This episode is also dedicated to: @ArleneMacni
-salamat po sa pagbasa..... you made dream come true. "Ang makapagsulat ng kwento at mabasa ng iba"-----isa ka kasi sa mga nagbasa kaya salamat.
"Ano ba ang nangyayari dito? Bakit ba hindi kayo magsalita!? Ikaw babaeng hilaw! Ipaliwanang mo nga kung bakit nag-iiyak itong isang 'to!' galit na may halong pag-aalalang tanong ni Nanay Lourdes kay Jullienne habang nakaturo sa akin.
Pero hindi na yun sinagot pa ni Jullienne sa halip ay hinaplos na lang niya ito sa ulo at pinatulog siya gamit ang kapangyarihan. "Hoy, Arah! umayos ka nga! Hindi ito ang oras para mag-iiyak ka diyan. Puro ka na lang iyak! wala ka bang ibang gagawin kundi ang umiyak! Kailangan nating umalis dito. Kailangan nating ilipat itong mag-inang 'to. Hindi sila pwede dito. Hindi pwedeng malamang ng mga tao 'to."
"Hindi sila pwede sa bahay.....matao dun. Pwede ba dun muna sa bahay mo? Sige na please......kahit ngayon lang. Tatanawin ko itong isang malaking utang na loob. Pakiusap." nagsumamo na ako kay Jullienne. Wala na akong ibang pwedeng pagdalhan kay Norman. Pagpipiyestahan ng mga tao kapag nalaman nila ang bagay na ito. Atleast sa bahay niya, malaki, mataas ang bakod at pati ang gate. Tsaka walang ibang taong dumadalaw dun. Parang wala naman kasing kamag-anak o kaibigan ang isang ito.
Panay ang lakad ni Jullienne ng pabalik-balik habang nag-iisip. ''hayy, naku! Sabi ko na nga ba......ito ang isang negative side ng tumutulong, naaabala ka!'' sabi niya, pandaka'y huminto na rin sa paglakad. "o sha!......mukha namang hindi ako makakatanggi at mukhang wala akong magagawa. I-teleport mo na lang sila sa bahay at uuwi na lang ako dun gamit ang kotse ko" lumakad na siyang palabas.
"Jullienne," tawag ko. " salamat ha."
"Tsaka ka na magpasalamat kapag naaayos na ang problema mo." sabi niya at nagtuloy-tuloy ng lumabas.
Agad kong ini-lock ang pinto pagkalabas niya at tulad ng plano, dinala sila Norman at Nanay Lourdes sa bahay ni Jullienne. Inihiga ko muna si Norman sa magarang sofa sa maluwag na sala at iniupo ko ang natutulog niyang ina sa may paanan niya habang hinihintay ko si Jullienne na dumating.
Maya-maya ay narinig ko na ang pagbusina ng kotse ni Jullienne. Dali-dali akong tumakbo para pagbuksan siya ng gate.
Agad niyang ipinasok ang kotse pagkabukas ko. "nasaan sila?" bungad niya.
"nasa sala" sagot ko.
Mabilis niya yun tinungo. "Hayy.....sa kauna-unahang pagkakaton nagpapasok ako ng lalaki sa bahay ko.....ipinangako ko pa naman sa sarili ko na ang unang lalaking papasok dito ay ang lalaking pakakasalan ko.....nuh ba yan!!! Hindi ko naman siya pwedeng agawin sayo di ba?" baling niya sa akin.
"Sorry, mukha ngang hindi na. Babawi na lang ako sayo sa susunod. Dadalin ko dito si Shean promise."
"tse! wag mong pinangungunahan ang buhay ko lalo na lovelife ko"
"so si Shean nga??"
"Manahimik ka nga. Babaeng sunog. Ilipat mo na lang ulit siya sa Isang guest room" utos niya. Naupo siya sa isang magarang couch at nagsindi ng mamahaling sigarilyo. Isang hithit lang at pinatay niya agad sa ashtray na nakalagay sa ibabaw ng salaming side table na malapit sa kanya.
"Kailan ka pa nanigarilyo?" tanong ko.
'ngayon lang! Nati-tense ako eh. Tsaka nag-iisip ako! Alam ko naman na wala kang utak kaya ako na ang mag-iisip para sayo!'
"grabe ka sa akin" agad kong inilipat si Norman sa isang guest room. Inayos ko ang pagkakahiga niya at kinumutan na parang natutulog lang. Naramdaman kong muli ang pagtulo ng mga luha ko.
