Episode 52

822 28 9
                                    

This episode is also dedicated to: @SittiePaa

***********

"Uh, wala na siya.....nahulog na. Halina't umuwi na tayo" pag-aaya nung isa at nauna ng umalis habang yung iba naman ay tila napahinto ang mundo. Nakatitig pa rin sila sa bangin kung saan nahulog yung dalawa.

Maya-maya'y nag-aya na rin yung iba.

Bagama't nagtagumpay sila. Sa itsura ng mga mukha nila'y tila ba sila ang nabigo.

Kahit ako, mukhang nanalo ako sa lotto sa halagang bilyong piso na inalagaan ko pa talaga ng ilang taon at solo ko pa ang premyo subalit sa kasamaang palad, hindi ko natayaan dahil lang sa tinamad na akong tumaya, yun ang itsura ko ngayon.

Hindi maipinta ang mukha, bigung-bigo. Wala akong nagawa. Umalis na silang lahat at ako na lang ang naiwan na nakatulala pa rin sa bangin. Nagdadalawang isip ako, sisilipin ko ba o hindi na lang? Gusto kong makita pero takot ako sa makikita ko.

Nanaig ang takot ko, tumalikod ako at umalis na lang.

Habang naglalakad ako na hindi ko alam kung saan ako pupunta, bigla kong naalala yung yung sanggol na iniwan niya sa duyan. Ewan ko ba, pero iba ang pakiramdam ko sa batang yun, may kakaibang enerhiya akong nararamdaman na kahit anong iwas ko ay parang.hinahatak niya akong pabalik sa kanya. Pakiramdam ko, may kung anong nag-uugnay sa amin. Siguro yun yung bagay na dapat kung tuklasin.

Nanatili ako sa baryo. Nakisalamuha na parang taga-roon. Bagama't dayuhan sa kanilang paningin, magigilw sila at palakaibigan. Sinubaybayan ko ang paglaki ng bata. Hindi ko alam kung bakit.....pero, malakas ang pakiramdam kong malaki talaga ang kinalaman niya sa buhay ko.

Lumipas ang apat na taon...........

Sinundan ko ang pamilyang yun na magtutungo sa pamilihang bayan. Malayo ang lakarin patungo doon. At dahil sa nasa bundok sila nakatira, kailangan maglakad ng limang oras pababa ng bayan at limang oras pabalik.

Ahaha ayoko magpinitensya!......

Sobrang naaapreciate ko na ang mga sasakyan ngayon, nasaan na ang tricycle? Yung jeep? Bus kaya? At kahit ayokong sumakay o magbackride sa motor gagawin ko na. O kahit sa bisekleta...pagtityagaan ko na. Maglakad ng limang oras???!! Mamamatay akong dilat ang mata. Nakataas pa ang kanang kamay, bakeeet?! Kasi, gutom ako! Aabutin ko sana ang tutong mula sa kalderong nakapatong sa kalan pero hindi ako umabot.....ikinamatay ko yun!

Ang sagwa naman ng iniisip kong pagkamatay ko.....walang poise!

''Bababa ka din ba sa bayan?" napa-igtad ako sa ale na biglang nagtanong.

"ah, opo. Ganun na nga po" nakangiti kong sagot. Nakita nila ako!!! Umiiwas na nga ako eh. Napatingin ako dun sa bata, kasi naman, ang sama niya makatingin sa akin.

"Si neneng pala, nag-iisa kong anak" sabi ng ale. Sagwang pangalan. Alam mo kung nabuhay ka sa present, bu'bully'hin ka, kasi ang panget ng pangalan mo. Nickname lang yan, pero pag teenager ka na itatakwil mo din yan.

Ano ba itong pinag-iisip ko!

Bahagya akong umupo para pantayan yung bata, "kumusta?" nakangiti kong bati. Pero nakatitig lang siya at walang ekspresyon ang mukha, ano ba ito? Galit? O suplada lang talaga? Kampon ka ba ni Lady Gaga? Kasi naka-poker face ka?

"Halina kayo umalis na tayo" dumating yung asawa niya na nakasakay sa isang kalabaw na may hilang isang kung ano mang tawag dun na basta pwedeng sakyan.

"Maaari ba natin siyang isabay...sa pamilihan din siya tutungo" anang babae.

"O sige, sumakay na kayo upang hindi tayo gabihin sa pag-uwi"

MATA (the continuation) {completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon