit at pighati.

Hindi ko alam kung anong susunod na mangyayari.... Subalit nahihibang siya. Nahihibang ka Angelo.

Lumingon akong muli sa liwanag ng may marinig. Nanghina ako sa nakita.

Nakipag kasundo siya....

"Sky... "

"Luri please... Ang kapatid ko."

"Ang kapatid mo o si Angelo?! Ginagago mo na naman ako?!"

"No...no..."

"Putang ina kang babae ka! Akala mo ba hahayaan na naman kitang makipag landian sa lalaking yon- shit!"

"Wag ah!"

"Tama na Luri! Ibalik mo na ako!"

"Ibinabalik na kita Cassi. Akin ka lang. Sa akin ka kinuha kaya sa akin ka dapat ibalik. Huwag kang mag alala at hindi ko na hahayaang makuha ka pa ng kapatid ko ulit."

"Hinding hindi ako magiging sa 'yo! Kahit kailan hindi kita mamahalin! Nandidiri ako sa 'yo at kahit pa anong gawin mo, hinding hindi mo mapapantayan ang kapatid m- ahhh!"

"Anong s-sabi mo."

"Anong sabi mo!"

Halos mahilo ako sa sunod na napanuod. Napakabilis ng pangyayari at ngayon ay bumalik ang senaryo kung saan naghahabulan kami. Umalingawngaw ang sigaw ko nang umabot sa pag sabog ulit ng aming kotse. Napapikit ako rito.

Dahan dahan ay iminulat ko ang mga mata. Hindi katulad ng inaasahan ay hindi ko nakita ang sariling kamatayan. Duguan kami pareho ni Angelo. Walang mga pulis sa paligid katulad nang naunang nangyari. Nangunot ang noo ko sa pagkalito.

Wala kaming malay ni Angelo. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makitang lumalaki ang apoy sa likurang bahagi ng aming sasakyan. Sa likod nito ay ang sasakyan din ni Jelo at mas lalo akong nagkakutob nang lumabas siya mula rito.

Mabilis ang lakad niya papunta sa umuusok na sasakyan namin. Binuksan niya ang banda ko at nagulat sa nadatnang sitwasyon namin ni Angelo. Sinubukan niya akong gisingin ngunit hindi bumalik ang malay ko. Tiningnan niyang sandali ang kapatid at muling tumigas ang tingin at walang ano ano'y kinarga ako at inalis sa kotse.

"H-hindi...." Nanlaki ang mga mata. "Hindi!" itinakbo niya ako habang lalo lamang lumalaki ang apoy at usok sa kotse ni Angelo. Umiling ako sa natunghayan. Hindi ako makapaniwalang magagawa ito ni Jelo sa kapatid niya.

Napatalon ako nang may sumabog muli sa sasakyan. "Hindi! Angelo!" Tumilapon akong muli nang sinubukan kong hawakan ang liwanag.

Nang lingunin ko ito ay laking pasasalamat ko at hindi pa buong nalukop ng apoy ang sasakyan. Nahulog muli ang maiinit na likido mula sa mga mata ko.

He's A Ghost (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon