This episode is dedicated to: @_VougeGirl
plugging-------plugging.......
*Extermination Process*
written by: _VougeGirl
***********
Nakaakma na naman akong sakalin ng babaylan. Pero hindi na ako natatakot sa kanya. Mas nakatuon ang aking atensyon sa katawan ni Neneng na nakahiga sa lupa at wala ng ispiritu. Tumayo ako at nagsimulang humakbang para lapitan siya nang humarang sa aking daraanan ang pasaway na babaylan. "Anong ginawa mo sa kanya!?" madiin kong tanong at hindi ko man lang siya binahaginan ng tingin nanatili akong nakatanaw sa katawan ni Neneng. Nainis ako nung hindi siya sumagot at tumawa lang.
Bruha talaga!
"ANONG GINAWA MO SABI SA KANIYA!?" pag-uulit ko ng pasigaw at ngayon ay tiningnan ko na siya ng matalim.
"WALA AKONG GINAWA SA KANYA! SADYANG MAHINA NA TALAGA ANG KANYANG KATAWAN. BATA AT MURA PA. HINDI NIYA NAKAYANAN ANG PAGLAMON NG ITIM NA AURA SA KANYANG KATAWAN KUNG KAYA ANG SARILI NIYA MISMONG ISPIRITU ANG KUSANG SUMUKO!" at sinundan pa niya ng tawang tila ba hiniram na lang sa demonyo na lalong nagpainis sa akin. Ibinaling ko ang tingin ko sa kanya.
Bagay sa kanya ang bago niyang itsura ngayon, bruhang pangit na mukhang di naliligo at di nagsusuklay since birth.
Nilapitan ko siya at dumikit ako sa kanya at parang hindi niya ata ako namalayan.
Masyado bang napabilis?
Nanlaki ang mga mata niya ng makita niya ako bigla sa kanyang tabi.....na sobrang lapit. Napahinto siya sa pagtawa at nakatingin lang sa akin na parang ngayon lang siya nakakita ng diyosang bagong ligo. Sinikmuraan ko siya gamit ang aking kanang kamao habang nakatitig ako sa mga mata niya ng may naninilisik na mga tingin.
Nung dumampi ang aking kamao sa kanyang sikmura agad siyang tumilapon na parang inihagis gamit ang suntok ng isang professional boxer. Sumadsad ang kanyang katawan sa mga puno na parang sinuyod ng kanyang katawan ang mga iyon. Hindi ko alam kung ilang puno ang nawasak sa bawat pagtama ng kanyang katawan sa mga ito, tila ba humigit sa lima sa aking tantya. Wasak ang mga puno na parang sinuntok ng higante pero hindi yun dahil sa pagtama ng katawan niya kundi sa aura ng kamao ko na pinakawalan ko kanina. Matapos kong makita na halos hindi na siya makagalaw mula sa pagtigil ng katawan niya sa pinakahuling puno na sumalo sa kanya ay hinayaan ko na lang siya at bumaling uli ako sa katawan ni Neneng.
Nilapitan ko yun upang siyasating mabuti. Hinawakan ko ang kanyang pulso.
Mahinang-mahina na. Subalit meron pa.
Inilapat ko ang aking daliri sa kanyang ilong upang maramdaman ko kung may hangin pa bang lumalabas.
Hindi ko na maramdaman.
Nagsimula na namang tumulo ang luha ko.
Anong gagawin ko?
Nababalot na ng itim na aura ang buong katawan niya at pumapasok na iyon sa loob at tinutungo ang kanyang puso. Konti na lang ang natitira at tuluyan na siyang masasakop. Magiging tulad siya nung mga taong pinatay namin.
Anong gagawin ko?
Binuhat ko ang katawan niya at niyakap na lang habang nag-iisip ng paraan. Hanggang sa makita kong nariyan na naman yung babaylan, hawak na niya yung tungkod niya. Mga ilang dipa ang layo niya mula sa amin. At mula sa kanyang kinatatayuan itinusok niya sa lupa ang kanyang tungkod at muli na namang umusal ng orasyon.