Episode 53

790 27 4
                                        

this episode is also dedicated to: @MarjoretteCastillo

-hi, gurl happy reading and thanks for voting-

******

Narating ko na ang kuta nila at sila ang siyang nagturo sa akin. Syempre dahil yun sa kakasunod ko sa kanila. Huminto ako at maingat na nagtago sa may kataasang lugar upang makita ko ang buong paligid. Mukhang nag-iingat nga sila ng husto dahil sa mataas na bakod sa paligid na gawa sa kahoy.

Nagmasid ako upang mapag-aralan ang buong lugar at kung paano ko makukuha si Neneng. May dalawang armadong amazona na nagbabantay sa may gate na kahoy. Maliit lang naman ang kuta nila. Tama lang para sa dami nila palagay ko wala pa sila sa isandaan. May mga palakad-lakad din na mga amazona sa gilid ng kanilang mataas bakod. At bawat pintuan ng mga kubo nila ay may bantay din. May malaking kubo sa pinakalikod doon dumiretso yung pinaka pinuno nila ng makarating sila. Marahil yun ang kubo niya.

Nakita ko rin kung saan ikinulong si Neneng. Mamayang gabi, kailangan kong gumawa ng paraan para mailigtas siya. Sa ngayon dito muna ako lugar na ito. Mukhang ligtas naman ako dito, mataas at medyo nakakubli.

Habang pinapanood ko sila mula sa kinalalagyan ko, hayy, nakakaramdam ako ng antok. Habang tumatagal ay pabagsak ng pabagsak ang talukap ng mata ko. Hanggang sa may maramdaman akong yumuyugyog sa paa ko. Nakadapa kasi ako at nakasubsob ang mukha ko sa aking mga braso.

Oh, may gudness!......

Halos ayokong tingnan kung ano man ang gumagalaw na yun sa aking paa. Naku! Wag sanang ahas!........ Naiisip ko pa lang ang ahas napapapikit na ako sa takot! Sa panahong ito....wala pang anti venum. Ayokong uminom ng apdo ng ahas noh!

Muli na namang niyugyog ang paa ko. Mas malakas na ngayon. Dahan-dahan kong inilalayo ang paa ko ng hindi tinitingnan ang bagay na yun. Pero may kung anong dumiin sa isang paa ko kaya hindi ko naitaas. At mas lalo pa itong dumidiin. Parang matigas na bagay. Sumasakit na ah! May matigas bang ahas!? Kahit siguro patay na yun ay hindi ganito katigas!

Lumingon ako upang tingnan at alisin yun pero pag lingon ko may nakatutuk ng gulok sa leeg ko. Parang kanina pa yun nakatutok---- napatingin ako sa may hawak nun. AMAZONA??? PAANONG??? NAKITA NILA AKO??? AT----DALAWA SILA!

Yung isa ang nagtutukod ng mahabang patpat sa paa ko kanina. Bigla nila akong hinawakan sa damit at iniangat. Sapilitang inilagay nung isang amazona ang mga kamay ko sa likuran ko at iginapos ng baging. "Aray naman! Dahan-dahan lang! Nakakababae kayo ah!" reklamo ko pero hindi sila umiimik. Itinulak ako nung isang nakatali ang buhok para lumakad, siya rin yung magtali ng baging sa akin. Samantalang yung isa....pasipol-sipol lang. Parang natutuwa na may huli sila. Anong akala nila sa akin pagkain?!

"Mapalad tayo ngayon, mayroon na tayong dagdag na pagkain. Tatagal na ito ng isang linggo." sabi nung pasipol-sipol kanina.

SO! TINGIN TALAGA NILA SA AKIN PAGKAIN AKO?! WAH!......AKALA KO AMAZONA SILA YUN PALA....CANNIBAL SILA!!!!

"Mabuto ang isang ito. Sa tingin mo ba'y mabubusog tayo ng isang ito? Tsk! Kahit isang bayawak tatanggi sa oras na makita siya" ang sama naman nitong isang 'to!

"Alam mo, may tama siya!" sabat ko. Tama sa utak! "hindi talaga ako masarap! promise! Payat ako, tama! Mabuto, wala akong lasa. Kaya pakawalan niyo lang ako."

"Mas mabuti, mas mabuto, mas tatagal, mahirap kumain ng buto at matagal yun matutunaw sa tiyan. Mas pabor sa atin." wah!..........

Nakarating na kami sa gate nila. Patingin-tingin yung dalawang bantay sa akin habang naglalakad kami papasok. "kawawa na naman siya..." narinig kong bulong nung isang bantay.

MATA (the continuation) {completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon