this episode is dedicated to: @JerrySonAquino
-salamat po sa pagbasa-
Note:
may mga panahong nararanasan kong hindi ako makapag-UD hahaha. Yung tipong alam ko naman ang flow ng story, alam ko ang dapat kong i-type kaya lang hindi ko masimulan. Tapos, gustong-gusto kong mag-UD. Kaya ginagawa ko, naglilinis ako ng bahay. As in, buong bahay para ganahan ako. Kaso, ibang story ang pumapasok sa utak ko. Bakit ba?! Nakakainis! Nadagdagan na naman tuloy! Ang gusto ko lang naman makatapos ng isa.....ba't nadagdagan pa?!!!!
Kainis talaga!!!
Proceed......
****/*////*******
"Sa gitna ng pamamahinga may napadalaw na isang bruha." inis kong sabi. Inihanda ko ang sarili ko sa anumang maaaring maganap. Alam kong nagpunta siya dito upang makipagtuos. Sa itsura pa lang ng mukha niya ay galit na galit na siya. Para siyang mapagpanggap na reyna na inagawan ng trono.
Pagtingin ko kay Neneng ay nakita kong mas handa pa pala siya kaysa sa akin. Nakataas na agad ang kapangyarihan niya. Ready to fight talaga!
"Ang buong akala ko'y naubos ko na ang lahat ng magiging babaylan at inakala kong ang isang hindi nailigpit ay mahina lang at hindi dapat katakutan subalit. Kayong dalawa, pinasakit ninyo ang aking ulo. At inubos pa ninyo ang aking mga alagad!" nagsasalita siya habang nakalutang ang mga paa niya sa hangin. Hawak niya ng mahigpit ang kanyang tungkod na singtaas niya. Parang yun ang ginagamit niya sa kanyang paglutang. Isa lang naman yun tungkod na ginawa mula sa isang puno. Parang hindi naman ganun kaespesyal ang bagay na iyon. Kaya lang, nararamdaman ko ang malakas na kapangyarihan ng tungkod. May something sa tungkod na yun.
"Nagulat ba kita na, makita ako na may ganito kalakas na kapangyarihan? Sadyang pinaghandaan ko ang araw na ito Tanda. Sapagkat hindi pa tapos ang aking paghihiganti sa iyo....at ang ayaw ko sa lahat ay iyong duwag at walang ginawa kundi ang tumakas. Kung kaya......tapusin na natin ngayon ang ating nasimulan ng walang tumatakas.." paghahamon ni Neneng. Ang tapang niya! At kaya niya???
"Sa nakikita ko o sabihin na nating, nararamdaman kong hindi inborn ang third eye niya. At purong dilim ang gamit niyang kapangyarihan." sabi ko.
"Ano po ang ibig ninyong sabihin?" tanong ni Neneng.
Paano ko ba ipapaliwanag. Maiintindihan kaya niya??? Sabagay, matindihan na yan...matalino siya.....parang hindi ako. "Kapag ipinanganak ang isang tao at walang taglay na kapangyarihan......pwede siyang magkaroon. Sa panahon ko, di ba nga sabi ko, third eye ang tawag sa ganitong uri ng kapangyarihan. Ikatlong mata. Na hindi ko alam kung paano naging ganun ang tawag eh layo naman sa katotohanan. Pwedeng ipabukas sa iba ang matang yun ang probema, naaagaw sila ng dilim. Hindi tulad ng inborn, nakakakita agad ng liwanag kaya nakakapili ng landas na tatahakin. Samantalang ang mga katulad niya, unang makikita ang mga nasa dilim at iniisip na yun ang totoo dahil yun ang tila gumagabay sa kanila." paliwanag ko.
"Hindi ko po maunawaan." sabi ko nga, yun ang isasagot niya. Paano ko ba ipapaliwanag ng madali.
"Ganito....dahil sa nasakop o nagpasakop na siya sa dilim ang kapangyarihan niya ay purong dilim at may halong sumpa."
At habang nag-uusap kami at nakikiramdam sa pag-atake na gagawin ng itim na babaylan, natigilan kami ng makita at marinig namin ang pagsisimula niya sa kanyang orasyon.
Sabi ko na nga ba, kapag hindi inborn sila yung gumagamit ng mga orasyon at kung anu-ano pang karunungang nagmumula sa dilim. Mga lengwaheng hindi maunawaan. Mga bagay na may hatid na sumpa. At ang nakakatakot ay kapag nagsimula na silang manakit ay hindi na yun mapipigil hanggat hindi nakukuha ang nais. Kadalasan sa katulad niya ay gumagamit ng lengwahe upang makulong ang ispiritu ng biktima sa kawalan hanggang sa angkinin ng kadiliman. Inaalay nila para sa kanilang kahilingan.
