Episode 54

774 26 6
                                        

This episode is also dedicated to: @graalm

-thankyou for reading this story; sana wag ka magsawa hehe-

Note:

Para po sa lahat ng naguguluhan na sa kwentong ito, tiis-tiis lang po. Alam kong masalimuot na ang kwento at marahil ay hindi na maunawaan ng ilan, wag po kayong mag-aalala, pasasaan ba't lilinaw din yan. Hindi naman po ako naglalagay ng isang episode na hindi kasama sa kwento. Kasama po talaga yan. Alam kong nahahabaan na kayo. Baka may ilang naiinip niya, sorry po talaga. Sa katunayan, maraming episode na po akong hindi isinama buhat pa sa simula ay nagbawas na po ako. Kahit kasi ako, ayaw ko rin ng mahaba kaya nagbawas na talaga ako. Gayunpaman, tiyaga lang mga apo, sabi nga ni @ClarissaTorre "pag may tiyaga; may masarap na bulalo" hehe

proceed....

*******

"Naku! Nagkakamali lang po kayo." nakangiti kong sabi.

"Hindi mo siguro nakikita kaya hindi mo alam." anang babaylan. Tumayo siya at nagtungo sa medyo tagong silid. Paglabas niya ay may dala na siyang plato na may nilagang kamote.

Parang ginto na ang tingin ko sa kamote. Pagkalapag niya nun sa lamesa agad akong kumuha ng isa......hinaplos-haplos ko pa na parang antagal naming hindi nagkita.

"Sige kumain ka lang. Matamis yan." sabi ng matanda.

Kumuha din si Neneng at kumain kami.

Habang kumakain kami, biglang nagbukas ang pinto. Napatingin kami. At nanlaki ang mata ko nung makita kong yung pinuno ang papasok. Halos di ko malunok ang kamoteng nginunguya ko.

"Tanda, ipaliwanag mo ang pangyayaring ito....ngayon ka lang nakialam sa desisyon ko. May mabigat ka bang dahilan? Tiyakin mong ikakatuwa ko yan!" bungad ng pinuno at naupo at nakikain kasabay namin.

"Mga babaylan sila. May nais akong malaman sa kanila." anang matanda.

Humugot muna ng hangin ang pinuno bago nagsalita."Hindi dahilan ang pagiging babaylan upang patuluyin natin sila dito. Hindi sapat ang magkaroon ng maraming babaylan. Ikaw lang sakit na ng ulo. Pati ba itong bata babaylan din?"

"Sa paningin ko'y oo."

"Itong bata, sapat na maging kahalili mo. Subalit itong isa, may sarili na itong pag-iisip. Hindi natin alam kung ano ang tumatakbo sa utak niya. Pag tapos ka na sa kanya....dispatsahin mo na" parang bumara sa lalamunan ko yung kamote. Nandun lang siya at hindi ko malunok. Hindi tuloy ako makapagsalita. Kamote lang ba? Kamote lang aking huling hapunan bago ako patayin?

"Ikaw!" baling ng pinuno kay Neneng. "ano ang iyong pangalan?" patuloy lang si Neneng sa pagkain ng nilagang kamote. Hindi siya nakakaramdam ng takot sa kahit kanino. Nilunok muna niya ang nginunguya bago sumagot.

"Neneng po"

"Magmula ngayon, hindi na yan ang pangalan mo. Pumunta ka sa labas at pumitas ka ng kahit ano sa puno, sa halaman o bulaklak at dalahin mo sa akin" utos niya. Agad tumayo si Neneng at sumunod sa utos.

Bumalik siyang may dalang bulaklak at ibinigay sa babaylan.

"Alam mo ba kung ano ang tawag sa bulaklak na pinitas mo?"

"hindi po"

''Euphorbia ang tawag diyan. Kaya mula ngayon, Yan na ang magiging pangalan mo." Huh?! Ganun lang ang pagbibinyag sa panahong ito?!  Grabeh naman. Wala bang celebration?

MATA (the continuation) {completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon