Chapter 7

124 12 8
                                    


"Bakit mo pa kasi kailangang mag trabaho?"

Matalim ko siyang tiningnan. Napatikom naman siya. Kanina pa siya tanong ng tanong.

Hindi ba halata na kailangan ko ng pera para mabuhay?

Nang matapos akong mag ayos ay kinuha ko na ang maliit kong bag pack at humakbang papaalis ng bahay.

"Oy sandali!" Isinarado ko ang pinto ngunit agad ding bumukas nang lumabas siya. Umirap ako sa kawalan. Bumalik na naman ata ito sa pagiging makulit.

Inakbayan ako nito at kagaya ng dati ay inalis ko ang kamay niya. Naghintay ako sa gilid ng kalsada ng masasakyan.

"Ang gusto ko palang tanungin ay bakit sa gabi pa?"

Kaunti nalang at gusto ko na siyang ibaon sa lupa. Hindi ko siya kinibo at pinanatili ang tingin sa pagsulyap sa kalsada sa kaliwang bahagi upang mag abang ng sasakyang paparating.

Hindi niya kaya naisip na buong araw ang klase ko kaya gabi lang ang pwede kong trabaho?

"Alam mo? Siguro ipinaglihi ka sa sama ng loob ano?"

Bakit ba ang tagal ng mga sasakyan. Huminga lamang ako ng malalim at hindi siya pinansin. Itinaas ko ang kamay ko at tiningnan ang oras sa relo.

Alas nuebe y medya na ng gabi. Siguradong pag hindi pa ako nakasakay ngayon ay mahuhuli na ako sa trabaho.

Ibababa ko na sana ang kamay ko nang bigla ay hawakan ito ni Angelo. His face were all gone crumpled. Tiningnan niya ako.

"Napano 'to?"  binawi ko ang kamay ko.

"Tsk" gusto ko nang magdabog sa tagal ng mga sasakyan sa pag daan.

Hinablot niyang muli ang kamay ko pero agad ko naman itong binawi.

"Ang damot mo! Patingin!"

Kinuha niya ulit at nagulat ako ng ipitin niya sa kilikili ang braso ko mistulang pinalupot upang hindi ko mabawi ito.

"Halah! Kababae mong tao basagulera ka?!"

"Aish! Bitaw nga!" hindi ko mabawi ang kamay ko sa kanya! "Lintek nayan!"

Lumingon siya sa akin at seryoso akong tiningnan kaya natahimik ako at nagtaka. Ilang sandali niya pa akong tiningnan ng mabigat at nagulat na lamang ako nang ngumuso ito.

"Bibig mo ang dumi. Pag hindi mo nilinis yan naku! Mali ang mag mura Cassi!" pinandilatan pa ako nito na parang batang pinagsasabihan.

Putang ina kang lalaki ka!

Sinubukan kong hablutin ang kamay ko pero hindi ko makuha.

"Sabihin mo muna kung anong nangyari."

"Angelo!" hindi ako niya ako pinansin. Tinawag ko siyang muli pero parang wala itong naririnig.

"Angelo!"

"Oh Cass bakit?" enosenting tanong nito. "May sasabihin ka?"

"Ugh! akin na nga ang kamay ko!" Natawa lamang ito at naaaliw na ineksamin pa ang kamao ko.

"Hmmm. Tsk tsk. Ang sakit nito" pailing iling pa nitong  sabi.

"Isa!"

"Dalawa" Dugtong pa nito.

Sa inis ko ay ang isang kamay ko ay piningot siya sa braso. Pero hindi siya naapektuhan ngiting ngiti pa ang ungas. Piningot ko siya kahit saan pero tawa lang siya ng tawa na para bang nakikiliti lang imbis na masaktan. Subalit nang pingutin ko pa siya ulit ay para itong babaeng tumili at napabalikwas mula sa akin at tumalon talon sa harap ko.

He's A Ghost (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon