this episode is also dedicated to: @DianaMikaelaYonting
-thankyou-
********
proceed......
"BITAWAN MO YAN! IBIGAY MO YAN SA AKIN! DELIKADO YAN!" paulit-ulit kong sigaw at pakiusap sa kanya subalit hindi siya nakikinig sa akin. Matalim ang tingin niya at desidido siyang gamitin yun.
Nadinig ako ng mga nagbabantay sa gilid kaya napatakbo sila sa kinaroroonan namin. "Anong nangyayari dito?!" galit na tanong nung isa.
"wala. N-nag-uusap lang kami." sagot ko.
Maya-maya'y lumabas din ang pinuno nila at kasunod ay ang babaylan.
"Anong ingay yan!" galit na tanong ng pinuno na sa itsura ng mukha ay nayayamot dahil sa pagkaudlot ng kanyang tulog.
"Sumisigaw ang babaeng yan" sumbong nung isa.
Lumingon sa akin yung pinuno na sa mga mata niya ay naghihintay ng kasagutan mula sa akin. "Kasi------" hindi ko alam ang isasagot ko.
"Tsk! Maaari bang kung ayaw mong matulog, kitlin mo na lang buhay mo at nang tumahimik ang lahat dito. O kaya, lumayas ka na! Bago pa magbago ang.isip ko at pugutan kitang ulo!" banta ng pinuno. Lumingon siya sa isang tauhan niya. "Itapon ninyo yan sa labas ng teritoryo ko, NGAYON DIN!!" pagkasabi nun ay tumalikod na siya at muling pumasok sa kanyang silid.
Hinawakan agad ako sa braso ng isang amazona at kinaladkad pabalas ng tarangkahan. Sa laki ng katawan niya para lang akong payat na pandak kahit 5'8 ang taas ko.
Sinulyapan ko pa si Neneng na nakatayo pa rin. Napansin kong nakikipagtagisan siya ng tingin sa babaylan.
"sandali lang" sabi ko sa kumakaldkad sa akin.
"Wala nang sandali pa. Diyan ka sa labas. Lapain ka ng mga mababangis na hayop!" isinalya niya ako sa labas pagdating sa tarangkahan at saka isinarado nung bantay ang pinto pagkapasok niya. Napasadlak ako sa lupa. Hindi naman ako natatakot sa mababangis na hayop......gusto ko pang makausap si Neneng. Hindi niya alam ang ginawa niya. Bakit niya yun tinanggap? Sinong nagbigay sa kanya nung bagay na yun?! Yung kalawit na yun.....bakit sa kanya ibinigay?! Bago ba ako......si Neneng muna ang siyang nagmay-ari nun?
Naglakad-lakad ako ng pabalik-balik sa tapat ng tarangkahan. "UMALIS KA DIYAN KUNG KUNG GUSTO MO PANG MABUHAY.!" sigaw ng bantay.
Sasagutin ko sana siya nang makita ko si Neneng na palipad-lipad o padapo-dapo sa sanga mga puno. Bakit ganun siya?! Apat na taon pa lang siya! Bakit ganun na siya?!
Nakita kong kasunod niya si Tandang Abah. Nagmadali akong sundan sila. Saan kaya sila pupunta? Mabilis kong tinakbo ang lupa upang hindi sila makalayo sa paningin ko. Madilim ang gabi, wala pang buwan. Pero kahit papano ay naaaninag ko ang paligid. Medyo hirap din ako dahil sa dami ng mga puno at madamo pa. Tanging sinusundan ko lang ay ang aura nila. Kaya lang napakadaming living things sa paligid kaya nahihirapan akong madetect sila. Isa pa, takot talaga ako sa dilim. Kahit alam kong napakalawak ng gubat pakiramdam ko ay lumliit ito. Nakakatakot din ang huni ng mga ibon. Mga ibong sa panahong ito na lang madidinig. Sa present kasi sa internet na lang sila mahahanap.
Humihingal akong napahinto. Itinukod ko ang kaliwang kamay ko sa isang puno. Nasaan na sila? Naligaw na ata ako. Kahit anong bilis ko hindi ko pa rin sila naabutan.
Habang nagpapahinga ako ay may narinig akong ingay sa di kalayuan. Angil ng mga asong gubat na galit na galit. Ayon sa pagkakadinig ko, parang may pinaghahadaang atakihin ang mga asong yun. Nakikita ko sa isip ko ang galit nila. Parang naghahanda sila sa paglapa. At napakarami ng mga asong yun.
