Episode 41

960 25 6
                                    

This Episode is also dedicated to:@keijlie

Napatingin ako sa dagat matapos kong maramdaman ang biglang pagbabago ng alon. Unti-unting naging malaki ang payapang alon nito kanina. Nakakapagtaka pa, hindi bumabalik ang alon sa dagat.

Parang pagkatapos nitong marating ang pangpang ay tumutuloy ito sa ilalim upang doon dumaan para makabalik sa pinanggalingan. Tulad ito ng escalator na pagdating sa dulo ng inaapakang baitang ay sa ilalim lulusot para makabalik sa unahan.

Ako lang ba ang nakakapansin nito?

Napatingin ako kay Norman maging sa mga waiters pero parang hindi nila nakikita yun. Kahit ang pagbabago ng klima hindi nila nararamdaman.

"Uh, natahimik ka. May problema ba?" tanong ni Norman.

"Wala.......yung music lang siguro, masyadong----"

"romantic?" dugtong niya.

Tumango lang ako.

"Ipatigil ko ba?" tanong niya.

"Ah hindi. Ayos lang yan."

"Ang ginaw, parang biglang lumamig. Ramdam mo?" ah! Nararamdaman niya?

"Oo nga." sagot ko at tapos ay ininom ko ang isinalin niyang alak sa baso ko kanina. Wine! Sarap naman.

"Gusto mo pa?" tanong niya at itinaas pa ang bote.

"Ah haha, sige" itinaas ko ang baso ko at para malagyan niya. Nakakatawa lang, hindi yung wine glass ang gamit namin kundi yung baso lang ng tubig.

Dumating na siya. Usal ko sa sarili ko at muli kong nilingon ang dagat para makita ang dumating. Sabi ko na si Ayessha yun eh. Ang walang katapusang babaeng multong ex ni Norman. Ang babaeng X, maling-mali talaga. Sa math, laging pinapahanap ng teachers ang X, dito sila magpunta at nang makita na nila, nang matigil na ang kakahanap sa X na yan.

Pinanood ko siya habang naglalakad sa ibabaw ng tubig hanggang sa inilapat na niya ang mga paa sa buhangin. Bumalik na ang alon sa normal matapos niyang bumaba. Lumakad siyang palapit sa kinaroroonan namin.

Gumawa siya ng isang ispiritual chair nang makalapit na siya sa amin, inilagay niya yun sa pagitan namin ni Norman at saka siya umupo.

"Hi." bati niya habang tinitingnan niyang tila ini-inspeksyon ang lahat ng meron sa ibabaw ng mesa.

Nakatuon ang paningin ko sa basong hawak ko pero ang buong atensyon ko ay nasa kanya. Bumalik ka pa! Ano na naman ang nakalimutan mo? Tanong ko sanya via telepathy.

"Wala akong nakalimutan. Gusto ko lang talagang pumunta dito. Masama bang kumustahin ko kayo?" kampante at mahinahon ang boses niya.

Kung gaano siya kahinahon ngayon, kabaliktaran naman ng nararamdaman ko sa kanya. Mula nung naramdaman ko ang enerhiyang palapit, iba na ang pakiramdam ko, may something sa babaeng ito na hindi ko masabi.

Parang may nagbago sa kanya. Yung aura niya, ibang-iba, di tulad ng dati. Parang hindi na siya ang narito ngayon. Nakakapangilabot at nakakatakot siya kahit wala naman siyang ginagawa.

Para siyang nababalot ng madilim na aura. O dapat ko sigurong sabihing, nasasakop siya ng dilim.

Ah! Hindi kaya?! Si Ayessha kaya ay-------tuluyan nang nagpasakop sa kadiliman?

"Nagustuhan mo ba?" tanong niya. Nakatuon pa rin ang paningin niya sa mga pagkain. Tila ba naghahanap siya ng pwede niyang kainin. At yung tanong niya, parang hindi para sa akin. Parang.........si Norman kaya ang tinatanong niya?

MATA (the continuation) {completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon