Episode 66

668 23 14
                                    

This episode is dedicated to: @Tomoki Gabriel

****************************

Iniwan ko na siya at tinungo ko ang silid na kinaroroonan ni Norman. Lumuhod ako para magkalevel kami. Hinawakan ko ang kamay niya at inilapit ko sa mukha ko saka ko hinalikan.. napayakap ako sa kanya at nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko.

Norman......

Magpakatatag ka ha.

Please pilitin mong lumaban.

Kahit sinusubukan kong maging matatag, parang gusto ko ng bumagsak.

Parang hinang-hina ako.

Parang hindi ko na kaya.

Pero para sa'yo pipilitin kong lumaban.

Kahit hanggang lang sa maibalik kita.

At pagkatapos nun, hindi ko na alam ang mga mangyayari.

I'm sorry.

Pero lagi mong tatandaan, mahal na mahal kita.

Pag wala na ako, sana.....

hindi mo na rin ako maalala, sana mawala na rin ang bakas na nabuhay ako sa mundo sana.....

kahit ang nararamdaman mo para sa akin ay mawala na rin.

Kahit konting bakas....

kahit sa alaala,

kahit konting alaala sana.....hindi mo na ako maalala pa....

para hindi mo maramdaman ang sakit na nararamdaman ko ngayon.....

Napahagulgol na ako habang yakap-yakap ko ang katawan niya.

Ang sakit sakit.

Alam kong pag-ikaw ang nasa ganitong sitwasyon hindi mo rin kakayanin....

Hayaan mong ako na lang....

ako na lang ang magdala ng lahat ng sakit...

ako na lang masaktan ng ganito....

mabuhay ka na tulad ng dati....gaya nung mga sandaling hindi mo pa ako nakikilala.

Ibabalik kita para kay Emilee...

Please si Emilee na lang sana ang matirang alaala mo.

H-hindi ko kayang------

pakawalan ka-----

ang sakit sakit.....

ang sakit sakit na.....

Mula sa kwartong yun inubos ko ang lahat ng luha at sakit na nararamdaman ko. Pinilit kong ibuhos at pakawalan ang lahat ng pagmamahal na meron para sa kanya.

Lahat lahat.

Gusto kong lumabas sa kwartong yun na parang hindi ko na siya kilala. Na wala na ang sakit na nararamdaman ko.

Gustong lumabas dun at iwan sa kanya ang lahat ng pagmamahal na meron ako ngayon....

Para paglabas ko, hindi ko na siya lilingunuin....

wala nang dahilan para lingunin ko siya....

Sa paglabas ko-----

hindi ko na siya kilala.

Na ang isang Norman Villegas kailanman ay hindi naging bahagi ng buhay ko.

Para pagkatapos ng ilang minuto ay magagawa ko ng isuko ang lahat......

MATA (the continuation) {completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon