Episode 36

1K 32 12
                                        

This three episodes that updated is also dedicated to @Lovercafe.

Hahaha pabigyan na ha. Sarreh po sa waley na update ngayon hehe.

Ang lamig naman.

Sobrang giniginaw ako.

Hindi ko rin maigalaw ang katawan ko. Kahit ang mata o dulo ng daliri ko ay hindi ko maigalaw.

Pumasok sa alaala ko ang mga nangyari. Pero hindi ganun kalinaw may mga sitwasyong nalilito ako at naguguluhan.

Ah! Marahil ay patay na ako. Siguro nasa ilalim ako ng lupa......nasa libingan ako?

Pagkatapos ng mga pangyayaring yun, ako pa rin ang bigo. Ako pa rin ang talo. Bakit ba lagi na lang ganun?! Kahit na, ginawa ko ang lahat at lumaban. Ako pa rin ang siyang talunan! Napaka-unfair naman ng tadhana. Ilang saglit na lang ay babangon ako sa libingan para maging isang totoong multo!

Babalikan ko si Emilee.....

Marami akong gustong itanong sa kanya. Tulad ng, akala ko iba siya. Pero bakit gusto niya akong mamatay?

Pati yung ispiritung yun na akala ko'y kakampi ko pero siya rin palang tatapos sa akin.

Sabi ni Jullienne, babalik siya at kukunin niya ang katawan ko.

Marahil ay nagtagumpay na siya.

Masaya sila ngayon!

At nakalimutan na nila ako!

Gusto kong umiyak. Ang sakit naman. Tapos ang lamig pa. Parang nanonoot sa buong katawan ko ang lamig. Pag nagtagal pa ako dito parang, magiging kasintigas ng bato ang katawan ko dahil sa ginaw.

Buti na lang nakakarinig ako ng huni ng mga ibon. Kahit papano nakakatulong yun para maibsan ang kalungkutan ko.

Huni ng mga ibon?!

Kung nakakarinig ako ng huni......maaaring......BUHAY PA AKO!!!

Pinilit kong igalaw ang talukap ng mga mata ko hanggang sa makadilat na ako.

Medyo malabo pa sa unang pagtingin ko kaya pumikit-pikit ako para luminaw.

Mukhang nasa isla pa naman ako. Batay sa nakikita kong mga puno at ligaw na mga damo at halaman.

Kung ganun hindi pa ako patay?!

Pinilit kong tingnan ang sarili ko pero hirap ako. Kaya pala hirap ako at giniginaw dahil balot sa yelo ang buong katawan ko. Katulad nung nakita kong nabalot ng yelo ang buong katawan ni Jullienne sa loob ng banyo niya maliban sa mukha niya.

Si Jullienne?!

Hinagilap ko rin si Jullienne ng aking paningin. At katulad ko, nakabalot din siya ng yelo. Magkatabi kami, nasa bandang kaliwa ko siya kaya hindi ko siya gaanong makita.

"Jullienne! JULLIENNE!!!" tawag ako ng tawag sa kanya pero parang hindi niya ako naririnig.

Ilang beses ko pang inulit ang pagtawag ko sa pangalan niya. Hanggang sa marinig na niya ako.

"Bakit ba ang ingay mo! Nakakainis naman oh! Alam mo bang nagbu-beauty rest ako! Bwisit ka talaga kahit kailan ka! ISTORBO! ANO BANG KAILANGAN MO!" sigaw niya.

"Ikaw ba ang may gawa nito? Alisin mo na giniginaw na ako!"

"Magtanggal lang hindi mo alam!? Ano ba ang kaya mong gawin BWISIT KA!!!" kakainis siya.

MATA (the continuation) {completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon