Episode 61

728 30 24
                                    

this episode is dedicated to: @ShyrheanBadilla
-tenkyou po-

Note:
Para po sa mga nagpi-PM sa akin at nagtatanong kung bakit daw hindi pumapasok yung comments nila. Hindi ko po alam, sorry po. Pero wag po kayong mag-alala, indi po ako choosy'ng tao. Tumatanggap din po ako votes hahaha...tnx

proceed.....

*********/**

Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanila. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Parang huminto bigla ang oras. At ang tibok lang ng puso ko ang naririnig ko. Mabilis at tila dumadagundong.

Iniisip ko kung ano ba ang hinihintay ko pang makita at titig na titig ako sa posisyon nila. Inaantay ko pa bang makita ng sarili kong mga mata ang sarili kong katapusan?

Kaya ko bang tanggapin?!

Ito ba ang kinalabasan ng pakikialam ko? Ang mamatay ako ng maaga?

Paano na ako?

Mawawala ba lahat ng meron ako sa hinaharap?

Yung mga taong nakakakilala sa akin, malilimutan ba nila ako na parang hindi ako nabuhay sa mundo?

Si Norman, malilimutan ba niya ako maging ang pagmamahal niya para sa akin?

Dahil sa pakikialam ko nabago ko ang lahat?Hindi naman kasi ako dapat nakipamuhay dito.... dapat nanood lang di ba?

Pero hindi, dapat hindi niya ako ikinulong sa shield na ito! Eh di sana, natulungan ko ang sarili ko! Sana hindi mangyayari sa kanya yun.

Napatigil ako sa pag-iisip ng kung anu-ano ng marinig ko ang pagtawa ng babaylan. Tawa ng kanyang tagumpay.

Tiningnan ko sila at nakita ko pa rin sila sa ganoong posisiyon, nakatusok pa rin sa dibdib ni Neneng ang tungkod ng babaylan na punung-puno ng itim na aura. At si Neneng, ganoon pa rin siya.....nakatayo lang at hindi pa rin dumidilat. Maliban na lang nang makita kong nabago na ang posisyon ng kanyang mga kamay.

Huh?!

Yung mga kamay niya! Nasa dibdib niya at salo salo ang tungkod ng babaylan!

"Huwag kang tumawa.....ang tagumpay ay hindi pa tuluyang napapasaiyo. Sapakat ang tadhana ay sa akin iyon ipagkakaloob." marahan ngunit mabigat ang dating ng kanyang mga sinabi na nagpagalit ng husto sa babaylan.

Matapos niyang sabihin yun, ay saka niya idinilat ang kanyang mga mata.

Ang mga matang yun!!!

Ang mga mata niyang nagliliwanang na tulad ng sa akin ay nasasaksihan ko sa kanya ngayon.

Ang kakaibang liwanag na yun! Pero hindi ako nasisilaw. Tanging ang babaylan lang ang siyang nasisilaw sa matang yun.

Lumayo ang babaylan habang tinatakpan niya ng sariling palad ang mga mata niya. Walang tigil din siya sa pagsisigaw. Umatras siya ng umatras hanggang sa mapasandal siya sa isang katawan ng putol na puno.

Napatingin naman ako kay Neneng.

Buhay siya?!

Hawak-hawak niya ang tungkod na para bang walang epekto sa kanya ang lahat ng hirap ng babaylan kanina. Nagsimula siyang lumakad palapit sa babaylan. "Gusto kong humingi ng paumanhin sa iyo....kung ipinakita ko ang lahat ng nais mong mangyari kanina. Ang totoo.....ginawa ko lang yun upang masiyahan ka sa iyong ginagawa. Alam kong ang nais mo ay gawing paralisado ang aking katawan at kapag nangyari yun, madali mong mailalabas ang aking ispiritu at mapaghaharian mo na ang.aking katawan. Patawad kong binigo kita. Dahil simula pa lang alam ko na ang iyong binabalak. Ang totoo....wala naman talagang epekto sa akin ang lahat." huminto siya sa harap ng babaylan at nagliliwanag pa rin ang kanyang mga mata.

MATA (the continuation) {completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon