This episode is also dedicated to: @theinvisibleknight
-salamat sa pagbasa ha.....tenk you uli kz nagustuhan mo.
note: mukhang natapalan ko na ata ang butas ng utak ko na naging sanhi ng pagtagas nito.....kasi ngayon, naubos na ang kalokohan at waley na episodes. Seryoso na ulit ako. Handa na ba kayong umiyak? Guys, ituloy-tuloy na natin ito hanggang sa ending ha....goodluck sa atin...hehe. Kailan ka kaya gagamit ng kumot? Syempre pag matutulog na....
Weh?! Di nga?!
Proceed......
Episode 44
Nagising akong yakap-yakap ni Norman sa mga bisig niya. Holo! Nakatulog kaming dalawa ng magkayakap sa sofa! Anyare?! Isip isip isip isip.......
Oo nga pala! Hindi ko na siya pinaalis. Ang kapal ng mukha kong magrequest na dito siya matulog kahit dapat ay nagpunta na siya sa trabaho niya kahapon, sinamahan pa rin niya ako. Ako pa rin ang inuna niya kahit alam niyang masasabon siya ng boss niya. Ang sweet naman niya.
Tinitigan ko ang mukha niya habang natutulog siya. Mas mababa ang ulo ko sa kanya kaya nung tiningala ko siya nakita ko yung matangos niyang ilong. Grabeh yung ilong niya....ang laki ng butas. Yung tipong pagsinilip mo, kita agad ang utak.
Sinipat-sipat ko ang ilong niya para pagtripan siya habang natutulog. Ayy, sabi ko na nga ba nagpapanggap lang itong matalino. Wala kasi akong nakikitang utak. Masyadong malinis hahaha
Maya-maya'y naramdaman kong mas humigpit ang yakap niya. Mas napadikit tuloy ang mukha ko sa kanya.
Ano ba yan....... ang laki ng bisig ng lalaking 'to. Balak ba niya akong patayin sa sakal?
Pinilit kong alisin ang isang kamay niya na may suot ng wristwatch na nakayakap sa akin para tingnan ang oras.
4:46am na pala! Kailangan ko ng tumayo para makapagluto ng almusal. Papasok siya ngayon eh. Pero paano ako makakaalis sa pagkakayakap niya?
"Mamaya na, maaga pa." Huh! Nagsalita? Gising na siya? So ano 'to......nagtutulog-tulogan para makaakap lang?
"Gusto ko ng bumangon." sabi ko habang pilit na kumakawala.
"Konti pa.....mga 15 minutes pa. Painin pang konti....di pa ako luto" anu ba yan! Kahit kakagising yung takbo ng utak walang pinagbago. Hayy, wala nga pala akong nakitang utak kaya pala consistent ang isip niya.
"Ano ka ba, nakasalang sa kalan na parang kanin at kailangan pang painin.....speaking of kanin, magluluto na ako ng agahan."
"Di na kailangan. Nakapagluto na ako." sabi at dumantay pa ang mokong!
"Nakapagluto? Bakit anong oras ka ba nagising? Sa pagkakaalam ko, nauna pa ako sa'yo ah!"
"Correction, patulog pa lang ako. Di ako natulog magdamag kasi nakakatuwa kang panooring matulog. Ang likot mo, para kang uod. Ilang beses din kitang sinalo dahil ilang beses ka ding nagmuntikanang mahulog. Nakakatuwa ka. Konting minuto pa ha...SO. Mamaya na tayo tumayo"
Talaga bang ganun ako kalikot matulog? "Anong oras ba ako nakatulog?"
"Hmm, talagang wala kang matandaan? Nakakain ka lang ng paksiw nagka-amnesia ka na. Nung sumandal ka sa akin nakatulog ka na agad."
Hehe, kaya pala wala akong gaanong maalala.
Mga 5:30 am na din kaming tumayo. Naghilamos at nagtoothbrush muna ako tapos ay Nagtimpla ako ng kape para sa aming dalawa.
