Episode 42

920 33 6
                                        

This episode is also dedicated to: @lalababejojo

Hi, tnx for voting sana di ka magsawa ha.

Proceed......

Agad akong tumayo at mabilis na binuksan ang pinto. Nakita ko siyang nakatayo sa gitna ng mga kagamitang nagsambulat.

"Anong nangyari?! Bakit ganito ang ayos dito?" sobrang gulo at sira yung ibang gamit. Parang nilusob siya ng kung sino. Teka hindi kaya???

Pumasok sa isip ko ang babala ni Ayessha kanina kaya tuloy siya ang unang pumasok sa isip ko na pwedeng manggulo. Pwede na kasi niyang gawin ang lahat kahit pa ang manakit ng mga inosente. Pero bakit si Norman ang pinuntirya niya? Inilibot ko ang paningin ko sa paligid.....wala namang multo.

Nagulat ako ng biglang tumakbo si Norman sa bedroom. Bakit kaya?! Sobrang duwag talaga nung isang yun.

"Anong nangyari dun?" tanong ko na ang tinutukoy ko ay yung pagkarambulan ng mga gamit sa sala. Sumandal muna ako sa dingding at naghihintay ng sagot niya habang siya ay nakaupo na sa kama yakap ang isang unan.

"Gusto ko dito matulog eh" sagot niya na baby talk pa!

"Oh, ngayon? Ano ang kinalaman nung nangyari sa sala sa kagustuhan mo?" tanong ko.

"Ibinalibag ko lahat yun para buksan mo ang pinto tapos makakapasok na ako. Natakot ka ba? Dito na ako matulog ha....please? Wala na akong tutulugan dun, sirang-sira na at magulo pa. Dito na lang ha." hayy.....parang bata! Pouting pa talaga! Tangos ng nguso.

"Haizt!.....di ka talaga maubusan ng paraan mo ano?! Oh hala! Maglatag ka diyan sa baba, pwede ka matulog sa kwarto pero hindi sa kama....diyan ka baba kaya maglatag ka na." utos ko. At kinawit ko ng isang paa ko yung pansara ng pinto para maisara ko yun.

"Ang sama mo, wala kang awa. Wala kang puso. Wa-----"

"Wala akong atay, wala akong balunbalunan, wala akong utak, wala akong baga, wala akong laman-loob.....lahat wala ako. Kaya kahit anong pagmamakaawa mo....useless yan kaya baba na!"ako na ang siyang nagdugtong sa mga.sasabihin pa niya. Pero nakaupo pa rin siya dun. At hindi tumitinag. "BABA!" Sigaw ko.

Para siyang tumaya sa sabong at umuwing luging-lugi sa itsura niya. "Haizt......lumang style na yan." pabulong-bulong kong sabi habang naglalatag siya ng mahihigaan niya.

Pinanood ko pa siya sa kanyang ginagawa hanggang sa makahiga na siya. "Uy! yung mga sinira mo ikaw magbayad nun ah!"

"Bahala ka sa buhay mo." sagot niya. Nakapatong ang isang braso niya sa kanyang noo at nakapikit na.

"Bahala ka nga. Kaw nagsira nun eh." nahiga na ako sa kama sa pinakadulo yung pinakamalayo sa kanya. "Norms....."

"Uh."

"Wag kang tresspass sa kama ko ha."

"Matutulog lang ako. Wag mo akong gahasain sa panaginip mo." wooh!...... siya pa talaga ang re-rape-in!

"Wow! grabeh ang fighting ispirit mo ah! San mo nabili yan? Baka pwedeng umamot kahit konti? " kantiyaw ko.

"Wala na. Ubos na. Last na 'tong nabili ko. Sorry ka na lang."

"wow! Damot! Matulog ka na nga." sabi ko at ibinalot ko ang buong katawan ko sa kumot mukha lang ang labas. Nagmukha tuloy akong uod na nasa loob ng cocoon at anumang oras ay magiging paru-paro na.

Nakatingala ako sa kisame. Pinagmamasdan ko ang ilaw. Pinipilit kong titigan ang liwanag nito kahit masakit sa mata pero sa huli ako parin ang talo. Ako pa rin ang pumikit. Tulog na kaya siya?

MATA (the continuation) {completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon