this episode is also dedicated to: @frvrsalbahe
-salamat sa pagbasa....naapreciate ko talaga....sana magustuhan mo...happy reading-
proceed.....
**********
"Hanapin natin siya! Baka mamaya, kung saan magtungo ang batang yun at pumaslang na naman!" bigla akong nag-isip nung marinig ko yun kay Tandang Abah.
Pumaslang-----ulit?!
Hindi kaya?!.......
"Alam niyo po kung saan naroroon ang itim na babaylan?" tanong ko.
"Bakit mo naitanong?"
"Baka andoon siya"
"Ano naman ang gagawin niya doon!?"
"Maghihiganti po....pigilan natin siya.!" halos hatakin ko si Tanda sa pagmamadali.
"Sandali nga! Huwag mo akong hatakin!" nagpupumiglas siya at nabitawan ko siya. Napahinto tuloy kami.
"Matanda na ako at kung kaladkarin mo ako......"
"wag na po kayo magreklamo.....sabihin niyo kung saan?"habang iniisip niya kung saan yung lugar, binabasa ko naman ang laman ng isip niya para malaman ko ang direksyon at nung malaman ko, hinawakan ko na siya at isinama sa pagte-teleport.
"Nasaan na tayo!? Bakit narito na agad tayo!? Kanina lang-----anong ginawa mong damuhong kang bata!!! Anong klaseng aswang ka?!" panay reklamo ni Tanda dahil sa pagkagulat. Talagang healthy siya kasi hindi siya inatake sa puso.
"Shsss......" saway ko sa kanya habang pinagmamasdan ko ang paligid. Natahimik naman siya at nakigaya sa pagmamanman ko. Nasa isang lugar kami kung saan tanaw ang isang nayon.
Nakita namin si Neneng na nakatayo at nakamasid sa nayong tinatanaw namin.
"Lumabas na po kayong dalawa diyan....matutuklaw kayo ng ahas sa ginagawa ninyong pagsilip" ang talas ng pakiramdam ni Neneng hehehe
Napalabas kami ni tanda at tumabi sa kanya.
"Anong ginagawa mo sa lugar na ito?" tanong ni Tanda.
Itinuro niya ang nayon. Napatingin kami ni Tanda. Hindi ko alam kung nakikita at nararamdaman din nila ang nasasaksihan ko ngayon. Balot ng maitim na aura ang buong nayon. Nakakapangilabot ang aurang yun. Ramdam ko ang kapangyarihang itim na nakakapanikluhod. Parang kapag lumapit ako dun ay, lalamunin ako ng dilim at mapapasailalim sa kung sino man ang gumawa niyon.
"may ililigtas lang po ako sa banda roon." itinuro din ni Neneng ang gitna ng nayon kung saan nakatayo ang malaking bahay.
"Sino!?".sabay na tanong namin ni Tanda.
"Yung ispiritu po ng aking mga magulang ay hawak ng itim na babaylan. Kaya po hindi sila matahimik. Noong pinapapatay niya ako, batid niyang hindi nagwagi ang mga gumawa kung kaya't bago tuluyang bumalik sa lumikha ang ispiritu ng aking mga magulang ay nakuha niya yun at binihag dahil alam niyang isang araw ay darating ako upang iligtas sila."
"Bakit kaya gusto ka niyang patayin?!" nagtataka lang ako....
"Dahil nga sa ayaw niyang may isisilang na babaylan na mas hihigit sa kanya." sagot ni Tanda.
"Yun lang!?"
"Si Devorah, ang babaylan na pinaniniwalaan ng lahat. Kapag may dumating na mas higit sa kanya, wala ng maniniwala sa kanya. Ginagamit niya ang kapangyarihan niya upang maging alipin ang mga tao. At para maging mas makapangyarihan, isinanla niya ang ispiritu sa demonyo. Magmula noon, napapasunod niya ang mga tao gamit ang kapangyarihan niya. Kinukuha niya ang ispiritu ng mga tao at iniaalay sa demonyo at binubuhay niya ang katawan sa pamamagitan ng kapangyarihang itim at ginagawang tagasunod niya." paliwanag ni Tanda. "katulad ng asul na apoy na bumabalot sa puso mo, ganoon din ang ginagawa niya sa mga biktima niya, subalit hindi asul ang ginagamit niya, kulay pula."
