This episode is also dedicated to: @ MutyaMadlangbayan
-thankyou for reading my works-
***********
Plugging------Plugging------Plugging.....
A must to read story....
My follower's works,
Kung gusto ninyong dumugo ang imahinasyon ninyo itong kwentong ito ang nararapat sa inyo. Kahit ang utak ko lumabas sa ilong ko dahil dito sa story na ito. At isa ito sa mga paborito kong story na ginawa ni......
@kidlap
entitled....
"MAHARLIKA-Ang simula ng.kwento ni Miguel Amorsolo"
at
"BUGHAW- Ang kwento ni Miguel Amorsolo"
-Please support guys ha. Thanks.-
Proceed.......
Episode 58
Pakiramdam ko'y mas nabalot ng dilim ang paligid. Malayo ang agwat namin ni Neneng pero, natatanaw ko siya.
Nakikita ko ang sarili ko.
Sa ganoon ding posisyon.
Kung saan takot na takot ako. Binalot ng takot ang buong kaluluwa ko. Takot na nung mga panahong yun ay halos ayoko nang mabuhay.
Gusto ko siyang lapitan.
Gusto ko siyang yakapin.
Pero wala akong lakas.
Nauubos lang sa aking pag-iyak.
Yung naramdaman ko noon. Bumalik sa akin ngayon. At yung nararamdaman ni Neneng ngayon muling pumapasok sa puso ko, na tulad nung dati.
Yung posisyon ko noon, nakikita ko ngayon sa kanya. Napapalibutan ako ng mga bangkay na ako mismo ang pumatay. Nagkalat ang dugo maging sa buong katawan ko. Bata pa ako noon.....at wala akong karamay. Nag-iisa ako sa madilim na paligid. Pakiramdam ko, ang paligid na yun hindi na liliwanag kahit pa sumikat nang matindi ang araw at tanglawan pa ng buwan at pagandahin ng mga bituin....
Hindi na mababago------
na ang mga kamay ko'y puno ng dugo ng mga inosenteng tao.
Bagamat ang mga taong yun na naging biktima lang ng kasakiman ng itim na babaylan subalit ang masaklap, ako ang siyang humatol sa kanila. Kahit alam kong nais na rin nilang wakasan ang pang-aalipin ng babaylan sa kanila, nananatili pa rin ang kanilang dugo sa aking mga kamay at hindi na yun magbabago.
Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko kahit pa ang mga luha ko'y tila walang katapusan sa pagbuhos. Sa ganitong pagkakataon, wala akong ibang aasahan kundi ang sarili ko. Kailangan kong patatagin ang sarili ko, at tulungang maging matatag at tumayong muli.
Pinahid ko ang mga luha ko kahit alam kong mayroon pang tutulo. Pinilit kong tumayo, gusto ko siyang puntahan at palakasin ang loob niya, alam ko ang nararamdaman niya ngayon kasi pinagdaanan ko na yun.
Pero bago pa ako makahakbang ay nakaramdam ako ng isang enerhiyang parating mula sa kung saan. Nakita ko ang biglang pagsulpot ng isang liwanag mula sa di kalayuan. Liwanag na tulad nung pintuang dinaanan ko mula sa aking panahon.
Bakit kaya?!
Sino yung darating?!
At saan kaya siya galing?!
