Episode 34

1.5K 30 0
                                    

Mabilis na sumugod si Jullienne kay Ayessha. Mabibilis na pagkilos. Na hindi ko na masundan ng aking mga mata. Masyadong mabilis ang mga galaw nila. Bigla na lang silang nawawala at biglang lilitaw.

Pero ang natitiyak ko ay hindi man lang tumama ang bawat tira ni Jullienne. Hanggang sa hingal na hingal siyang huminto.

"Yun lang pagod ka na? Magdiet ka kasi" narinig kong kantiyaw ni Ayessha. Hawak pa rin niya yung sandatang ginawa niya.

Muling lumipad si Jullienne paitaas. Huh?! Bakit kaya?! At mabilis na bumubulusok pasugod kay Ayessha. WAH!.....NAGPALIT NA SIYA NG DAMIT!!! UH,MY GHAD! PWEDE NA PALA YUN!!! Napanganga na naman ako sa suot niya. Parang member lang ng mga superheros. Nyek! Ikli pa rin ng short. Ba't naman ganun suot niya parang casual wear lang sa beauty pageant pinagkaiba lang mas matibay at kung anu-anong accesories ang nakalagay. Kailangan ba talagang magchange costume?

Habang sumusugod siya nagpaulan siya ng matutulis na yelo kay Ayessha. Sinalo lang naman ni Ayessha ang lahat ng tumama sa kanya. Ramdam ko sa bawat parte ng katawan ko ang pagtama ng mga yelo na tila tumagos pa sa kalamnan ko dahil sa liit ng mga yun na parang karayom lang. Gusto kong isigaw ang lahat ng sakit pero hindi pwede. Ayokong huminto si Jullienne dahil lang sa nasasaktan ako. Pinilit kong tiisin ang kung ilang daang matutulis na yelong bumaon sa katawan ko.

Nasundan pa ng pag-atake ng tuhod ni Jullienne sa likod. Napaluhod ako sa tindi ng sakit na parang may nabaling buto sa aking gulugod. Nakaluhod ako,nakatingala sa langit pero nakapikit ako sa sobrang sakit. Hindi ko maigalaw ang katawan ko. Nakaliyad lang ako,ayokong gumalaw dahil baka mas maramdaman ko ang sakit.

Naramdaman ko rin ang pagsipa ni Jullienne sa tiyan ko. Malakas. Dumausdos si Ayessha at bumangga sa yelong pader na may matutulis na nakausli.

Naramdaman ko ang bahagyang paghiwa ng mga matutulis na yelo sa iba't ibang parte ng katawan ko. Kanino ba talaga galit si Jullienne?! Baka naman may galit talaga siya sa akin.

Napatingin ako sa ispiritual thread na nakatali sa kamay ko. Bakit kaya ito nagliliwanag ngayon?! "Emilee,kanino nakakabit ang thread na ito?" tanong ko sa kanya habang abala siya sa panonood sa dalawa. Parang hindi siya kumukurap nung nilingon ko siya. Hindi siya sumagot at sa halip ay itunuro niya.

Sinundan ko ng tingin kung sino o ano ang itinuturo niya. Nakita kong nasa isang kamay ni Ayessha nakakonekta ang dulo ng ispiritual thread. Kaya pala! Kaya pala nasasaktan ako. Napatingin ako sa kalawit na nakabagsak sa yelo, nabitawan na pala yun ni Ayessha.

"Jullienne!" sigaw ko at napalingon naman siya. "kunin mo yung kalawit at putulin mo yung ispiritual thread!"

Bahagya pa siyang nag-isip at kalauna'y sumunod din. Subalit bago pa man niya mahawakan ang kalawit ay napahinto na siya. "S*ra*lo ka talaga! Ano ako shunga!? Ginagawa mo akong t*nga ah! Muntik ko ng mahawakan! Buti naalala kong kapag hinawakan yan ay para na rin akong nagpakamatay!!! BWISIT KA TALAGA, ARAH! SABIHIN MO SA AKIN KUNG MAY GALIT KA! MAGLABAN NA LANG TAYONG DALAWA!!!" sigaw niya.

Hehehe" immitation lang naman yan eh. Hindi yan ang original." sagot ko.

"Kahit na! Ganun pa rin yun! Immitation nga eh. Lahat ginaya! Baliw! Bahala ka nga diyan. Manigas ka diyan!"

Naku naman! Napalingon ako kay Emilee, baka sakaling may alam siya. Teka nasaan siya? Bakit wala siya dito sa tabi ko? Kanina lang ay andito siya ah! "Emilee!!!" hinanap ko siya sa paligid pero hindi ko siya nakita. Ilang sandali pa'y naramdaman kong gumagalaw ang mga yelong nakaamba sa akin. Bumababa ito at pumatag na sa lupa. At nakita ko si Emilee na nakalutang sa hangin. Ah, inalis niya? Sasabihin ko pa lang pero ginawa na niya. Okey sa wakas ay nakalaya na ako.

MATA (the continuation) {completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon