Episode 40

1K 28 9
                                        

This Episode is also dedicated to:@Payaat

Note: Akalain nyo yun oh! Umabot na sa Ep.40 ang kwento ni Arah! Ganun-ganun lang, andami na pala! Dati sabi ko sa sarili ko, hanggang 30 lang ang chapter ng bawat story na gagawin ko. Pero ngayon, lumagpas na! At dahil yan sa inyong mga readers....salamat. Gusto ko kayong i-congratulate kasi ang readers ni Arah, marunong na magbasa hahaha, take note: mabilis pa ha! Pati ba naman author's note, kalog-kalog pa rin....

proceed......

Episode 40

Napalabas tuloy ako ng kwarto dahil sa sinabi niya. Nakayuko akong humarap sa kanya. Ayoko ngang tumingin. Kakahiya. "Anong problema?!" tanong ko.

Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang braso ko. "Tara kain na tayo."

"Sabi mo may problema?" napatingin tuloy ako sa bwisit niyang pagmumukha.

"Wala, pinapalabas lang kita kaya sinabi ko yun. Baka kasi magkulong ka ng isang linggo diyan, di tayo makakauwi."

"Eh, sino yung kumatok?!"

"Ah, yun ba? Receptionist. Sinabi lang na nakaready na daw yung dinner na pinaset mo. Tara kain na tayo." lumakad siya papunta sa likuran ko at hinawakan ako sa balikat. At saka ako dahan-dahang itinutulak palakad. "sabi mo nakalimutan mong monthsery natin? Eh bakit may dinner date pa?" dinner date? Beach resort? Hotel? Yung pera ko!!! Sirang-sira na ang future ko! Hindi naman ako ang gumawa nito lahat eh! Hindi ko ito gusto! Siguraduhin mo lang Ayessha na wala ka na kundi.....sisiguraduhin kong hindi mo magugustuhan ang resbak ko! Inubos mo ang pera ko! Sinira mo ang future ko! Walang h*ya ka! Sinadlak mo ako sa kahihiyan!

Uh?! Pati ba naman yung kashungahan ko isinisi ko na sa kanya.

"Ba't di mo suot yung dress? Akala ko ba pareho tayo ng taste?" sabi niya habang tinutulak akong palakad.

wah! nilandian na naman niya yung tono ng boses niya!!! Isang-isa na lang talaga, sisipain ko na siya!

"SANA IHIPAN KA NG HANGIN PARA MAGING BAKLA KA NG PATULUYAN!!!"

"Pag ba naging bakla ako, mamahalin mo pa rin ako?" malantud niyang tanong.

"Manigas ka! May bakla bang nainlove sa babae?!"

"Marami na kaya, at madadagdagan na sila ngayon....kaisa na nila ako."

Juicemango na expired na! Gusto niyang maging bakla? Ipahiram ko kaya siya sa isang libong mga bading ng isang buong gabi nang malaman niya ang pinagsasabi niya!

Nakarating kami sa venue, venue talaga, nang tulak-tulak niya ako mula sa aking likuran.

Napahinto kami pareho nang makita namin ang isang romantic setting of table sa dalampasigan. May mga nakapalibot na mga poste ng ilaw na siyang tumatanglaw. May dalawang waiters sa tabi ng table. At may mga tumutugtog pa ng violin sa kabilang gilid. My favorite instrument! At may mga nakasinding kandila na nakapalibot sa buong set at may mga nagkalat pang iba sa buhanginan. Meron din sa mismo tabing dagat na nasa mataas na lalagyan para hindi mamatay ang apoy sa bawat paghampas ng mahinahong alon.

"Ito ba yun?" tanong ko.

"Siguro. Sabi dito raw sa tabing dagat." sagot niya.

Parang gusto kong umiyak. Hindi dahil sa tuwa kundi nagi-guilty ako. Ako ba talaga ang dapat na narito? Di ba dapat si Ayessha ang kasama niya ngayon?

Sa ganitong klaseng lugar, sa ganito karomantic na date.... ako ba talaga dapat ang narito? Di ba, hindi dapat ako? Paano ako magiging masaya na pareho naming alam sa mga sarili namin na hindi kami ang siyang gumawa nito para sa amin.

MATA (the continuation) {completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon