this episode is dedicated to: @MauisJuneElagan
-hi. Alam kong busy ka. Sana may time kang basahin ang story na ito. Kasi dedicated ko sayo 'tong episode na ito hahaha. Pero enjoy.talaga akong ka-chat ka sa wattpad, sa fb, at sa avataria hehe. Kita kits ka lang sa avataria pag may time tayo.
*************
Euphorbia's POV
Dahan-dahan kong ibinukas ang aking mga mata.
Una kong nakita ang kalangitan na may mga naglalaglagang mga bituin.
Naramdaman kong lumamig ang aking pisngi nang sandaling madampian ito ng hangin. Malamig dahil sa mga luha niyang naiwan.
Pinahid ko ang mga luhang iyon. Subalit napalitan din ng bago.
Luha ng kaligayahan.
Walang mapagsidlan ng kaligayahan ang puso ko ngayon.
Sa wakas, nakabalik na rin ako.
Daang taon din ang aking binata at pinagtiis upang muli akong makabalik sa aking katawan. At ngayon, tila ba ako'y nananaginip subalit alam kong ito'y totoo.
Ito na marahil ang sinasabing nananaginip ng gising.
Paulit-ulit kong hinahaplos ang aking mukha. Ang mga braso ko. At paulit-ulit ko pang sinasalat kung talagang may katawan na nga ako.
Tunay nga!
Ako na ito.
Nakabalik na nga ako.
Muli akong napatingala sa kalangitan.
Salamat sa iyo......
Arah.....
Bia......
Sa lahat.
Sa pag-iingat mo sa katawan ko.
At pangako ko, hindi mawawalan ng saysay ang sakripisyo mo. Babawiin ko siya at ibabalik ko kay Emilee.
Alam kong, kaunti na lang ang sandaling nalalabi sa akin. Dahil hindi ko alam kung gaano katagal na mananatili ang natitira mong alaala sa utak ko. Pero pangako ko ibabalik ko siya bago ako tuluyang makalimot at nang maisakatuparan ko na ang iyong kahilingan.
Pahakbang na ako nang makita ko si Emilee.
"T-ti.....Tita----" nararamdaman kong naiilang siya sa akin. Hindi niya malaman kung paano ako pakikitunguhan, na sa kahit pangalan ko'y nalilito rin siya.
"Ayos lang, sabihin mo na lang ang kailangan mo"
"Alam ko pong hindi ninyo bibiguin ang kahilingan ni tita Arah. Pero, maari po bang humiling din ako ng isa?" nakayuko siya at nahihiya sa sasabihin niya.
"Kung kaya kong ibigay bakit hindi. Nais kong marinig"
"Maari po bang, ibalik niyo rin si Mama? Gusto ko po siyang makita at makausap bago siya tuluyang maglaho." nanatili siyang nakatungo habang nagsasalita.
"Hindi ko maipapangako sa iyo. Alam kong batid mo rin naman ang ugali niya hindi ba? Subalit susubukan ko."
"salamat po. Mag-ingat po kayo at-------magtagumpay"
"salamat."
Matapos ko siyang kausapin ay tinungo ko na ang silid na kinaroroonan ni Norman. Nakita kong mahinang-mahina na ang apoy sa kanyang katawan. Inilabas ko ang aking pana at muli ko siyang binigyan.
