Episode 71

614 27 12
                                        

this episode is dedicated to: @gelmardiulumen

-ang hindi nagsasawa at hindi naiinip kahit sobrang tagal kong mag-UD. Salamat.-

*************

Tumakbo ako ng pasugod sa kanila at agad na hinarap ako ng limang incubus na nakahanda ng lumaban at may mga hawak na espada. Habang tumatakbo akong palapit ay napansin kong kakaiba ang mga hawak nilang espada. Kulay ginto ang hawakan niyon na nangingintab ang bawat detalye ng disenyo. Ang talim ay kakaiba. Parang iisipin pa lang ay nakakahiwa na.

Huh!

Napahinto ako bigla ng maramdaman kong sumakit ang kanang kamay ko.

Napatingin ako. At nakita kong nahiwa ang palad ko at ngayo'y dumudugo na.

Yung sandata nilang yun!

Parang yung kalawit ko.

Na kapag inisip na hawakan yung talim ay agad makakahiwa.

Bakit?! Paano nangyari yun?!

Paanong naging katulad yun ng aking sandata? Kanina lang ay iniisip kong hawakan yung talim ng espada nung isa at nahiwa agad ako!

At yung disenyo ng hawakan ng esapada nila ay katulad na katulad ng hawakan ng kalawit ko!

Nagulat ako ng biglang tumalon paitaas yung lima at maya-maya'y mabilis na bumubulusok palapit sa akin at sabay sabay na nakaamba ang kanilang sandata.

Tumalon ako upang makaiwas sa kanilang pagbagsak subalit pagkalipat ko sa ibang direksyon ay doon din sila bumagsak!

At nakapalibot na sila sa akin ngayon!

Sabay sabay uli silang sumugod palapit at wala na akong matatakbuhan. Kundi ang lumaban.

Lumuhod ako upang ibaluktot ang aking mga tuhod upang iwasan ang mabilis nilang pagsalakay sa akin. Sabay sabay nilang iwinasiwas ang espada nilang hawak. At napunta ako sa ilalim ng nagpatung-patong na mga espada. Nakaliyad ako at napatingala. Mas nakita ko ng malapitan ang makikintab na talim ng kanilang sandata.

Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng takot.

Hanggang ngayon kasi ay nararamdaman ko pa ang kirot ng nahiwa kong palad.

Parang bigla akong natakot na madampian ng talim kahit bahagya.

Mabilis akong lumusot sa gawing kanan upang takasan sila. At pagtayo ko ay naramdaman ko pa ang isang espadang humiwa sa shield na nakabalot sa akin. Bigla akong napaharap sa kanila at nakita kong nakatutok ulit ang espada nila sa akin.

Mabilis kong pinagtagni ang natapyasan kong shield. Parang isang bula na biglang pumutok ang shield na nahiwa nila mula sa akin. Nabawasan tuloy ang aking proteksyon. Nabawasan ako ng hangin na isusuplay ko pa sa aking katawan habang nakikipaglaban ako.

Kailangan ko pang lalong mag-ingat. Hindi ako pwedeng dumikit sa kanila. Pakiramdam ko'y ang shield na bumabalot sa akin ang talagang pinupuntirya nila.

Tila ang nais nila ay mawalan ako ng hangin na malalanghap.

Pasugod na naman sila.

Ang mahirap pa, wala akong magamit na elemento. At dahil sa isa itong kawalan na walang kahit ano, wala akong magagamit.

Walang apoy.

Tubig.

Lupa.

At kahit hangin.

Wala na rin akong magagamit na pawis dahil sa hindi makapaglabas ang aking katawan sa sobrang lamig sa lugar na ito.

MATA (the continuation) {completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon