Episode 37

1K 29 10
                                        

Dedicated to @Lovercafe

Naramdaman ko ang pagtulak niya sa noo ko gamit ang isang daliri.

Tumayo ako ng maayos at nahihiyang humarap sa kanya.

"Bakit?" nakayuko kong tanong.

Napatingin ako sa kanya nung bigla na lang siyang tumawa. Napakunot tuloy ang noo ko. "BAKIT BA!?" pasigaw kong tanong.

"Kasi, smack lang yung binigay ko sayo. Kaw talaga...ang tagal mong pumikit." ngingisi-ngisi niyang sagot.

Kakainis na nakakahiya pa! Siguro tinitigan niya akong mabuti habang nakapikit ako! Ang tagal ko din kayang nakapikit! NAKAKABWISIT KA!

Sinipa ko tuloy siya ng malakas sa dalawang tuhod niya at naiinis ako sa kanya habang tinitingnan lang siyang bumagsak sa buhangin.

"Aray!.....sakit sakit sakit naman!" sabi niya habang hinihilot-hilot ang tuhod niya.

"Buti nga sa'yo! Kainis ka!" kantyaw ko pa.

Sa inis ko'y tinalikuran ko siya at lumakad nang palayo.

"Arah! Sandali hintayin mo ako!" sigaw niya habang hinahabol ako.

"Tse! Manigas ka diyan magnanakaw!" sigaw ko. Medyo binilisan ko pa ang paglakad ko para hindi siya umabot. Nakakainis! Nakakahiya kaya yun! Tapos kakantyawan pa ako! Hayst! First kiss ko pa naman yun sa buong buhay ko. Bwisit talaga siya! BWISIT! BWISIT! BWISIT!

"Arah! Hintayin mo ako! Anong sinasabi mong magnanakaw ako?" hala! Tumakbo na siya kainis! Ang bilis pa naman niyang tumakbo!

Ayokong maabutan niya ko! Binilisan ko pa ang pagtakbo para di niya ako maabutan. Pero mabilis siya talaga. Nakahabol siya at nahawakan niya ang braso ko. Napahinto akong humihingal. Hinawakan niya ako sa magkabilang braso ng tig-isa niyang kamay at inikot niya ako para maharap ko siya. Hingal na hingal din ang mokong!

"Ang bilis mong tumakbo para kang kabayo." nagawa pang mangantyaw kahit hinihingal ibang klase talaga ang mokong na 'to!

"Oo na, kamag-anak ko na si Vice Ganda." naiinis kong sagot.

"Ano ka ba, para binibiro ka lang. Di ka marunong sumakay." sabi niya at tapos ay lumuhod sa harapan ko.

"wala akong pamasahe kaya tumakbo na lang ako."

Ay bwisit! Lumuhod ang mokong! Bakit kaya?! Magpo-propose ka ba?! Dito mismo?! Hindi pa ako handa. Wag muna please? Pinapatawad na kita sa pagnakaw ng halik sa akin. Basta wag ka muna magpropose ngayon. Hindi pa ko handang ibigay ang higit sa halik.....

Hinawakan niya ang kaliwang paa ko at bahagyang itinaas. Pinagpag pa ang mga buhanging sumama.

Susme naman Norman! Ibang klaseng proposal yan! Kailan pa nausong isuot ang singsing sa daliri ng paa? Subukan mo lang, tatadyakan talaga kita sa mukha mo na tatama.

Nakatingin lang ako sa kanya at hinhintay ang susunod niyang gagawin. Inihahanda ko na rin ang sarili kong sipain siya.

Tapos.......

Isinuot niya ang,

tsinelas niya sa paa ko na kanina pa niya bitbit.

Susme! Yun lang pala!

Nakahinga na ako ng maluwag.

"Bakit ba nakayapak ka? Tumakbo ka ba?" tanong niya pero hindi siya nakatingin sa akin. Abala siya sa pagsusuot ng tsinelas sa paa ko.

MATA (the continuation) {completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon