Episode 43

964 26 2
                                    

This episode is also dedicated to: @CristinePasigado

Tenkyou girl sa walang sawang pagsuporta.

Proceed......

Anong oras na ba?

Dumilat na ako para makita ko kung maliwanag na. Ramdam ko na medyo masakit ang katawan ko.

Masakit ang katawan ko?!

Holo!!!

Posible ba yun???

Na kahit tulog ako???

Wah!........

Hindi pwede!!!!

Baka naman dahil ito sa semento kami natulog.

Isa pa sa napansin ko pagkadilat ko ay madilim ang paligid.

Di ba dapat, umaga na???!

Bakit madilim???

Nasaang lugar ba ako?

Nananaginip ba ako?

Kinurot-kurot ko ang pisngi ko para malaman ko kung panaginip nga ba o hindi.

"aray!" so, hindi ito panaginip. Totoo ito! Nasaang dimensyon ba ako??? Bakit madilim?? Humayghad!!

"Help! Help! Norman! Tulungan mo ako please! Nasaan ka ba?" bigla akong nakaramdam ng takot at kaba ng sabay. Mas natakot pa ako nang iniunat ko ang kamay ko at nasaktan ako dahil sa matigas na bagay na humarang sa kamay ko. Pakiramdam ko nasa maliit na espasyo ako. Lalong tumindi ang kabog ng dibdib ko. Nasaan ba ako? "Tulong! May tao ba diyan?! Tulungan niyo ako! Please....Norman nasaan ka ba?" kinalabog ko ang matigas na humaharang sa akin. Ayoko sa madilim! Natatakot ako! Hindi ako makagalaw ng maayos pag madilim. Para akong sinasakal at parang pakiramdam ko ay paliit ng paliit ang kinalalagyan ko. "TULONG! TULONG! ANO BA! TULONG NAMAN DIYAN!"

Ilang sandali pa'y nakarinig na ako ng yabag palapit. Biglang may humawi ng kung anong bagay at nagkaroon na ng konting liwanag na pumasok sa kinaroroonan ko.

"Norman!" tsaka pa lang tumulo ang luha ko nung makita ko na siya.

"Arah! Anong ginagawa mo diyan sa ilalim ng kama?" nagtataka niyang tanong.

Kama? Nasa ilalim lang ako ng kama?! "Hindi ko alam." sagot ko. Tinulungan niya akong makalabas. Marahan niya akong hinila sa braso ko palabas. At nakahinga na ako ng maluwag.

"Ang likot mo naman matulog. Kanina lang iniwan kitang balot ng kumot tapos ngayon, nasa ilalim ka na ng kama. Grabeh ka mag-explore."

"tse!" hinawakan niya ako sa magkanilang pisngi ng dalawang kamay niya.

"Okey ka lang?" tanong niya habang pinapahid ang mga luha ko.

Tumango lang ako.

"O sige, lika na mag-almusal na tayo." inalalayan niya akong tumayo. At nagtungo na kami sa sala.

"Saan ka ba nagpunta?" tanong ko.

"Bumili ako ng almusal. Kain na tayo." alok niya. Nakita kong maayos na yung sala. Wala na nga lang mga gamit. Pinalinis niya siguro. Isang mesa lang at dalawang bangko ang naroon at may mga pagkain na nasa mesa.

"Liligo muna ako."

"sige."

"Ah.....pwede ba akong makahiram ulit ng damit?"

MATA (the continuation) {completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon