Episode 50

837 31 6
                                    

This episode is also dedicated to: @Akocleytegenevave

****************

Mula din mismo sa kwarto kung saan kami naroon ay ginawa niya ang isang pintuang nagliliwanag.

"Makinig ka, ang pintuang ito ay hindi isang ordinaryong pinto. Ito ay isang mahiwagang pituan patungo sa nakaraan. Tulad ito ng isang pintuang may nakatakdang oras. May limitasyon lang ang oras ng pagpunta sa nakaraan. Ang pintuan ay kusang nagsasara kaya hindi ka dapat magtagal doon, kundi mapagsasarhan ka at mamatay sa lugar na yun. Sa oras na makita mong  nagsisimula ng magsara ang pinto, kailangan mo ng lisanin ang lugar na iyon. Pumasok ka na agad sa pinto upang makabalik ka. Samantala, nais kong ipabatid sa iyo na huwag. na huwag kang makikialam sa anumang kaganapan sa nakaraan. Ang nakaraan ay lumipas na. Manonood ka lang. Dahil sa oras na galawin mo ang nakaraan kahit na maliit lang, malaki ang mababago na tiyak iyong pagsisihan sa huli." tumahimik na rin siya sa kakadaldal niya. "Nakahanda ka na ba?" tanong niya.

"Kanina pa."

"Kung gayon, maari ka ng pumasok. Ihahatid kita sa  pasimula."

Wala na akong kinakatakutan. Tsaka nakaraan na naman yun eh. Para lang akong manonood ng tv nito. Ayos lang ako.....hindi ako dapat matakot.

Nagsimula na akong humakbang palapit sa pintong yun na hindi ko alam kung ano ang meron sa loob nun.

Humakbang ako at nagpatuloy sa paglakad hanggang sa tuluyan na akong nilulon ng liwanag.

Dinala ako ng pintong yun, sa isang hindi pamilyar na lugar. Ni hindi ko alam kung Pilipinas pa ba ang pinuntahan ko. Puro puno. Naglalakihan. Walang kalsada. Madamo ang paligid. Madilim. Palagay ko gabi sa mga oras na ito.

Nilingon ko ang pintuang nagluwa sa akin....at naroon pa rin yun sa aking likuran. Hindi naman siguro ako nito iiwan. Maglalakad muna ako.

Hindi pa ako nakakalayo mula sa aking pinanggalingan ng marinig ko ang dalawang taong nag-uusap. Nagkubli ako sa isang puno upang makiusyuso.

Dalawang babae ang nag-uusap. Kakaiba ang mga damit nila. Mga sinaunang kasuotan.

Teka, alam ko hindi naman sa ganitong panahon ako isinilang ah! Bakit parang panahon pa ata ito nila Rizal o Bonifacio!!!?

Maingat akong nakinig sa pinag-uusapan ng dalawa.

"Ipaalam mo sa kanila na nagsimula na ang mga tao upang tugisin ang señorita. Binabalak nilang patayin siya maging ang sanggol na kanyang isisilang. Magmadali ka upang makapaghanda na silang lumikas" sabi nung isa.

Nakita kong tumango ang kausap at nagmadali siyang naglakad pabalik.

Sinundan ko siya. Panay ang kubli ko sa mga puno kundi ma'y sa mga damo. Pakiramdam ko kasi ay nararamdaman niya ako. Panay ang lingon niya habang mabilis na naglalakad.

Nakarating kami sa lugar na malayo sa kabayanan ng humihingal. Isang barung-barong ang kanyang pinuntahan. Marahan siyang kumatok sa pinto nito at agad na nagbukas ang isang babae na nasa edad mahigit kwarenta. Pinapasok siya nito sa loob. Nakakuha naman ako ng pagkakataong lumapit upang makinig sa kaganapan sa loob.

Yari sa pinagtapi-tagping malalapad na dahon ang dingding ng barung-barong na kanilang tinutuluyan. Kahit hindi ko idikit ang aking tenga ay dinig ko ang pinag-uusapan nila. Isang boses ng lalaki. At maliban sa babaeng sinundan ko kanina ay may tatlo pang babae sa loob. Marahil yung isa ay yung nagbukas ng pinto. May isa pang halos kaedaran niya, nalaman ko dahil sa kanyang tinig. At ang isa ay kasalukuyang nanganganak.

MATA (the continuation) {completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon